wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 6 ARAL PAN- FIRST QUARTER TEST PART 2

Total questions: 50

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang mga paring kastila ay kabilang sa mga ordeng panrelihiyon o mga paring regular samantalang ang mga paring Pilipino naman ay tinaguriang mga paring _____________.

a)

Katutubo

b)

Prayle

c)

Regular

d)

Sekular

2.

Ano ang layunin ng Sekularisasyon ng mga Parokya?

a)

Pag-aalis ng Karapatan sa mga Pilipino na maging pari.

b)

Mga paring kastila lamang ang maaaring mamuno sa mga Parokya.

c)

Mga paring Pilipino lamang ang may tungkulin sa mga Parokya.

d)

Pagkakaroon ng pantay na Karapatan ng mga paring Pilipino at Kastila.

3.

Sino sa mga paring ito ang namuno sa Sekularisasyon ng mga Parokya sa Pilipinas?

a)

Cardinal Antonio Tagle

b)

Msgr. Pedro Palaez

c)

Padre Jacinto Zamora

d)

Pope Francis VI

4.

Bakit ikinatakot ng mga paring regular ang itinatadhana ng Konseho ng trent?

a)

Dahil inalisan sila ng Karapatan na mamuno sa mga misa

b)

Dahil pinauwi na sila lahat sa Espanya.

c)

Dahil sila ang namuno sa mga misyon.

d)

Dahil pinahintulutan ang mga paring Pilipino na mamahala sa mga Parokya sa bansa.

5.

Ano ang mabuting naidulot ng sekularisasyon sa mga Parokya?

a)

Nagkawatak-watak ang mga Pilipino.

b)

Nakipagkasundo ang maraming Pilipino sa mga Espanyol.

c)

Nakipagtulungan ang mga mamamayan sa mga paring Pilipino

d)

Lumakas ang tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan.

6.

Dahil sa kalupitang ipinakita ng gobernadora heneral na ito, nagkaisa ang mga Pilipino na mag-alsa sa Cavite noong Enero 20, 1872?

a)

Jose Maria Dela Torre

b)

Roy Lopez De Villalobos

c)

Miguel Lopez De Legazpi

d)

Rafael de Izquierdo

7.

Ano ang naging bunga ng pagkakahuli sa mga nag-alsa sa Cavite?

a)

Paggarote kina GOMBURZA

b)

Pagbaril kay Dr, Jose Rizal

c)

Pagpatay kay Andres Bonifacio

d)

Pagkakulong kay Donya Teodora

8.

Alin sa mga sumusunod ang ginawang dahilan ng mga Espanyol sa paghatol ng kamatayan kina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora?

a)

Ninais ng mga Pilipino na manatili sa kapangyarihan ng Espanya.

b)

Ibig ng mga Pilipino na pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya.

c)

Nakipagsabwatan ang mga Pilipino sa mga dayuhan.

d)

Inamin ng mga Pilipino na ayaw na nila ng relihiyon.

9.

Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagnanais na magkaroon ng pantay na Karapatan sa mga Espanyol?

a)

Pagtataksil sa kapwa Pilipino

b)

Pakikipagtulungan sa mga Pilipinong pari

c)

Patuloy na pagbabayad ng buwis

d)

Patuloy na pagtupad sa Polo Y Servicio

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng “Cavite Mutiny?’

a)

Mahigpit na pamamalakad ng mga Espanyol.

b)

Paghahadlang sa sekularisasyon ng mga Parokya.

c)

Paglimita sa pamamahayag ng mga Pilipino.

d)

Pagbibigay ng libreng Edukasyon sa mga Pilipino.

11.

Ang tatlong paring martir ay sina Mariano Gomez, Jacinto Burgos, at Jose Zamora.

a)

TAMA

b)

Jose Zamora at Jacinto Burgos

c)

Mariano Burgos at Jose Zamora

d)

Jose Burgos at Jacinto Zamora

12.

Ang Cavite Mutiny ay naging dahilan sa pagbitay sa tatlong paring martir.

a)

TAMA

b)

paring sekular

c)

sekularisasyon

d)

paring regular

13.

Ang mga paring regular ay kinabibilangan ng mga Pilipinong pari.

a)

TAMA

b)

paring Pilipino

c)

paring sekular

d)

paring Espanyol

14.

