NEW
Font size
WorksheetsChecklist ng Kahandaan
Total questions: 14
Worksheet time: 3mins
1. Alam ba natin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pagamutan, pamatay-sunog, pulis, at mga kawani ng barangay?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
2. Alam ba natin ang pinakamalapit na ligtas
na lugar mula sa ating bahay na maaaring
paglikasan pag may kalamidad gaya ng
lindol, pagbaha, bagyo, pagputok ng bulkan,
sunog at iba pa?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
3. Alam ba ng buong pamilya ang evacuation plan sa kani-kanilang mga paaralan at trabaho?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
4. Alam ba natin kung paano ililikas ang mga bata, may kapansanan at matatanda na kasama natin sa bahay?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
5. Nag-iimbak ba tayo ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
6. Naghahanda ba tayo ng emergency kit at first aid kit para sa posibleng sakuna o trahedya?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
7. Alam ba ng buong pamilya kung ang ating tahanan ay malapit sa bulkan, dagat o ilog?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
8. Kapag may bagyo o lindol, alam ba ng buong pamilya kung tayo ay nasa panganib?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
9. Pagkatapos ng bagyo, lindol, pagbaha,
pagputok ng bulkan at iba pa, alam ba natin
kung paano matatawagan ang mga kasama
natin sa bahay kung sakaling nagkahiwalay
kayo?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
10. Alam ba natin kung kailan dapat bumalik sa ating mga tahanan pagkatapos ng isang kalamidad?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
11. Tayo ba ay handa sa posibleng epekto ng bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan gaya ng pagkasira ng bahay, ari-arian at pinagkukunan ng hanapbuhay?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
12. Alam ba natin kung kanino makakukuha
ng tama at totoong balita o impormasyon
upang hindi na tayo makadagdag sa maling
mga haka-haka na siyang nagiging sanhi ng
kaba at takot?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
13. Alam ba natin kung kailan dapat lumikas kapag may kalamidad?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
14. Alam ba natin ang tamang paraan ng paglikas kung tayo ay nasa panganib dulot ng kalamidad?
Oo
Hindi
Hindi Sigurado
