wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1M5M6 : Tula at Sanaysay ng TSA

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga pahayag na magkakasingkahulugan ay ginagamit upang mapasining at mapalalim ang kahulugan ng isang tula. Alin sa mga pahayag ang gumagamit nito?

a)

“Mula pa sa panahon ng kawalang-malay, hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop, digmaan at kasarinlan.”

b)

“Ngayon, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa.”

c)

“Ang bawat paghakbang ay may patutunguhan, ang bawat paghakbang ay may mararating.”

d)

“Ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi ng lahing magiting, ng lahing kapuri-puri.

2.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang tinataglay bilang isang Asyano?

a)

Pagtangkilik sa sariling produkto

b)

Pagpapanatili ng kaugalian at paniniwala

c)

Paggalang sa mga tradisyon at pananampalataya

d)

Pagsuporta sa kaisipang kanluranin

3.

Ang persona sa tulang "Ang Pagbabalik"

a)

asawang babae

b)

asawang lalaki

c)

mangingibig

d)

binata

4.

Ang nangibabaw na damdamin sa tula ni Jose Corazon de Jesus na "Ang Pagbabalik"

a)

Pananabik

b)

Pagkalungkot

c)

Pagkagalit

d)

Pagdududa

5.

Isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa madla sa pamamagitan ng pagsasalaysay

a)

Blangko Berso

b)

Tulang Nagsasalaysay

c)

Spoken Word Poetry

d)

Haiku

6.

"magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan.." ang mga salitang ito sa taludtod ay ______.

a)

magkakatunog

b)

magkakasalungat

c)

magkakaugnay

d)

magkakasingkahulugan

7.

“Nakatutuwang malaman na paunti-unti ay bumabalik na tayo sa normal." Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa pangungusap?

a)

Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin

b)

Pangungusap na Nagsasaad ng Hindi Tuwirang Damdamin

c)

Pangungusap na Padamdam

d)

Sambitla

8.

Piliin ang lahat ng elemento ng tula

a)

sukat

b)

tugma

c)

kariktan

d)

talinghaga

e)

kabanata

9.

PILIIN ANG MGA TOTOO tungkol sa tula batay sa natutuhan sa aralin.

a)

Maaari itong pasalaysay, naglalarawan o patanghal

b)

Binubuo ng mga taludtod at saknong; maaaring malaya o tradisyonal.

c)

Binubuo ang tula ng mga pangungusap at talata

d)

Epektibong naipahahatid ang iba-ibang damdamin

e)

Maaaring gumamit ng magkakasingkahulugang salita upang maging masining ito

10.

Ayon sa akda, higit na angat ang kalagayan ng mga kalalakihan sa mga

kababaihan pagdating sa edukasyon at pagtatrabaho. Ito’y nagpapakita ng _____.

a)

diskriminasyon

b)

kalakasan

c)

kapangyarihan

d)

edukasyon

11.

Nagpamalas ng pagsunod sa kultura ang mga kababaihan dala ng paggalang

sa kanilang mga magulang ngunit nais nila ay maging _____.

a)

mapag-isa sa buhay

b)

malaya sa naisin sa buhay

c)

mataas ang katungkulan

d)

makapag-asawa ng mayaman

12.

Masasabing walang kalayaan ang mga kababaihan dahil sa _____.

a)

wala silang edukasyon

b)

takot na nadarama

c)

pagsunod sa lumang kaugalian o kultura

d)

personal ang mga pananaw

13.

Malaking bagay ang pagkakaroon ng batas para sa karapatan ng mga

kababaihan sapagkat _____.

a)

naipaglalaban na nila ang anumang naisin sa magulang

b)

magagawa na nila ang anumang naisin nila

c)

napagtuunan nila ang sariling pag-unlad, hindi lamang pansarili maging

sa kalagayan sa lipunan

d)

may maipagmamalaki na sila

14.

Ang pantay na kalagayan ng kalalakihan sa kababaihan ay matatamo kung _____.

a)

makamit ang kalayaaan

b)

maipakasal sa napili ng magulang

c)

makapagtapos ng pag-aaral

d)

hindi masisikil ang karapatan

15.

Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng opinyon o pananaw

na nagpapatunay, alin sa mga pang-ugnay na ito ang ginagamit?

a)

Ano pa

b)

Sa

katunayan

c)

Sa kabilang banda

d)

Sa wakas

16.

Ginagamit sa pagbibigay ng konklusyon ang pang-ugnay

na _____.

a)

sa ganitong pagkakataon

b)

pero

c)

bilang resulta

d)

para sa

17.

Alin ang pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng

mahahalagang halimbawa sa pagbuo ng sanaysay?

a)

Tiyak

b)

Kaya

naman

c)

Sa pagbubuod

d)

Sa ganitong

pagkakakataon

18.

Piliin ang mga DI-PORMAL na sanaysay

a)

liham

b)

dayari o talaarawan

c)

travel blog

d)

talambuhay

19.

Katulad ng akdang “Kay Estela Zeehandelaar,” gumamit

ng pananaliksik sa pagsasalin ang may-akda, bilang resulta ay higit itong

magugustuhan ng mga mambabasa. Ang ginamit na pang-ugnay sa

pagpapahayag ay _____.

a)

magugustuhan

b)

ng

c)

higit itong

d)

bilang resulta

20.

“Anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian, ang kultura’y pinayayabong, nang may halong sigla at tuwa.” Aling dalawang kaisipan ang magkasingkahulugan?

a)

Kulay at edad?

b)

Edad at kasarian

c)

Lahi at kulay

d)

Kasarian at lahi

21.

Piliin ang mga PORMAL na sanaysay

a)

editoryal

b)

talambuhay

c)

panunuring pampelikula o movie review

d)

liham

22.

Piliin ang mga Elemento ng Sanaysay

a)

paksa at nilalaman

b)

anyo at pagkakabuo

c)

wika at istilo

d)

kariktan at talinghaga

23.

Ang pangalan ng prinsesang Javanese na sumulat kay Stella Zeehandelaar ay _____.

a)

Kartini

b)

Martini

c)

Marites

d)

Kayleni

24.

Ang akdang "Kay Stella Zeehandelaar" ay isang _____.

a)

liham

b)

dayari

c)

talambuhay

d)

editoryal

25.

Upang maging maayos at malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at opinyon sa mga pangungusap at talata ay gumagamit tayo ng mga _____.

a)

pang-ugnay

b)

simbolo

c)

pahiwatig

d)

pananaw