Si Padre Mariano Gomez ang namuno sa Kilusang Sekularisasyon.

a)

Jacinto Zamora

b)

Pedro Pelaez

c)

TAMA

d)

Jose Burgoz

15.

Layunin ng Cavite Mutiny na magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng paring regular at paring sekular.

a)

TAMA

b)

Kilusang Propaganda

c)

Sekularisasyon

d)

Nasyonalismo

16.

Ano ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa pagkagalit ng mga Pilipino sa mga Kastila?

a)

Pagpapataw ng buwis

b)

Pangingibang bansa ni Dr. Jose Rizal

c)

Pagbabawal sa pakikipaglaban

d)

Pagpatay sa tatlong paring martir

17.

Sino ang tatlong paring martir?

a)

Jose Rizal, Jacinto Zamora at Mariano Gomez

b)

Jose Burgos, Jacinto Zamora at Mariano Gomez

c)

Jose Alejandrino, Jacinto Zamora at Mariano Gomez

d)

Jose Burgos, Jose Rizal at Mariano Gomez

18.

Maipapakita natin ang damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng:

a)

Pakikiisa at pagtaguyod ng mga pagbabago sa lipunan.

b)

Hindi pakikialam sa mga pangyayari sa bansa.

c)

Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis.

d)

Hindi pakikisama sa mga pandaigdigang kalakalan.

19.

Ano ang pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo?

a)

Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

b)

Pagsibol ng kaisipang liberal ng mga Pilipino

c)

Pagpatay sa tatlong paring martir

d)

Pakikipagkaibigan ng mga Pilipino sa mga Espanyol

20.

Ano ang kilusang itinaguyod ng mga paring Pilipino upang ipagtanggol ang kanilang karapatan?

a)

Liberalisasyon

b)

Kristiyanismo

c)

Pilipinisasyon

d)

Sekularisasyon

21.

Ano ang tawag sa opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda?

a)

Dyaryong Tagalog

b)

Kartilya

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

22.

Ano ang tawag sa opisyal na pahayagan ng Katipunan?

a)

Kalayaan

b)

Kartilya

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

23.

Ito ay itinatag ni Dr. Jose Rizal noong Hunyo 3, 1892.

a)

Kartilya

b)

KKK

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

24.

Ano ang paraan ng pakikipaglaban na ginamit nina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez Jaena?

a)

Espada

b)

Pagsusulat

c)

Pagtatalumpati

d)

Rebolusyon

25.

Ito ay isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan.

a)

Kilusang Katipunan

b)

Kilusang Mayo Uno

c)

Kilusang Propaganda

d)

Kilusang Sekularisasyon

26.

Ito ay isang lihim na kilusan na mapanghimagsik.

a)

Kilusang Katipunan

b)

Kilusang Mayo Uno

c)

Kilusang Propaganda

d)

Kilusang Sekularisasyon

27.

Ano ang pinakalayunin kung bakit naitatag ang Katipunan?

a)

Makamit ang kalayaan ng bansa

b)

Makamit ang pagbabago ng bansa

c)

Makamit ang pagkakapantay-pantay

d)

Gawing permanenteng lalawigan ang Pilipinas sa bansang Espanya

28.

Sino sa sumusunod ang tinagurian bilang "Supremo at Ama ng Katipunan"?

a)

Marcelo H. del Pilar

b)

Jose P. Rizal

c)

Emilio Jacinto

d)

Andres Bonifacio

29.

Siya ang nagtatag ng La Solidaridad at naging unang patnugot nito

a)

Graciano Lopez Jaena

b)

Jose P. Rizal

c)

Marcelo H. del Pilar

d)

Mariano Ponce

30.

Siya ang nagsulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

a)

Emilio Jacinto

b)

Graciano Lopez Jaena

c)

Jose P. Rizal

d)

Marcelo H. del Pilar

31.

Ano ang tawag sa mga anak ng Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino?

a)

Ilustrado

b)

Insulares

c)

Mestizo

d)

Principalia

32.

Ano ang tawag sa mga anak ng Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino?

a)

Ilustrado

b)

Insulares

c)

Mestizo

d)

Principalia

33.

