wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aralin 3: Sistemang Pang-Ekonomiya

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang utak ng kapitalismo?

a)

Adam Smith

b)

Karl Smith

c)

Karl Marx

d)

Adam Marx

2.

Sino ang "Ama ng Komunismo"?

a)

Karl Smith

b)

Adam Marx

c)

Adam Smith

d)

Karl Marx

3.

Alin sa mga sumusunod ang katumbas ng komunismo sa sinaunang sistemang pang-ekonomiya?

a)

Command Economy

b)

Mixed Economy

c)

Market Economy

d)

Community Economy

4.

Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng paglalaan o pagbabahagi ng takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan.

a)

alokasyon

b)

preparasyon

c)

organisasyon

d)

imbensyon

5.

Sa sistemang pampamilihang ekonomiya malayang nakakalahok ang dalawang pangkat ayon sa pansaring interes, Sino ang dalawang kalahok na may malayang pagpili?

a)

prodyuser at konsyumer

b)

pamahalaan at pamilihan

c)

teknolohiya at sambahayan

d)

produkto at serbisyo

6.

Sa sistemang pang-ekonomiya hindi magagawa lahat ng pamahalaan ang mga produktong kailangan ng mga tao ayon sa dami at uri ng gusto. Anong katanungan ang sumasagot dito?

a)

Para kanino ang gagawing produkto?

b)

Gaano karami ang gagawing produkto?

c)

Paano gagawin ang produkto?

d)

Ano-anong produkto ang gagawin?

7.

Sa sistemang pinaghalong ekonomiya, sino ang karaniwang nagpapasya?

a)

pamahalaan

b)

tao

c)

pamilihan

d)

pamahalaan at tao

8.

Sa anong paraan ng pagpapasya naka depende ang pangangailangan ng sistemang tradisyunal?

a)

presyo at produkto

b)

tao at lipunan

c)

paniniwala at kultura

d)

serbisyo at produkto

9.

Kailangan malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya para makapagdesisyon sa gagawing produkto. Anong katanungan sa pang ekonomiya ang sumasagot dito?

a)

Anong produkto ang gagawin?

b)

Paano gagawin ang produkto?

c)

Para kanino ang gagawing produkto?

d)

Gaano karami ang gagawing produkto?

10.

Ang makikinabang sa produkto at serbisyo ang nagsisilbing gabay para makalikha at maipagpatuloy ang produksiyon. Anong katanungan pang-ekonomiko ang sumasagot dito?

a)

Gaano karami ang gagawing produkto?

b)

Para kanino ang gagawing produkto?

c)

Anong produkto ang gagawin?

d)

Paano gagawin ang produkto?

11.

Sa sistemang ito maaaring gumamit ng teknolohiya upang maisakatuparan ang paglikha ng produkto at serbisyo. Anong katanungang pang-ekonomiya ang sumasagot dito?

a)

Paano gagawin ang produkto?

b)

Para kanino ang gagawing produkto?

c)

Gaano karami ang gagawing produkto?

d)

Anong produkto ang gagawin?

12.

Pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari.

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

13.

Ang paggawa ng kalakal ay batay sa nakagisnan kahit mayroong modernong paraan ng paggawa nito.

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

14.

Ang lahat ng manggagawa ay may pare-parehong sahod.

a)

Traditional Economy

b)

Market Economy

c)

Command Economy

d)

Mixed Economy

15.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI na naglalarawan sa lipunang may market economy?

a)

Mababang buwis ang ipinapataw sa mga kalakal.

b)

Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.

c)

Kakaunti ang mga regulasyon sa pagnenegosyo.

d)

Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.

16.

Sa command economy, ano ang may komprehensibong kontrol at regulasyon ng ekonomiya ng bansa?

a)

Pamilihan

b)

Konsyumer

c)

Prodyuser

d)

Pamahalaan

17.

Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyunal na ekonomiya?

a)

Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang yaman.

b)

Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain.

c)

Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.

d)

Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito.

18.

Ayon kay Abraham Maslow, ano ang unang antas ng pangangailangan?

(a)  

19.

Ano ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ayon kay Maslow?

(a)  

20.

Ang pangunahing pakay ng alokasyon ay upang maiwasan ang kondisyon ng (a)   .