wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 9 - PAGSUSULIT (NOBELA, DULA, SANAYSAY)

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano-ano ang mga patunay na mayaman ang mag-asawang sina Raden Kaslan at Fatma?

I. Bagong bili ang kanilang sasakyang Cadillac.

II. Magagara ang kanilang kasuota’t kagamitan.

III. Umorder sila ng pagkain nang hindi man lamang tumingin sa presyong nakalista.

IV. Nakaupo sila sa harding nasa harap ng restawran, sa lamesang nakahiwalay sa karamihan.

a)

I lamang

b)

  I at II lamang

c)

I, II at III lamang

d)

I, II, III at IV

2.

Kung ikaw si Pak Idjo, ang mga sumusunod ay mga aral na iyong napulot sa karanasang iyon MALIBAN sa isa.

a)

Huwag magmaneho nang gutom at tulog.

b)

Matutong magpahinga kung ika’y pagod na.

c)

Takasan na lamang ang nabangga upang hindi na pagbayarin.

d)

Huwag piloting magtrabaho kung may sakit upang hindi madamay ang ibang tao.

3.

“Batay sa resulta ng mga pananaliksik ng mga scientists, kung hindi maaagapan ngayon ang patuloy na pagtaas ng temperatura sa mundo ay maaring hindi na ito maaagapan pa sa pagsapit ng taong 2030.” Ang pangungusap na ito ay halimbawa ng ________.

a)

Katotohanan

b)

Kuro-kuro

c)

Opinyon

d)

Piksyon

4.

Alin sa mga sumusnod na pangungusap ang katotohanan?

a)

Mayaman naman ang mag-asawang Fatma at Raden Kaslan, sa palagay ko’y hindi malaking bagay sa kanila ang masiraan ng sasakyan.

b)

  Pakiramdam ko’y nagdadahilan lang naman si Pak Idjo upang hindi managot sa insidente.

c)

Kung ako ang tatanungin, may kabutihan pa ring nakakubli sa puso ng mag-asawang Raden kaya’t sa huli’y hindi na sila nagpumilit pang panagutin si Pak Idjo.

d)

Labag sa batas ang pagmamaneho ng tulog.

5.

Sino ang pangunahing tauhan ng akdang Timawa?

a)

Alice

b)

Alfredo

c)

Andres

d)

Bill

6.

Anong katangian ang natatangi lamang sa dula?

I. Ito’y naglalarawan ng buhay.

II. Ito’y mayroong mga tauhan at tagpuan.

III. Ito’y itinatanghal upang mapanood.

IV. Ang mga pangyayari’t dayalogo ay mapapanood at maririnig mismo ng madla, sa halip na binabasa lamang.

a)

I, II, III, at IV

b)

III lamang

c)

IV lamang

d)

III at IV

7.

                   ang uri ng dulang katulad ng Les Miserables.

a)

Dulang Pampelikula

b)

Dulang Panradyo

c)

Dulang Pantanghalan

d)

Dulang Pantelebisyon

8.

"Kung ang Diyos nga nakapagpapatawad, tao pa kaya?” Anong elemento ito ng dula?

a)

Aktor

b)

Dayalogo

c)

Iskrip

d)

Tema 

9.

Anong pangyayari ang nag-udyok kay Tiyo Simon na magbalik-loob sa Panginoon?

a)

Nang masaksihan ang pagkakabangga sa bata.

b)

Nang yayain siya ng pamangking sumama sa simbahan.

c)

Nang malaman ang negatibong pananaw sa kaniya ng kaniyang hipag.

d)

Nang masulyapan ang payapa’t nagtitiwalang ngiti ng batang nasa bingit ng kamatayan.

10.

Bakit hindi pa rin gaanong masaya ang prinsesa kahit na nagkaroon na sila ng bahagyang kalayaan?

a)

Dahil hindi na siya nakapag-aral.

b)

Dahil wala pa siyang mapapangasawa.

c)

Dahil hindi pa sila nagkikita ng kaniyang kaibigan.

d)

Dahil karamihan pa rin sa mga batas sa kanilang bansa ay sang-ayon lamang sa mga kalalakihan.

