wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 6

Total questions: 15

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.


ANG UWAK NA NAGPANGGAP


Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

a)

A. aso

b)

B. pabo

c)

C. pusa

d)

D. uwak

2.

2. Ano ang ginawa ni uwak nang makakita siya ng mga lagas na balahibo?

a)

A. sinunog niya ito

b)

B. pinaglaruan niya ito

c)

C. pinulot at idinikit sa kanyang katawan

d)

D. pinag iipon niya niya ito ay iniuwi sa kanila

3.

3. Saan siya nagtungo matapos idikit ito sa kanyang katawan?

a)

A. sa kasamang uwak

b)

B. sa mga kaibigang uwak

c)

C. sa mga kaibigang pabo

d)

D. sa grupo ng mga pabo

4.

4. Ano ang naramdaman ni uwak nang makita niya ang makukulay na balahibo ng pabo?

a)

A. nagalit

b)

B. nasiyahan

c)

C. natakot

d)

D. nagulat

5.

5. Ano ang ginawa ni uwak nang tumungo siya sa grupo ng mga pabo?

a)

A. nagpakilala siyang kauri nila

b)

B. nakisaya sa mga pabo

c)

C. nagmayabang

d)

D. nagpasalamat sa balahibong nakuha niya

6.

6. Paano nalaman ng mga pabo na si uwak ay nagpapanggap lamang na kauri nila?

a)

A. nang inalis ng mga pabo ang nakadikit na balahibo sa katawan ni uwak

b)

B. nang sumama siya sa grupo ng mga uwak

c)

C. nang makihalubilo siya sa kapwa niya uwak

d)

D. nang tanungin nila si pabo

7.

7. Bakit hindi na siya tinanggap ng kanyang mga kauri nang siya ay bumalik dito?

a)

A. dahil hindi nila kailangan ang walang pagmamahal sa sariling anyo

b)

B. dahil napahiya sila

c)

C. dahil sa kanyang pagiging sakim

d)

D. dahil sa kanyang pagiging masunurin

8.

8. Kung ikaw ang isa sa kauri nito tatanggapin mo pa rin ba ang nagbabalik na si uwak? Bakit?

a)

A. Opo, dahil anuman ang mangyari kauri mo pa rin ito.

b)

B. Opo, dahil anuman ang kasalanan nito siya naman ang mananagot.

c)

C. Hindi po, dahil mali ang kanyang ginawa.

d)

D. Hindi po, dahil hindi niya pinahalagahan ang kanyang mga kauri.

9.

9. Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?

a)

A. Makuntento kung ano ang ibinigay sa inyo ng Diyos

b)

B. Maghangad ng sobra sobra.

c)

C. Huwag mawalan ng pag-asa

d)

D. Mahalin ang sarili at mainggit sa iba.

10.

10. Anong uri ng panitikan o genre ang binasang kuwento?

a)

A. maikling kuwento

b)

B. tekstong pang-impormasyon .

c)

C. usapan

d)

D. pabula

11.

11. Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari?

a)

A. Pantukoy

b)

B. Panghalip

c)

C. Pabula

d)

D. Pangngalan

12.

12. Ilan ang pangngalang ginamit sa pangungusap na “ Ang mga frontliners ay maituturing na bayani dahil sa kanilang katapangan sa pakikipag- laban sa virus.”?

a)

A. 2

b)

B. 3

c)

C. 4

d)

D. 5

13.

13. Anong uri ng pangngalan ang salitang katapangan sa bilang 12?

a)

A. Pantangi

b)

B. Tahas

c)

C. Basal

d)

D. Lansakan

14.

14. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangngalang pambalana maliban sa isa. Ano ito?

a)

A. lahi

b)

B. Andres Bonifacio

c)

C. bayani

d)

D. kagandahan

15.

15. Sa pangungusap na “May ilang tribu ng mga Igorot kaming natagpuan sa aming paglalakbay sa Cordillera.”, ano ang ginamit na pangngalang pambalana?

a)

A. tribu

b)

B. Cordillera

c)

C. Igorot

d)

D. aming