NEW
Font size
WorksheetsWeek 6 - Maikling Pagsusulit sa Filipino 8
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000 hanggang ________ na linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaring abutin ng ilang oras o araw.
5000
4000
3000
Elemento ng Epiko na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Matalinhagang salita
Banghay
Tagpuan
Ito ay isang sulatin na binubuo ng mga pangungusap na tumutukoy sa piling paksa o tema.
Pangungusap
Tula
Talata
Bahagi ng talata na nagpapakita ng pagsasara sa usapin, tema o paksang pinag-uusapan. Dito rin nagbibigay ng konklusyon, rekomendasyon o paglalagom sa paksang pinag-uusapan.
Simula
Gitna
Wakas
Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala.
Maikling Kwento
Epiko
Pabula
Teknik sa pagpapalawak ng pangungusap na kung saan ang mga salitang hindi agad-agad naiintindihan ay kailangang bigyan ng depinisyon.
Pagbibigay Katuturan o depinisyon
Paghahawig o pagtutulad
Pagsusuri
Isa sa mga tauhan sa epikong Ibalon. Isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig.
dambuhalang buwaya
Oriol
Rabut
Teknik sa pagpapalawak ng pangungusap na nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay
kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa't-isa.
Pagbibigay katuturan o depinisyon
Paghahawig o Pagtutulad
Pagsusuri
Ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina _______, ________, ________.
Batlog, Handing, at Bantong
Baltog, Handiong,
at Bantong
Baltog, Handing, at Bantang
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "________" na nangangahulugang salawikain o awit.
Apos
Epos
Ipos
