WorksheetsReading
Total questions: 20
Worksheet time: 46mins
Ang Loro ni Lolo Kiko
May loro si Lolo Kiko. Nagsasalita ang loro ni Lolo. Keso ang paborito nito. Aba! Nakawala ang loro! Ay! Nasa puno na ang loro!
Ano ang alaga ni Lolo Kiko? (Literal)
Aso
Loro
Pusa
Ano ang paborito ng alaga ni Lolo? (Literal)
Paborito nito ang ____________ .
makalipad sa puno
makatikim ng keso
makausap si Lolo Kiko
Ano kaya ang naramdaman ni Lolo nang mawala ang loro? (Paghinuha)
masaya
malungkot
nagalit
Saan kaya naganap ang kuwento? (Paghinuha)
Naganap ang kuwento sa _____ .
bahay
gubat
paaralan
5. Ano ang isa pang magandang pamagat sa kuwento? (Pagsusuri)
Si Lolo Kiko
Ang Loro sa Puno
Ang Alagang Loro
O Pagong!
O, pagong na maliit sa garapon nakatira. Ikaw ba ay sasaya kapag nakawala ka na?
O, batang mabait tulungan mo ako. Paglabas ko rito masaya talaga ako.
Nasaan ang pagong sa kuwento? (Literal)
Ang pagong ay nasa __________.
loob ng hardin
loob ng garapon
labas ng garapon
Alin sa sumusunod na mga salita ang nagsasabi tungkol sa pagong? (Literal)
mabait
maliit
masaya
Sino ang nag-uusap sa kuwento? (Paghinuha)
ang mga bata
ang mga pagong
ang bata at ang pagong
Ano kaya ang nararamdaman ng pagong sa kuwento? (Paghinuha)
Ang pagong ay ___________.
malungkot
masaya
galit
Bakit kaya sinulat ang kuwentong ito? (Pagsusuri)
Hatid nito ang isang balita.
Nais nitong magbigay-kaalaman.
Nais nitong magbigay ng aliw.
Reyna ng Duwende
Selina ang pangalan ng reyna ng mga duwende. Lagi siyang nakaupo sa malaking balde.
Berdeng balde ang paborito niya at balat ng saging ang korona niya. O! Kay saya ni Reyna Selina!
Para saan ang balde ng reyna? (Literal)
Upuan ito ng reyna
Ginagamit ito sa paglalaba
Lalagyan ito ng tubig ng reyna
Ano ang nararamdaman ng reyna? (Literal)
______________ ang reyna.
Nag-aalala
Natutuwa
Napapagod
Alin sa sumusunod ang sinasabi sa kuwento? (Paghinuha)
Hinahawakan ng mga duwende ang korona.
Ang korona ay may mamahaling diamante.
Galing sa prutas ang korona ng reyna.
Saan kaya naganap ang kuwento?(Paghinuha)
Naganap ang kwento sa ______ .
kaharian ng mga balde
kaharian ng mga saging
kaharian ng mga duwende
Bakit kaya sinulat ang “Reyna ng Duwende”? (Pagsusuri)
Hatid nito ang isang balita.
Nais nitong magbigay-aral.
Nais nitong magbigay ng aliw.
Manonood Ako!
May karera ng kotse. Makukulay raw ang mga kotse. Manonood ako ng karera. Magdadala ako ng kamera. Magsisimula na ito. Sasakay na ako sa bisikleta. Mabilis ang andar ko. Naku! Dumulas ang bisikleta! Aray! Kay raming putik ng tuhod ko!
Saan papunta ang bata sa kuwento? (Literal)
Papunta ang bata sa __________ .
parada ng mga kotse
karera ng mga kotse
karera ng mga bisikleta
Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa mapapanood ng bata? (Literal)
Madaming bisikleta rito.
Makukulay ang mga kotse rito.
Makukulay ang mga bisikleta rito.
Bakit kaya mabilis ang andar ng bata? (Paghinuha)
Gusto niyang mapanood ang karera.
Sasali siya sa makulay na parada.
May kaibigan siya sa karera.
Alin sa sumusunod ang nagpapakitang nasaktan ang bata sa kuwento? (Paghinuha)
Mabilis and andar ko.
Naku! Dumulas ang bisikleta!
Aray! Kay daming putik ng tuhod ko!
Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa kuwento? (Pagsusuri)
Parada ng mga Kotse
Karera ng mga Kotse
Karera ng Bisikleta
