wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G10 Parabula - Katotohanan, Kabutihan at Kagandahang Asal

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang parabula ay isang maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang _____ na pamantayan na ang mga kuwentong nakapaloob ay matatagpuan sa Bibliya. Ano ang salitang dapat ipuno sa patlang?

a)

Makasanlibutan

b)

Pakikipagkapwa

c)

Moral

d)

Natural

2.

Ang _____ ay elemento ng parabula na tumutukoy maging sa oras na naganap ang kuwento.

a)

Tagpuan

b)

Aral

c)

Banghay

d)

Tauhan

3.

Sa parabulang "Ang Tusong Katiwala," natuklasan ng amo na niloloko siya kanyang katiwala dahil _____.

a)

ipinaalam ng kanyang asawa

b)

isinumbong sa amo ang katiwala

c)

isinuplong sa pulis ang katiwala

d)

pinaimbestigahan sa utusan

4.

Ano ang kakayanan ng isang parabula?

a)

Magbigay ng masayang buhay

b)

Magbigay ng pagkakataon

c)

Magbigay-turo ng mga kaalamang pangkabuhayan

d)

Magbigay-gabay tungo sa tuwid na landas

5.

Ang pagtulong sa kapwa sa panahon ng pandemya ay kinalulugdan ng ating Diyos.

a)

Kabutihan

b)

Kagandahan

c)

Katotohanan

6.

Ang pagsunod sa tamang paraan ng disiplina at pag-iingat ay nakaiiwas sa sakit (COVID19).

a)

Kabutihan

b)

Kagandahan

c)

Katotohanan

7.

Ang pagsuot ng facemask at may katernong headband ay nakagaganda na rin.

a)

Kabutihan

b)

Kagandahan

c)

Katotohanan

8.

Ang pagsisimba at padarasal ay daan upang maipahayag ang

komunikasyon sa Diyos.

a)

Kabutihan

b)

Kagandahan

c)

Katotohanan

9.

Nang marinig ng hari ang nakahahabag niyang salaysay sa

pagkakakulong ng kaniyang kapatid bumukal sa kaniyang puso ang awa at

pagmamahal.

a)

Kabutihan

b)

Kagandahan

c)

Katotohanan

10.

Sa kwento ng Mensahe ng Butil ng Kape, ano ang ibig ipahiwating ng "kumukulong tubig"?

a)

problema

b)

solusyon

c)

pananaw

d)

katotohanan

11.

Sa kwento ng Mensahe ng Butil ng Kape, ang buhay ay patungkol sa ano?

a)

pakikiayon sa mga pangyayari

b)

pagrereklamo

c)

pagkatuto at pakikiayon

d)

pagkatuto

12.

3. Ang sumusunod ay mga elemento ng parabula maliban sa ________.

a)

A. banghay

b)

B. tagpuan

c)

C. tauhan

d)

D. sukat

13.

9. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay

mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. Ano ang isinasaad ng

salitang may salungguhit?

a)

A. paglalahad ng dahilan at bunga

b)

B. pag-iisa-isa ng mga impormasyon

c)

C. paglalahad ng maging ang kondisyon at kinalabasan

d)

D. paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

14.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.


Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad at nagsabi ng isang kuwento.

a)

a. alaga

b)

b. amo

c)

c. tagasunod

d)

d. taga-alaga

15.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.

a)

a. ipinakita

b)

b. ipinagyabang

c)

c. itinago

d)

d. itinanggi

16.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.


“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng maraming tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng

inyong mga puso.”

a)

a. nagbabalat-kayo

b)

b. nagkikibit-balikat

c)

c. nagmamalaki

d)

d. nagsisinungaling

17.

Panuto: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.


“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

18.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.


“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

19.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.


“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa

buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o

butil ng kape?” usal ng ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

20.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.


“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat,

ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

21.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.


Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…” katulad mo mahal na ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

22.

Alin sa mga sumusunod ang kaisipang higit na ipinakikita ng parabulang Ang Tusong Katiwala?

a)

a. Ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling.

b)

b. Ang bawat kasalanan ay may katapat na kabayaran.

c)

c. Ang pagiging matalino’t madiskarte ay makapagliligtas sa iyo sa anumang kapahamakan.

d)

d. Walang alipin ang maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian

niya ang isa at iibigin ang ikalawa.

23.

Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa tunay na buhay ang kahalintulad ng ginawang pagtataksil ng

tusong katiwala sa parabulang binasa?

a)

a.Pangungurap sa pondo ng bayan ng ilang tiwalang opisyal

b)

b. Pangangalunya o pakikiapid ng mga magkakasintahan sa iba

c)

c. Pagkatamad ng ilang empleyado sa paggawa ng kanilang tungkulin

d)

d. Pagbabalik isang drayber ng mga naiwang gamit ng kaniyang mga pasahero.

24.

Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng pagsunod sa salita ni Hesus na,

“Angmapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya

sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.”?

a)

a. Mula sa mahirap na pamilya si Art. Gamit ang angking talento at pagsusumikap ay naiahon niya

ang kaniyang pamilya.

b)

b. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Candy sapagkat nadatnan nila ang kanilang bahay na malinis ayon sa

kanilang inaasahan sa anak bago sila umalis.

c)

c. Inutusan si James ng kaniyang ina na bumili sa tindahan ngunit hindi na naibalik ni James ang

sukli sa kaniyang ina hanggang sa nakalimutan na niya ito.

d)

d. Isang mahusay na empleyado si Mark sa kanilang kompanya. Gayon pa man, ibinubuhos lamang

niya ang kanyang buong husay kapag alam niyang may kapalit itong gantimpala.

25.

6. Bakit mahalaga ang parabula bilang isang akda?

a)

A. Maakay ang tao sa matuwid na landas ng buhay.

b)

B. Magkaroon ang tao ng ibang pananaw ukol sa buhay at espirituwalidad.

c)

C. Makilala ang kultura, paniniwala at pinahahalagahan ng sumulat ng

akda.

d)

D. Lahat nang nabanggit.