wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 4

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ilan ang kayarian ng salita?

a)

3

b)

4

c)

5

2.

Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.

a)

payak

b)

maylapi

c)

tambalan

3.

Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

a)

payak

b)

maylapi

c)

tambalan

4.

Ito ay pinagsamang dalawang magkaibang salita.

a)

payak

b)

tambalan

c)

maylapi

5.

Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang-ugat o ng buong salita.

a)

payak

b)

inuulit

c)

tambalan

6.

Anong uri ng salita ang “silid-aralan”?

a)

payak

b)

inuulit

c)

tambalan

7.

Anong uri ng salita ang “araw-araw”?

a)

payak

b)

tambalan

c)

inuulit

8.

Anong uri ng salita ang “baso”?

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

9.

Anong uri ng salita ang “matangkad”?

a)

payak

b)

maylapi

c)

tambalan

10.

Ang panlapi na makikita sa gitna ng salita ay tinatawag na ______.

a)

unlapi

b)

gitlapi

c)

hulapi

11.

Ang panlapi na makikita sa hulihan ng salita ay ______.

a)

unlapi

b)

gitlapi

c)

hulapi

12.

Ang panlapi na makikita sa unahan ng salita ay ______.

a)

unlapi

b)

gitlapi

c)

hulapi

13.

“Ikinabahala ng mga tindera ang matumal na benta ng kanilang mga paninda.” Ano ang kahulugan ng salitang matumal?

a)

mabagal

b)

mainit

c)

malakas

14.

“Bantog ang bayan ng Pateros dahil sa malinamnam na balut at penoy na pangunahin nilang produkto.” Ano ang kahulugan ng salitang bantog?

a)

kilala

b)

matamis

c)

mabilis

15.

Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ni Ginoong Lorenzo sa kabutihang ipinamalas ni Andrey.” Ano ang kahulugan ng salitang pagsidlan?

a)

masaya

b)

paglagyan

c)

mabagal

16.

Ilang bahagi mayroon ang banghay ng kuwento?

a)

3

b)

4

c)

5

17.

Nasasaad sa bahaging ito ang suliranin ng tauhan at pagharap niya rito.

a)

simula

b)

pataas na aksiyon

c)

kasukdulan

18.

Ito ang tawag sa pagtatapos ng kuwento.

a)

wakas

b)

simula

c)

kasukdulan

19.

Sa bahaging ito, nakikilala ang tauhan/mga tauhan, tagpuan at mga pangyayaring papunta sa pagkakaroon ng suliranin ng tauhan.

a)

simula

b)

pataas na aksiyon

c)

kasukdulan

20.

Nasasaad dito ang mga pangyayari pagkatapos malutas ang suliranin.

a)

simula

b)

wakas

c)

pababang aksiyon

21.

Ito ang tawag sa lipon ng mga salitang hindi nagpapahayag ng buong diwa.

a)

parirala

b)

pangungusap

c)

salita

22.

Ito ay salita o lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa.

a)

parirala

b)

pangungusap

c)

salita

23.

“Nagtatrabaho siya kahit madaling araw na.” Ito ay halimbawa ng?

a)

parirala

b)

pangungusap

c)

salita

24.

“para sa pamilya” ay halimbawa ng ?

a)

parirala

b)

pangungusap

c)

salita

25.

“Sa dulo ng klaye.” ay halimbawa ng ?

a)

parirala

b)

pangungusap

c)

salita

26.

Ito ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.

a)

simuno

b)

panaguri

c)

salita

27.

Ito ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno.

a)

simuno

b)

panaguri

c)

salita

28.

Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng matinding damdamin gaya ng tuwa, gulat, galit, sakit at iba pa.

a)

patanong

b)

pautos

c)

padamdam

29.

Ito ay isang pangungusap na ginagamit sa pakikiusap.

a)

pakiusap

b)

pautos

c)

padamdam

30.

Ito ay isang pangungusap na ginagamit sa pag-uutos.

a)

pakiusap

b)

pautos

c)

padamdam

31.

Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagsasabi, pagkukuwento at paglalarawan.

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

padamdam

32.

Uri ng pangungusap na ginagamitan ng tandang padamdam (!).

a)

pasalaysay

b)

patanong

c)

padamdam

33.

Uri ng pangungusap na ginagamitan ng tandang pananong (?).

a)

pakiusap

b)

patanong

c)

pasalaysay

34.

Sa kuwentong “Ang Mahiwagang Salamin”, ano ang pangalan ng dalawang magkapatid

a)

Carla at Cora

b)

Loisa at Sarah

c)

Clarissa at Angel

35.

Ano ang ibinigay ng matanda kay Sarah sa kuwentong “Ang Mahiwagang Salamin”?

a)

sapatos

b)

salamin

c)

damit

36.

Sino ang may mabuting kalooban sa dalawang magkapatid sa kuwentong “Ang Mahiwagang Salamin”?

a)

Sarah

b)

Loisa

c)

Danica

37.

Ano ang ibig sabihin ng salitang “naulila”?

a)

nawalan ng ama at ina

b)

masayang namamasyal

c)

matalik na magkaibigan

38.

Ano ang kahulugan ng salitang “panangis”?

a)

palaging masaya

b)

palakaibigan

c)

pagtulo ng luha

39.

Ano ang kahulugan ng salitang “bitbit”?

a)

dala ng kamay

b)

nakatayo

c)

kumakanta

40.

“Matangos na ngayon ang sarat na ilong ng dalaga matapos maoperahan.” Ano ang kasalungat na salita ng matangos?

a)

sarat

b)

mabango

c)

mataas