NEW
Font size
WorksheetsAP 6 (Q1) PERIODICAL EXAM
Total questions: 40
Worksheet time: 28mins
Anong ideolohiya ang nakapokus sa kalayaan ng isang indibiduwal?
liberalismo
demokrasya
Sa aling panahon umusbong ang liberalismo?
Enlightenment
Renaissance
Ano ang pinahahalagahan ng merkantilismo?
kayamanan
relihiyon
Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
Ang liberalismo at demokrasya ay magkaiba.
Ang liberalismo at demokrasya ay iisa.
Anong sitwasyon ang nagpapakita ng liberalismo?
Mas maliit na porsiyento ng buwis ang binabayaran ni Michael, isang minimum wage earner kumpara kay Dennis na isang executive.
Ipinamahagi ni Marie ang kaniyang kayamanan sa mga kabataan sa kanilang lugar.
Alin ang hindi naging impluwensiya ng pag-usbong ng liberalismo sa Europa?
relihiyon
kasaysayan
Alin ang pahayag ang totoo?
Ang merkantilismo ay isang panandaliang solusyon sa pagpapalago ng kapangyarihan ng mga Europeo.
Naniniwala ang liberalismo na maaari ring saktan ng pamahalaan ang tao.
Alin ang dahilan ng mga problemang panlipunan sa dulo ng Gitnang Panahon?
pagluluklok ng bagong hari ng Pransya
paglaganap ng Protestantismo
Ano ang isang halimbawa ng merkantilismo?
Paglaganap ng Katolisismo
Kalakalang Galyon
Ano ang pangunahing misyon ng partidong liberal ng Europa?
Ang mga bansa sa Europa ay nagkaroon ng pag-aaklas laban sa mga grupong liberal.
Ang magkaroon ng independyente at konstitusyonal na estado na may kani-kaniyang parliyamento at mga batas.
Ang lahat ng mga Pilipino ay kinakailangang mapasailalim sa polo y servicios.
Tama
Mali
Ang Suez Canal ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kalakalang galyon sa Pilipinas
Tama
Mali
Ang salitang galyon ay nagmula sa pangalan ng mga barkong ginamit sa pangangalakal.
Tama
Mali
Ang ruta ng kalakalang galyon ay nakabase sa akda ni Fray Andres de Urdaneta.
Tama
Mali
Tumagal ang kalakalang galyon ng mahigit 200 taon, mula noong 1521 hanggang sa mapatalsik ang mga Espanyol sa bansa.
Tama
Mali
Ang kalakalang galyon ang pinakaunang pandaigdigang kalakalan na kinabilangan ng mga Pilipino.
Tama
Mali
Sa Pilipinas dinadala ang mga seda galing sa Mexico at ang pilak na galing sa Tsina.
Tama
Mali
Ang kalakalang galyon ay isang monopolyo ng pamahalaang Espanya.
Tama
Mali
Dalawang galyon lamang ang gamit sa Kalakalang MaynilaAcapulco.
Tama
Mali
Siyamnapung porsiyento ng mga kalakal sa kalakalang galyon ay galing sa Pilipinas.
Tama
Mali
Ano ang kalakalan kung saan ang mga produktong iniaangkat sa isang kolonyang bansa ay dinadala sa isa pang kolonyang bansa upang ipagbili sa rehiyon?
Kalakalang Panrehiyon
Kalakalang Galyon
Ano ang produktong iniangkat mula Mexico patungo sa Imperyong Ming sa Tsina?
ginto
pilak
Ano ang isa pang katawagan sa Kalakalang Galyon?
Kalakalang Tsina-Mexico
Kalakalang Maynila-Akapulko
Paano naging sentro ng kalakalan sa Asya ang Pilipinas?
Nanalo sa isang Asyanong digmaan ang mga Espanyol.
Inilipat ang sentro ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
Walang kakayahan sa paggawa ng mga barko ang mga Pilipino.
Nakikipagkalakalan na ang Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Anong pangyayaring nagpa-usbong ng Kalakalang Galyon?
pagtataguyod ng merkantilismo sa Europa
pagbubukas ng mga bagong lagusan palabas ng Europa
Bakit naging mahalaga ang papel ni Urdaneta sa Kalakalang Galyon?
Sa kaniya nagmula ang ruta nito.
Sa kaniya ipinagkaloob ang natatanging parangal para sa mga manlalakbay.
Alin ang na pahayag ang totoo?
Mas mabilis ang biyaheng Mexico-Maynila kumpara sa biyaheng Maynila-Mexico.
Walang biyahe papuntang Mexico mula Maynila ang Kalakalang Galyon.
Ano ang naging implikasyon sa mga Pilipino ng pagpapatayo ng mga astilyero?
pagsisimula ng polo y servicios
pagpapatapon sa mga Tsino
Paano naapektuhan ang mga karatig-lalawigan ng Maynila sa paggawa ng galyon?
Ang mga mamamayan mula sa karatig-lugar ay naging manggagawa ng galyon.
Ang mga karatig-lugar ay isinara sa publiko.
Sino ang mga mestizo?
mga anak ng mga Pilipino at dayuhang Europeo
mga anak ng mga dayuhang Europeo at Amerikano
Ano ang ang kauna-unahang reporma sa edukasyon na ipinagkaloob ng kaharian ng Espanya sa mga Pilipino habang sila ay naging kolonya nito?
Dekretong Pang-edukasyon ng 1863
Dekretong Pang-edukasyon ng 1856
Aling paksa ang binigyang-pokus ng Dekretong Pang-edukasyon ng 1863?
relihiyon
batas
Paano tinitignan sa lipunan ang mga mestizo?
mas mataas kaysa sa mga purong Pilipino
mas mababa kaysa sa mga purong Pilipino
Paano nakarating sa Pilipinas ang mga taga-Europa na pinagmulan ng uring mestizo?
sa pamamagitan ng Suez Canal
sa pamamagitan ng paglalakad
Ano ang papel ng mga prayle sa panukalang pang-edukasyon na ipinagkaloob ng Espanya sa mga Pilipino?
Sila ang kumontrol sa mga paksa at aralin.
Sila ang naghanap ng mga guro na magtuturo ng mga aralin.
Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
Walang pormal na edukasyon na ibinigay sa mga Pilipino sa mga unang bahagi ng pananakop ng Espanya.
Nagpanukala ang Dekretong Pang-edukasyon na kinakailangang may isang elementaryang paaralan sa bawat munisipalidad.
Alin sa sumusunod na pangyayari ang pinakahuling naganap?
pagpapasa ng Dekretong Pang-edukasyon ng 1863
pagkilala ng pamahalaan sa pangangailangan sa edukasyon
Sino ang pinakamataas na uri ng tao sa lipunan ng Pilipinas noong ika-19 na siglo?
Espanyol
Hapones
Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
Nagmula sa mga may-kayang pamilya ang mga mestizo.
Walang pag-uuri sa mga Espanyol na nasa Pilipinas.
