NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 8-QUIZ GAME
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito'y binibigkas ng patula at may lima hanggang labindalawang pantig.
Bulong
Bugtong
Sawikain
Palaisipan
Ito naman ang uri ng karunungang-bayan na nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
Bugtong
Kasabihan
Palaisipan
Salawikain
Ito ay uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga laban sa kaaway.
Alamat
Awit
Tula
Epiko
Ito ay isa sa mga uri ng panitikan na itinuturing na mahalaga ng bahagi ng kulturang Pilipino sapagkat isinasaad dito kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
Alamat
Epiko
Nobela
Awit
Isang uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na "paano" ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
Panggaano
Kataga
Pamaraan
Pamanahon
Pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
Pamaraan
Pamanahon
Panggaano
Panlunan
Ito ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di lantad.
Talata
Liham
Tula
Sanaysay
Siya ang kililalang pmbansang bayani ng Pilipinas na sumulat sa mga librong Noli me Tangere at El Filibusterismo.
Marcel H. Del Pilar
Graciano Lopez Jaena
Dr. Jose Rizal
Apolinarion Mabini
Sa gulang na labingwalo, ay sumapi na siya sa Katipunan at kinilala bilang pinakabatang miyembro ng kilusan.
Graciano Lopez Jaena
Apolinario Mabini
Andres Bonifacio
Emilio jacinto
Sa pagsasagawa ng isang sistematikong pananaliksik, ito ang unang bagay na dapat mong isaalang-alang at kinakailangang ito'y maging kawili-wili o naaayon sa iyong interes.
Pagpili ng paksa
Paglimita ng paksa
Paghahanda ng bibliyograpiya
Pagbuo ng pansamantalang balankas
Ito ang tinatawag na pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik.
Bibliyograpiya
Balangkas
Manuskrito
Borador
Ito ay talaan ng Iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal maging sa Internet.
Manuskrito
Bibliyograpiya
Borador
Balangkas
Ito'y isa sa mga elemento ng tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Talinghaga
Kariktan
Simbolismo
Larawang-diwa
Isang mahalagang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
sukat
tugma
pantig
kariktan
Ito ay uri ng karunungang-bayan na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangotra sa kulam, engkanto at masasamang espiritu.
Bulong
Bugtong
Sawikain
Palaisipan
