wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1 4th ESP Assessment

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Si Lola Nena ay hindi napigilang umihi sa kanyang salawal. Bilang apo ano ang dapat mong ipakita sa kanya?

a)

Magagalit at maiinis ka.

b)

Isusumbong mo sa nanay na pagalit dahil nangangamoy ihi na naman kayo.

c)

Asikasuhin at tulungan bihisan si lola.

2.

 Kasama ni Liza ang kanyang Lola.  Ibig ni Liza na manood sila ng sine.  Gusto naman ng Lola niya na umuwi na  ng bahay para makapagpahinga. Ano ang dapat gawin ni Liza? 

         

a)

A.  Pauwiing mag-isa ang lola.

b)

B.  Sisihin ang lola dahil sumama-sama pa siya.

c)

C.  Pagbigyan ang matanda at manood na lang sa ibang pagkakataon.

3.

Nagluluto ang nanay at biglang umiyak ang bunso mong kapatid. Hindi agad mapuntahan ni nanay dahil alanganain ang kanyang luto at baka ito ay masunog. Paano mo maipapakita ang malasakit mo sa kanya?

a)

Sundin ang anumang utos ng magulang nang padabog

b)

Puntahan si bunso at alagaan muna

c)

Pagalitan si bunso dahil naistorbo ang iyong panonood ng TV.

4.

Hindi naibili ng iyong magulang ang gusto mong laruan noong kayo ay namasyal sa SM dahil kulang ang dala niyang pera. Ano ang tamang gawi ang iyong ipapakita?

a)

Magdadabog ka.

b)

Maglulumpasay ka para mapilitang bilhin ni tatay ang gusto mo.

c)

Unawain si Tatay at Nanay.

5.

Pawis na pawis si Mama nang dumating sa paaralan dahil naglakad lang siya papunta sa paaralan para  sunduin ka. Paano mo maipakita ang pagmamahal at malasakit mo sa kanya?

a)

Hayaan siyang magtrabaho

b)

Pupunasan ang pawis niya at yayakapin.

c)

Yayain na kaagad umuwi dahil nagugutom ka na.

6.

Nakita mo na umiiyak ang isang kaklase mo dahil wala siyang baon          pagkain. Ano ang gagawin  mo?

a)

Tutuksuhin mo siya

b)

Bibigyan mo siya dahil marami ka namang baon

c)

Magkukunyaring di mo nakita 

7.

 Nakita mo na inaaway ng mga bata ang kaklase mo. Ano ang una mong gagawin mo?

a)

Aawayin mo rin sila.

b)

Tutulungan mo ang kaklase na awayin.

c)

Magsumbong sa guro.

8.

Namalengke ang nanay.  Wala pa siya nang magising si Bunso.  iyak ito nang iyak at hinahanap ang nanay.  Ano ang gagawin mo?

a)

A.  Papaluin mo siya.

b)

B.  Makikisabay ka sa pag-iyak niya.

c)

C.  Lilibangin o lalaruin mo siya para tumigil sa kakaiyak.

9.

Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong  kasambahay na maysakit ?

Iiwasan ko ang paglikha ng ingay kapag may natutulog o maysakit sa bahay.

a)

Maghabulan sa bahay.

b)

Lakasan ang radyo o telebisyon.       

c)

Tumahimik at huwag gumawa ng anumang ingay

10.

Nais mong kumuha ng piniritong manok  pero ito’y malayo sa iyo.  Ano ang iyong sasabihin?

                   

                   

                

a)

A.  Pahingi ng manok.  

b)

B. Pakiabot nga po ng manok. 

c)

  C. Hoy!  Manok  nga.

11.

Masarap ang inyong ulam.  Paano mo ito sasabihin sa nanay?

a)

A.  Ilakas ang pagnguya.

b)

B.  Ubusin lahat ang ulam.

c)

C.  Purihin ang nanay at sabihin na masarap ang niluto niya. 

12.

Tama o Mali

Masaya ang mag-anak na laging nag-aaway.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Tama o Mali

Ang mag-anak na masaya ay nakasisiya.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Tama o Mali

Igalang ang mga kasapi ng pamilya.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Tama o Mali

Sumunod sa utos ng nakatatnda.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Tama o Mali

Kailangan nating magmalasakit sa bawat kasapi ng pamilya.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Tama o Mali

Ang pagtulong sa gawaing bahay ay pagpapakita ng pagmamalasakit sa ating mga magulang.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Tama o mali

Sumunod sa utos ng nanay kapag ikaw ay binigyan ng bayad o kapalit.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Tama o Mali

Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay HINDI mabuting gawain ng isang kasapi ng pamilya

a)

Tama

b)

Mali

20.

Matanda na ang Lolo ni Aga kaya makulit na ito at paulit-ulit na lang ang sinasabi. Paano kaya siya dapat itatrato ng pamilya?

a)

A.  Sigawan kung kakausapin siya.

b)

B.  Huwag na lang kausapin ang lola.

c)

C.  Magpakita ng giliw sa pakikipag-usap sa kanya para malibang.