wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 7 ARAL PAN FIRST QUARTER TEST PART 2

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang katawagan sa pagdami ng flagelletes sa dagat na sanhi ng pagkalason ng shellfish

a)

Amoeba

b)

Cholera

c)

Desertification

d)

Red Tide

2.

Pagdagdag ng deposito ng banlik o putik na dala ng umaagos na tubig buhat sa isang lugar.

a)

Deforestation

b)

Salinization

c)

Desertification

d)

Siltation

3.

Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.

a)

Community

b)

Ecological Balance

c)

Habitat

d)

Planeta

4.

Pagkasira ng mga lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo

a)

Desertification

b)

Dry land

c)

Hinterlands

d)

Siltation

5.

Pagtaas ng asin sa ibabaw ng lupa na naging dahilan ng suliranin sa pananim at iba pa.

a)

Deforestation

b)

Desertification

c)

Salinization

d)

Siltation

6.

Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?

a)

Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar

b)

Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad

c)

Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman

d)

Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan

7.

2. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?

a)

A. Pag-unlad ng mga industriya

b)

B. Pagkawala ng biodiversity

c)

C. Pagkasira ng kagubatan

d)

D. Pagkakaroon ng mga polusyon

8.

Alin sa sumusunod ang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa kontinente ng Asya?

I. Patuloy na pagtaas ng populasyon

II. Pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan

III. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

IV. Ang pagkakaroon ng desertification o pagkatuyo ng mga lupain.

a)

I, III, IV

b)

I, II, III

c)

II, III, IV

d)

I, III, IV .

9.

Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, Ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?

a)

Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.

b)

Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.

c)

Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.

d)

Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.

10.

Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?

a)

Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.

b)

Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.

c)

Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.

d)

Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pangaabuso ng tao.

11.

Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?

a)

Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

b)

Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.

c)

Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.

d)

Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.

12.

Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang lupa ang isang bansa?

a)

Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto.

b)

Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.

c)

Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

d)

Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.

13.

Ang mga bansa sa kontinente sa Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran. Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?

a)

Siltation

b)

Deforestation

c)

Salinization

d)

Desertification

14.

Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?

a)

Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.

b)

Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.

c)

Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.

d)

Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.

15.

Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan, sa iyong palagay alin ang pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating daigdig?

a)

Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok

b)

Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal

c)

Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng sasakyan

d)

Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran

16.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?

a)

Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic

b)

Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan

c)

Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punong kahoy.

d)

Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan

17.

Kapag nangyari ang deforestation o pagkakalbo ng mga kagubatan sa inyong lugar ano ang maari mong gawin?

a)

Iwasan ang di tamang pagtatapon ng basura

b)

Linisan ang mga kanal o mga daluyan ng tubig

c)

Malalaking puno lamang ang puputulin

d)

Magtanim ng maraming punong kahoy

18.

Kung ang salinization ay ang paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa na kapag nanuot sa tubig ito’y nagiging maalat, ano naman ang kahuluhan ng desertification?

a)

Pagdami ng asin na hydroxide na sodium, potassium, lithium o ammonia

b)

Pagiging tuyo o lubhang tuyo ng lupa

c)

Pagiging salt water o brackish water ng balon ng tubig

d)

Labis na presyur at pang- aabuso sa lupa

19.

Alin sa mga sumusunod ang land conversion?

a)

Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao

b)

Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan

c)

Pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop

d)

Pagdami ng produksyon ng pagkaing butil

20.

Anong konsepto ang nangahulugang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan. Anong konsepto ito?

a)

Ecological Balance

b)

Biodiversity

c)

Kapaligiran

d)

Likas Yaman

21.

Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at mga bansang papaunlad pa lamang. Kung susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?

a)

Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.

b)

Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.

c)

Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.

d)

Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.

22.

Sa larangan ng agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?

a)

Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.

b)

Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.

c)

Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang agrikultura.

d)

Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang- aabuso ng tao.

23.

Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan, alin sa iyong palagay ang pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating daigdig?

a)

Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok.

b)

Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal.

c)

Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng sasakyan.

d)

Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran.

24.

Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?

a)

Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

b)

Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.

c)

Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.

d)

Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.

25.

Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang lupa ang isang bansa?

a)

Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto.

b)

Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.

c)

Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

d)

Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.

26.

Ang mga bansa sa kontinente ng Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran. Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?

a)

Siltation

b)

Deforestation

c)

Salinization

d)

Desertification

27.

Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?

a)

Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.

b)

Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.

c)

Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.

d)

Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.

28.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Higit na napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.

a)

Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.

b)

Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.

c)

Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng mamamayan.

d)

Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.

29.

Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang bansa. Anong larangan ang pinagtutuunan ng pansin dito?

a)

Agrikultura

b)

Ekonomiya

c)

Panahanan

d)

Turismo

30.

Alin sa sumusunod ang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa kontinente ng Asya?

I. Patuloy na pagtaas ng populasyon

II. Pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan

III. Introduksiyon ng mga specie na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

IV. Ang pagkakaroon ng desertification o pagkatuyo ng mga lupain.

a)

I, III, IV

b)

I, II, III

c)

II, III, IV

d)

I, III, IV

31.

Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?

a)

Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar.

b)

Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad.

c)

Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman.

d)

Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan.

32.

Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?

a)

Pag-unlad ng mga industriya

b)

Pagkawala ng biodiversity

c)

Pagkasira ng kagubatan

d)

Pagkakaroon ng mga polusyon

33.

Ito ay ang pagbabago ng klima dulot ng likas na pagbabago ng mundo dahil sa gawa ng mga tao. Anong konsepto ang tinutukoy dito?

a)

Climate Change

b)

Polusyon

c)

Red Tide

d)

Acid Rain

34.

Bilang isang mag- aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?

a)

Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic

b)

Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan

c)

Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punong kahoy.

d)

Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan

35.

Ano ang epekto ng Land Conversion?

a)

Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao

b)

Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan

c)

Pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop

d)

Pagdami ng produksyon ng pagkaing butil

36.

Ang pagkakaroon ng oil-spill mula sa mga dayuhang sasakyang pandagat ay anong uri ng suliranin sa pangisdaan?

a)

Polusyon sa pangisdaan

b)

Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

c)

Paglaki ng populasyon sa bansa

d)

Hindi kaaya-ayang panahon

37.

Maging ang tabing ilog o dagat ay tinatayuan ng tahanan ng ilang pamilya, ito bunga ng anong suliranin sa pangisdaan?

a)

Polusyon sa pangisdaan

b)

Paglaki ng populasyon sa bansa

c)

Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

d)

Mapanirang operasyon ng mga malalaking komersiyal na mangingisda

38.

Gumagamit ng thrawl fishing ang ilang mangingisda na nagiging sanhi ng anong suliranin sa karagatan?

a)

Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

b)

Polusyon sa pangisdaan

c)

Paglaki ng populasyon sa bansa

d)

Mapanirang operasyon ng mga malalaking komersiyal na mangingisda

39.

Anong suliranin ang tinutukoy ng pagtalikod ng mga anak ng mangingisda na manatili sa kanilang nakagisnang hanapbuhay sa karagatan?

a)

Polusyon sa pangisdaan

b)

Paglaki ng populasyon sa bansa

c)

Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

d)

Mapanirang operasyon ng mga malalaking komersiyal na mangingisda

40.

Kung patuloy ang pagkaubos ng ating mga puno sa kagubatan at kabundukan. Paano ito nakakaapekto sa mga hayop na naninirahan dito?

a)

Marami sa mga hayop ang namamatay at nauubos na rin

b)

Natututong maghanap ng bagong tirahan ang mga hayop

c)

Mas pinipili na lang na dalhin sila ng mga tao sa wildlife conservation area

d)

Patuloy na nabubuhay ang mga hayop dahil marami pa namang kagubatan sa ating bansa.

