NEW
Font size
WorksheetsHeograpiyang Pisikal
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
2. Anong panahon ang nararanasan kapag madalas na nagbabaha at gumagamit ng damit na panlamig, kapote at payong?
A. Taglagas
B. Tag-init
C. Tag-ulan
D. Tagsibol
3. Anong uri ng anyong lupa na malawak na lupain na patag at mababa. Angkop ito sa pagtatanim ng gulay, mais, at palay?
A. Kapatagan
B. Bundok
C. Burol
D. Talampas
4. Ang bundok ang pinakamataas na anyong lupa. Makikita sa Ilomavis, Lungsod ng Kidapawan, Hilagang Cotabato ang pinakamataas na bundok sa bansa.Anong bundok ito?
A. Bundok Arayat
B. Bundok Pulag
C. Bundok Cordillera
D. Bundok Apo
5.Anong uri ng anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig na kalimitang dinaraanan ng barko. Ito rin ay malalim na anyong tubig na bahagi ng isang kanal o ilog?
A. Kipot
B. Lawa
C. Golpo
D. Tsanel
6. Ito ay tubig na umaagos mula sa itaas tulad ng bundok. Kaakit-akit pagmasdan ang tubig nito, napakalinis at masarap itong paliguan tuwing tag-init. Ang pinakatanyag na anyong tubig na ito ay ang Pagsanjan sa Laguna. Ano ito?
A. Talon
B. Bukal
C. Ilog
D. Look
. 7. Nakararanas ng dalawang panahon ang Pilipinas.
A. TAMA
B. MALI
C. SIGURO
D. DI TIYAK
8. Saang lugar makikita ang pinakatanyag na burol sa Pilipinas?
A. Zambales
B. Palawan
C. Bohol
D. Pangasinan
9. Ito ay hanging mainit na nanggagaling sa timog-kanluran ng Pilipinas.
A. Hanging Amihan
B. Hanging Habagat
C. Hanging Monsoon
D. Klima
10. Anong uri ng klima ang nakararanas ng kalahating taon ng tag-araw at kalahating taon ng tag-ulan.
A. Unang Uri
B. Ikalawang uri
C. Ikatlong Uri
D. Ikaapat na Uri
Basahing maayos ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa klima kung ikaw ay pinagpapawisan at naiinitan?
A. Malamig
B. Mainit
C. Maalinsangan
D. Mapresko