Ito ay epekto ng pag-unlad ng makabagong agham at rebolusyon sa iba't ibang panig ng mundo.

a)

relihiyosong ideya

b)

liberal na ideya

c)

komunismong ideya

d)

walang ieya

34.

Ito ang itinuturing na pinakamababang antas sa lipunan dahil sila ay mga katutubong Pilipino.

a)

peninsulares

b)

insulares

c)

indio

d)

mestizo

35.

Anong antas sa lipunan ang mga Espanyol na ipinanganak sa Spain?

a)

Peninsulares

b)

Insulares

c)

Mestizo

d)

Principalia

36.

Ang pag-usbong liberal na ideya ay tinatawag ring?

a)

Panahon ng kadiliman

b)

Panahon ng mga katutubo

c)

Panahon ng kaliwanagan

d)

Panahon ng pagbibigay

37.

Alin ang hindi epekto ng pagbubukas ng mga daungan para sa pandaigdigang kalakalan?

a)

Nakapasok ang liberal na ideya

b)

Umunlad ang kalakalan

c)

Maraming yumaman

d)

Humina ang kalakalan

38.

Tama o mali. Naging madali ang komunikasyon mula Maynila patungong Spain nang mabuksan ang Suez canal.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Siguro

d)

Hindi ko alam

39.

Tama o Mali, Sa pagkakarron ng panggitnang lipunan o middle class, ang mga Pilipinong naka angat sa buhay ay nanatiling bulag sa mapaniil na pamamalakad ng mga Espanyol sa ating bansa.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Siguro

d)

Hindi ko alam

40.

Ito ay isang uri ng antas ng lipunan na anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol.

a)

Peninsulares

b)

Insulares

c)

Principalia

d)

Mestizo

41.

Lahat ng nabanggit ay layunin ng La Solidaridad maliban sa isa. Alin ito?

a)

Maipalaganap ang Demokrasya

b)

Ipalaganap ang katarungan at kaunlaran

c)

Magpa-alipin sa mga Espanyol

d)

Humingi ng pampolitikong pagbabago

42.

Ito ay isang pahayagan ng mga Pilipino sa Spain at mg kilusang Propaganda

a)

El Filibusterismo

b)

La Solidaridad

c)

Noli Me Tangere

d)

La Liga Filipina

43.

Ang mga Propagandista ay ang mga Ilustradong naghahangad ng pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol. Sino ang hindi Propagandista?

a)

Graciano Lopez Jaena

b)

Jose Rizal

c)

Manuel Quezon

d)

Marcelo H. del Pilar

44.

Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa reporma. Alin sa sumusunod ang kabilang sa kanilang layunin?

a)

Gawing alipin ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino.

b)

Makamit ang pantay-pantay na pakikitungo sa mga Pilipino.

c)

Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino para sa pamahalaan.

d)

Ang mga prayleng Espanyol lamang ang may karapatang magsilbi sa simbahan.

45.

Si Jose Rizal ay nagsulat ng dalawang tanyag na nobela tungkol sa mapangaping karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol. Ano ang mga nobelang ito?

a)

Dasalan at Tocsohan at El Filibusterismo

b)

Diariong Tagalog at La Solidaridad

c)

Fray Botod at Noli Me Tangere

d)

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

46.

Si Marcelo H. del Pilar ang nagtatag ng kauna-unahang pahayagan sa Tagalog. Dito niya ibinunyag ang kalupitan ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ano ang tawag sa pahayagang ito?

a)

Diariong Tagalog

b)

Kalayaan

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

47.

Ano ang tumutukoy sa isang mapayapang kampanya para sa mga reporma sa Pilipinas pamamagitan ng talumpati at pamamahayag ng mga makabayang Pilipinong nasa Spain?

a)

Katipunan

b)

Kilusang Propaganda

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

48.

Ito ay itinatag ni Jose Rizal upang maging daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino

a)

La Liga Capiz

b)

La Liga

c)

La Liga Filipina

d)

La Liga Filipino

49.

Ano ang tawag sa mga taong naglunsad ng Kilusang Propaganda?

a)

Propagandista

b)

Manunulat

c)

Propagandor

d)

Ilustrado

50.

Ano ang tawag sa unang pahayagang itinatag ni Marcelo H. Del Pilar?

a)

La Solidaridad

b)

Kilusang Propaganda

c)

Diaryong Tagalog