NEW
Font size
WorksheetsESP 10 - Module 3 and 4
Total questions: 10
Worksheet time: 30mins
Ang lahat ay katangian ng batas moral maliban sa isa.
Kinapapalooban ng mga etika na prinsipyong gagabay sa tao.
Nagmula ito sa kalooban ng Diyos.
Maari itong magbago batay sa pananaw ng tao.
Nagtatakda ito ng kilos ng tao.
Sinasabing ang batas ng kalikasan ay siyang partisipasyon ng tao sa batas ng Diyos. Alin ang wastong pakahulugan nito?
Nararapat na sumunod ang tao sa kalooban ng Diyos.
Obligasyon ng tao na magpakatao.
Kailangan ng tao na makipag-isa sa Diyos.
Walang magagawa ang tao kung nakahiwalay sa Diyos.
Paano makapagpapalalim ng pananampalataya ang pagkakaalam sa batas moral?
Atas ng Diyos sa bawat isa na magpakabuti.
Natutukoy nito ang kalooban ng Diyos.
Nagkakaroon ng kahinahunan ang tao dahil dito.
Napapatibay nito ang paniniwala sa Diyos.
Hindi ganap ang kalayaan ng tao ayon sa batas moral. Ang pangunahing dahilan nito ay…
Ang tao ay nilalang ng Diyos.
Walang kalayaan ang sinuman na gumagawa ng masama.
May mga bagay na ipinagbabawal sa batas.
Hindi maari na saklawan ang karapatan ng ibang tao.
Bakit maituturing na nakaukit sa bawat tao ang batas kalikasan?
Sapagkat bawat tao ay mayroong katangiang likas sa kanya.
Hindi maaring labagin ng tao.
Sapagkat nakabatay ito sa pagkatao ng tao.
Ito ang batas ng Diyos.
Paano maipapaliwanag sa isang kabataang katulad mo na nalulong sa bisyo na layuan na ang gawi niyang ito?
Isumbong siya sa mga awtoridad.
Ipaalam sa inyong mga kaibigan.
Ikuwento sa kanya ang mga di-magandang kinahinatnan ng iba.
Konsentihin ito sa kanyang bisyo.
Paano makakatulong ang batas moral upang matukoy ang layunin sa buhay?
Pawang kabutihan ang nilalaman nito.
Ito ay nakaugat sa kalikasan ng tao.
Ito ang makapagpapanatag sa buhay ng tao.
Batayan ito ng kaayusan.
Bakit nararapat na alamin ng tao ang mga bagay o gawi na mabuti? Upang…
Maging ganap ang kanyang pagkatao.
Magkaroon ng katiwasayan ang kanyang isip.
Maging mabuti ang kanyang uganayan sa iba.
Magampanan niya ang nakaatang sa kanyang tungkulin.
Bakit hindi maaring salungatin ng tao ang batas moral? Sapagkat…
ito ang batas ng Diyos.
ito ay maaring ikapahamak niya.
ito ay maiiwasan ang pagkasira ng ugnayan niya sa kanyang kapwa.
ito ay labas sa kanyang abilidad.
Bakit napapatibay ng batas moral ang kalayaan ng tao? Dahil…
ito ay makapaglalayo sa kung anumang kasamaan.
ito ang magbibigay ng direkson sa buhay ng tao.
ito ang tunay na layunin ng tao.
ito ay batay sa pagkatao ng tao.
