NEW
Font size
WorksheetsSUMMATIVE TEST 2 IN ESP 5 QUARTER 1
Total questions: 20
Worksheet time: 7mins
Nakita mo ang iyong kaklase na mabilis na lumabas ng palikuran ng mga babae na parang may tinatakasan. Kinabukasan ay nag -anunsyo ang punong guro ng paaralan na mayroong nagsulat sa dingding sa loob ng palikuran. Bilang isang matapat na mag-aaral, ano ang gagawin mo?
Ipagsigawan sa buong paaralan na ang iyong kaklase ang nagsulat.
Pumunta sa punong guro at makipag-usap nang mabuti tungkol sa iyong kaklase.
Ipahiya ang kaklase sa buong paaralan.
Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita.
“Bawal umihi dito”. Ito ang karatola na mababasa sa pader sa tapat ng inyong paaralan. May mga kabataang lalaki ang lumabag sa babala na bawal ang umihi sa lugar na iyon. Paano mo aaksyonan ang pangyayari?
Isumbong kaagad ang mga nakitang lalaki
Pagalitan ang mga lalaking umihi doon.
Pagsabihan nang mahinahon ang mga lalaki na bawal umihi doon.
Sabihin sa punong guro na may lalaking lumabag sa babala ng paaralan
Alam ni Myra na si Jose ang naghagis ng bato sa batang katutubo sa inyong paaralan ngunit natakot siyang sabihin ang katotohanan dahil sa pinagbantaan siya ni Jose. Gustong ipaalam ni Myra ang totoo, kanino niya ito sasabihin?
Sasabihin ni Myra sa kaniyang mga kaklase.
Sasabihin ni Myra sa kaniyang kapitbahay.
Sasabihin niya ito sa guro ng batang katutubo.
Sasabihin niya ito sa punong barangay.
Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa pagsusulit. Pinalakpakan siya ng buong klase at pinuri ang nagawa. Mayamaya lang ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna. Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong katangian ang ipinakita ni Jane sa kaniyang pag-amin sa kasalanan?
Pagpapakumbaba
Pagkamatapat
Pagkamasunurin
Pagkamabait
. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang nagsimula ng gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase.
Aalis at pababayaan ang nag-aaway.
Aalis at pababayaan ang nag-aaway.
Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa sa mahinahon na paraan.
Kailan makikita ang katapatan sa sarili?
Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.
Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral sa susunod.
Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.
Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.
Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit nadaanan niya ang mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin?
Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay.
Pahihintuin ang mga naglalaro.
Hahayaang maglaro ang mga kaibigan at didiretso sa tindahan para sundin ang utos ng nanay.
Ibibili ng meryenda ang pera at ipamimigay sa mga kaibigan.
Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya nang maayos at matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay. Ano ang ipinakikita ni Mang Mario?
Katapatan sa guro
Katapatan sa pamilya
Katapatan sa paaralan
Katapatan sa pamayanan
Napansin mong walang imik ang iyong nakababatang kapatid. Nang tanungin mo, sinabi niya sa’yo ang problema niya. Ano ang gagawin mo?
Makinig, unawain at maging tapat sa pagbibigay ng payo sa kapatid.
Pabayaan ang kapatid na lutasin ang sariling problema.
Huwag pagsabihan ang kapatid dahil baka masaktan siya
Isumbong sa nanay para mapagalitan.
Napagtanto ni Celso na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery store na kaniyang binilhan. Ano ang dapat niyang gawin?
Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili.
Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito
Ibalik ang sobrang sukli sa tindera.
Ilagay sa bulsa ang sobrang sukli.
Piliin ang tsek (/) kung ito ay nagpapakita ng katapatan o pakikiisa at ekis naman (X) kung Hindi.
1. Tinatapos ko muna ang aking mga aralin at gawaing bahay bago ako maglaro.
2. Ipinauubaya ko sa aking kapatid ang paggawa ng pangkatang proyekto namin upang maayos ang ipapasa naming sa aming guro.
5. Kung may kakayahan ako at gamit, makikipag-usap ako sa ka- klase ko upang makipagtulungan sa mga gawain
Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at pagkilos ng
wasto o tama kahit walang nakatingin ay pagiging
A. matapat
B. mabait
C. masinop
D. masipag
Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung
A. kinokopya mo lang ang sagot sa gawa ng iba
B. ipinagagawa mo ang lahat sa mga kapatid
C. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
D. hinahayaan na lamang na hindi mag-aral
Naatasan si Gerry na maging lider ng pangkatang gawain kasama ang kamag-aaral na kapitbahay niya. Ipinaubaya na lamang niya sa mga ito ang paggawa. Ang ginawa niya ay
A. tama
B. mali
C. okay lang
D. maayos
1. Ang dapat mong gawin sa prinsipyo o kasabihang “Honesty is the Best Policy” ay
A. kabisaduhin
B. saulohin
C. isapuso at isakilos
D. tingnan at basahin
Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, MALIBAN sa
A. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
B. paggawa ng mga gawain at hindi ito ipinagagawa sa iba
C. hindi pakikiisa sa mga pangkatang gawain at proyekto
D. pagtupad ng ipinangako o sinabing gagawin na mag-aaral
Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, MALIBAN sa
A. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
B. paggawa ng mga gawain at hindi ito ipinagagawa sa iba
C. hindi pakikiisa ka sa mga pangkatang gawain at proyekto
D. pagtupad ng ipinangako o sinabing gagawin na mag-aaral
1. Tinatapos ko muna ang aking mga aralin at gawaing bahay bago ako maglaro.
