NEW
Font size
WorksheetsFilipino Quiz Bee (Gr-9)
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
1. Maikling tula mula sa Japan na binubuo ng labimpitong pantig lamang.
haiku
tanaga
duplo
tanka
Sa bansang ito nagmula ang mga unang pabula sa daigdig.
India
Gresya
Tsina
Hapon
Tukuyin ang hindi ponemang suprasegmental.
diin
hinto
tono
impit
Ang mga halimbawang salita ay modal maliban sa _________.
gusto
maaari
tama
puwede
Sa pangungusap na: "Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan". Ang ngunit ay ginamit bilang _______.
pang-ukol
pangatnig
panghalip
pantukoy
Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
parabula
epiko
pabula
alamat
Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
pag-ibig
elihiya
pastoral
kalikasan
Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng pantikan.
Gilgamesh
Iliad at Odyssey
Beowulf
Ibalon
Lalong lumakas ang ulan nang makalipas ang sampung minuto. Ang salitang may salungguhit ay pandiwa bilang _________
aksiyon
karanasan
pangyayari
tagaganap
Siya ang kinikilalang pinakamusay makisama sa kanilang lugar. _________, karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ng angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap?
tiyak
dahil sa
tuloy
Kung gayon
“Magtanim ay ‘di biro” ay isang halimbawa ng Tulang
pastoral
awit
elehiya
soneto
Gusto _____ niyang pumunta sa ilog upang maligo.
daw
ng
nang
raw
Si Jose ay dumalo sa isang piging. Anong uri ng pokus ng pandiwa ang may diing-salita?
tagaganap
kagamitan
layon
tagatanggap
Naglandas ang luha sa kanyang pisnge habang yapos-yapos nang sugatang bangkay ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ang salitang may salungguhit ay kayarian ng salita na _______________
payak
tambalan
inuulit
maylapi
Ito ay paggamit ng higit na mahinay at mapampalubag ng loob na salita kapalit ng nakakasakit at tahas na pahayag.
tayutay
eufemismo
sawikain
panitikan
Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
sikwensiyal
pag-iisa-isa
halinhinan
prosidyural
Ang ____________________ ay isang epektibo at nakakahikayat na paraan ng pagpapahayag sa anyong
pasulat at pasalita.
bugtong
tula
retorika
tugmang de gulong
Ang _________________ ay isang uri ng akdang patula na isinasalaysay at nagpapakita ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.
epiko
duplo
sarsuwela
mito
Nagpapolarisa ng anyo ng panitikang tinatawag na sanaysay o Essai.
Michel de Montaigne
Francis Bacon
Aesop
Alejandro G. Abadilla
Hayun! Dahil sa kalokohan mo 'y babagsak ka.
Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong _______________
paraan at resulta
layunin at resulta
paraan at layunin
sanhi at bunga
Tumutukoy sa salitang nagpapakita ng paglalarawan.
pang-abay
pang-uri
panghalip
pang-ukol
Ang matanda ay lumakad na paluhod. Alin ang salitang maituturing na pang-abay na pamaraan?
matanda
lumakad
paluhod
na
Ang pahayag na, “Puri sa harap, sa likod paglibak”, ay nabibilang sa _________________.
salawikain
sawikain
kasabihan
bugtong
Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang _________.
Pampolitika
Panrelihiyon
Pampamilya
Panlipunan
Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay _________.
Laong-laan
Basang-sisiw
Makata
Pluma at papel
Sa pangungusap na,"Nakikisalo sa pagdadalamhati at pagkaulila". Ano ang ipinahihiwatig ng salitang may salungguhit?
dinadama
iniisip
dinadaing
nakikiramay
Ang pangyayaring, dinalaw ni Crisostomo Ibarra ang libingan ng kanyang ama sa bayan ng San Diego ay nagpapahiwatig na ang mga Pilipino ay _____________.
Makalimutin sa mga yumaong mahal sa buhay
Hindi nakakalimot sa mga yumaong mahal sa buhay
May utang na loob sa yumao
Ipagdiwang ang kamatayan ng mahal sa buhay
Sa pangyayaring naganap sa kabanata dalawampu’t isa, inabot na siya ng gabi sa paglalakad, pagtakbo at pag-iyak, samantalang isinisigaw ang pangalan nina Basilio at Crispin. Naging palaboy na si Sisa sa kalye. Umiiyak, tumatawa at nakikipag-usap sa kalikasan. Anong kaisipan ang nakapaloob sa pangyayari?
Nagugulumihanan si Sisa
Nababalisa si Sisa
Natatakot si Sisa
Nababaliw si Sisa
Sa pangungusap na, malakas ang kabog ng dibdib ng dalaga kapag dumarating ang binatang minamahal. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang may salungguhit?
Kinakabahan
nasasabik
nagagalit
naiinis
Ang taong sunod-sunuran sa mga makapangyarihan, kaibigan ni Don Rafael Ibarra at kinikilalang ama ni
Maria Clara.
Pilosopong Tasyo
Kapitan Tiyago
Kapitan Heneral
Tenyente Guevarra
Sa pangyayaring, bukas-palad si Kapitan Tiyago sa sinumang pumasok at kumain sa piging na ginanap sa kaniyang bahay. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakikita?
Pagiging matulungin
Pagiging maawain
May mabuting loob para sa lahat
May inaasahang kapalit
Kilalanin ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng pangungusap.
Salamat sa ginawa ninyong pagmamalasakit sa kababaihan.
pagkagalit
pagtatampo
pasasalamat
pagkatuwa
Grabe, di ko mapapatawad ang ginawa mong pananakit sa akin!
Ang pangungusap sa itaas ay damdaming nagpapahayag ng
pagkalungkot
pagkatuwa
pagkagulat
pagkagalit
Isang mahabang tuluyang salaysay ng relatibong mas mahaba kaysa maikling kwento.
Nobela
Sanaysay
Alamat
Maikling Kwento
Kauna-unahang nobelang naisulat sa wikang Ingles.
The Sorrow of War
Child of Sorrow
The Circus of Life
Child of All Nation
________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak
Kapag
Kung
Tuwing
Para
Aling parirala ang gumamit ng wastong pang-angkop na NG ?
batong makislap
Ngiping masakit
matapang na sundalo
kaarawang masaya
Aling parirala ang gumamit ng wastong pang-angkop na "na" ?
upuan na bato
kapiraso na tela
makapal na kahoy
batuta na itim
____________ pangulo, agad na ipatutupad ang bagong batas sa buong Israel.
Para kina
Sabi ni
Hinggil kay
Ayon sa
________________kasunduan ng lider at kanyang mga miyembro, sisimulan na ang proyekto bukas.
Ukol sa
Alinsunod sa
para sa
hinggil kay
