Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Subukin

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga pangatnig na transitional devices ay nakatutulong sa

a)

pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

b)

pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.

c)

pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.

d)

pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos.

2.

Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pangyayari ay tinatawag na tulang ______

a)

Mapang-uroy

b)

Mapaglarawan

c)

Mapang-aliw

d)

Mapangpanuto

3.

Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang ______

a)

Komedya

b)

Melodrama

c)

Tragikomedya

d)

Trahedya

4.

Sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga

a)

Pantukoy

b)

Pangatnig

c)

Pandiwa

d)

Pang-abay

5.

_____ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay_____.

a)

Kung

b)

Kapag

c)

Sa

d)

Simula

6.

Anong kulturang Pilipino ang inilarawan sa dulang “Tiyo Simon”?

a)

Ang pananampalataya, pagsamba, at pananalig ng tao sa Diyos

b)

Ang pagsama ni Tiyo Simon sa simbahan

c)

Ang pagpapaalala ng ina sa anak

d)

Ang pagpapahalaga sa tunog ng batingaw ng simbahan

7.

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya tulad ng nararapat).


Mahihinuhang ang ama ay magiging _____.

a)

Matatag

b)

Mabuti

c)

Matapang

d)

Masayahin

8.

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya tulad ng nararapat).


Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay _______.

a)

Maawain

b)

Mapagmahal

c)

Matulungin

d)

Maalalahanin

9.

Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay malinaw.

a)

Pananda

b)

Pangatnig

c)

Pang-ukol

d)

Pantukoy

10.

Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing salamin ng buhay ay ang ______

a)

Kathambuhay

b)

Dula

c)

Teatro

d)

Sarsuwela