41.

Ang mga puno ay inaabot ng mahigit 10 hanggang 15 taon bago tuluyang yumabong at putulin. Ano ang mabisang hakbang upang maibsan ang suliranin para sa tuluyang pagkaubos nito?

a)

Pumutol ng maraming puno dahil marami pa naman nito sa kagubatan ng bansa

b)

Magtanim ng puno sa iyong bakuran kung kinakailangan

c)

Ipaubaya sa DENR ang tungkuling ito dahil sila ang labis na nakakalaam ng dapat na gawin

d)

Magpunla o magtanim ng kapalit nito sa lugar kung saan ito pinutol

42.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng tunay na epekto ng pagkakaingin sa kagubatan?

a)

Nakapagdudulot ginhawa dahil mas napapagaan ang clearing operation ng gubat sa dagling panahon

b)

Malaking tulong ito sa magsasaka dahil napapadali nito ang pagtatabas ng halaman sa pamamagitan ng pagsusunog

c)

Mas mabilis na nakakalbo ang gubat dahil matagal na panahon ang hihintayin upang matamnan ang lugar ng pinagkaingin

d)

Nakapagbibigay ng bagong paraan upang mapabilis ang trabaho ng mga magtotroso

43.

Paano naapektuhan ang sektor ng industriya ng suliranin sa paggugubat bunga ng pagkaubos ng puno sa ating kabundukan?

a)

Nababawasan o nauubos ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa industriya

b)

Nalilimitahan ang bilang ng mga punong puputulin dahil sa mga ordinansa at batas pangkalikasan na ipinapatupad sa bansa

c)

Hindi naihahaitid sa oras ang mga troso na gagamitin dahil ito ay hinaharang ng DENR

d)

Mas lumalaki ang kita ng industriya dahil sa pagtaas ng presyo ng mga materyales bunga ng kakulangan nito

44.

Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang suliranin sa paggugubat?

a)

Dahil kailangang suportahan ang pamahalaan sa mga programang ipinatupad patungkol dito

b)

Dahil lahat ng pangunahing pangangailangan ng tao at hayop ay nagmumula sa ating yamang-gubat

c)

Dahil nakasalalay sa paggugubat ang hanapbuhay ng mga tao

d)

Dahil ang mga kabataan lamang ng henerasyon na ito ang bukod tanging makikinabang sa kagubatan pagdating ng panahon

45.

Anong suliranin ang tinutukoy ng pagdagsa ng malalakas na bagyo na lubhang nagdudulot ng pagkasira ng mga palaisdaan sa mga ilog at lawa?

a)

Mapanirang operasyon ng mga malalaking komersiyal na mangingisda

b)

Hindi kaaya-ayang panahon

c)

Polusyon sa pangisdaan

d)

Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

46.

Anong uri ng polusyon ang makikita sa larawan?

a)

Polusyon sa Lupa

b)

Polusyon sa Tubig

c)

Polusyon sa Hangin

47.

Anong uri ng polusyon ang makikita sa larawan?

a)

Polusyon sa Tubig

b)

Polusyon sa Lupa

c)

Polusyon sa Ingay

48.

Nagmumula sa mga naglalakihan at malalakas na mga ilaw na masyadong masisilaw at matinding magsayang sa kuryente.

a)

Polusyon sa Lupa

b)

Polusyon sa Ilaw

c)

Polusyon sa Hangin

49.

Nagmumula sa balewalang pagtapon at pagtambak ng basura sa mga anyong tubig na nagdudulot ng banta o panganib sa kalusugan ng mga tao

a)

Polusyon sa Tubig

b)

Polusyon sa Ingay

c)

Polusyon sa Lupa

50.

Anong klaseng polusyon ang makikita sa Smokey Mountain sa Manila?

a)

Polusyon sa Lupa

b)

Polusyon sa Ilaw

c)

Polusyon sa Hangin