11.

Masasabi mo bang malaya na ang karamihan sa mga kababaihan sa ating bansa?

a)

Oo, dahil pwede na silang pumili ng kanilang sariling mapapangasawa.

b)

Oo, dahil nakakapasok na rin sila sa mga trabahong dati rati’y pinaniniwalaang panlalaki lamang.

c)

Oo, dahil malaya na silang mag-aral at magtrabaho ng anumang kanilang kagustuhan.

d)

Lahat ng nabanggit.

12.

Ano ang iba pang tawag sa pormal na sanaysay?

a)

Impormal

b)

Impersonal

c)

Praktikal

d)

Sistematikal

13.

Ang                        ang elemento ng sanaysay na nagpapakita sa kabuuang kulay o kalikasan ng damdaming ginamit ng may-akda na maaaring bumabati, bumabatikos at iba pa.

a)

Damdamin

b)

Himig

c)

Tema at Nilalaman

d)

Wika at Istilo

14.

“Kaya ikaw, bilang isang kabataang tinuringang pag-asa ng bayan, ano naman ang maiaambag mo para sa kinabukasan?” Anong bahagi ng sanaysay makikita ang pangungusap na ito?

a)

Katawan

b)

Pamagat

c)

Panimula

d)

Wakas

15.

Ito’y bahagi ng sanaysay na maaaring gamitan ng isang katanungan, tanyag na kasabihan, balita, pag-aaral., salaysay ng pangyayari at iba pa na tiyak na makakakuha agad ng interes ng mga mambabasa.

a)

Katawan

b)

Pamagat

c)

Panimula

d)

Wakas

16.

Ang pormal na sanaysay ay parang nakikipag-usap lamang; Ang impormal na sanaysay naman ay napakaseryoso. Suriin ang mga pangungusap.

a)

Ang unang pangungusap ay tama; Ang pangalawang pangungusap ay mali.

b)

Ang unang pangungusap ay mali; Ang pangalawang pangungusap ay tama.

c)

Parehong tama ang mga pangungusap.

d)

Parehong mali ang mga pangungusap.

17.

Ang pormal na sanaysay ay maingat at maanyo; Ang impormal na sanaysay ay hindi maaaring haluan ng personal na pananaw o damdamin ng may-akda. Suriin ang mga pangungusap.

a)

Ang unang pangungusap ay tama; Ang pangalawang pangungusap ay mali.

b)

Ang unang pangungusap ay mali; Ang pangalawang pangungusap ay tama.

c)

Parehong tama ang mga pangungusap.

d)

Parehong mali ang mga pangungusap.

18.

Mas epektibo ang isang sanaysay kung ang mga salitang gagamitin ng may-akda ay matatalinhaga at pang-intelektwal; Isaalang-alang ang wastong wika at istilong gagamitin sa komposisyon. Suriin ang mga pangungusap.

a)

Ang unang pangungusap ay tama; Ang pangalawang pangungusap ay mali.

b)

Ang unang pangungusap ay mali; Ang pangalawang pangungusap ay tama.

c)

Parehong tama ang mga pangungusap.

d)

Parehong mali ang mga pangungusap.

19.

Sa isang epektibong sanaysay, nailalarawan ng may-akda ang mga wastong damdami’t kaisipang naaangkop sa mga kaganapan; Sa pamamagitan ng masining na pagsasalaysay ay nailalarawan rin ng may-akda ang tunay na larawan ng buhay. Suriin ang mga pangungusap.

a)

Ang unang pangungusap ay tama; Ang pangalawang pangungusap ay mali.

b)

Ang unang pangungusap ay mali; Ang pangalawang pangungusap ay tama.

c)

Parehong tama ang mga pangungusap.

d)

Parehong mali ang mga pangungusap.

20.

Anong uri ng akdang pampanitikan ang Takipsilim sa Jakarta?

a)

Dula

b)

Maikling Kuwento

c)

Nobela

d)

Sanaysay