wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1_REVIEWQUIZ

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito. Ang ang konotasyong kahulugan ng may salungguhit na salita sa ikalawang talata ay mapagbigay.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. Ang kawalan ng trabaho ang pangyayaring maiuugnay sa kasalukuyang lipunan sa talata.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila’t kumain ng kaunti. Ipinahihiwatig ng talata ng bihirang pag-uuwi ng pagkain ng ama ay nagdudulot ng kasiyahan sa buong pamilya.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Pinipilit pa rin niyang maging malakas __________ talagang di na kaya ng kaniyang paa ng tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Ang pang-ugnay ang bubuo sa pangungusap ay bagamat.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Ang pagbangga ng kalesang sinasakyan ni Pak Idjo sa kotse ang dahilan kaya nahihirapang makabalik sa paghahanap-buhay. Ang pangyayari ay nagpapakita ng katotohanan mula sa akdang Takipsilim sa Dyakarta.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Hindi, ayoko, ayoko, E, ano kung magalit si Hasnah, hamo siya! Ang pahayag ay nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa lipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

“Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako”. Batay sa pagkakagamit sa pangungusap, ang kahulugan ng ikahon ay ikulong.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Napatunayang mabisa ang pag-inom ng bitamina upang mas mapalakas ang resistensiya ng katawan. Ang pahayag ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Ang konotasyon ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa diksyonaryo.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Sa pagsulat ng sanaysay, makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay upang maging organisado ang mga ideya.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Ang tula ay isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Ang tunggalian ay elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa paglalabang nagaganap sa pangunahing tauhan sa kaniyang ideyolohiya, kultura, pamumuhay, relihiyon at sa iba pang salik

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Si Adrian ang nakapagtapos ng abogasya, bunso sa magkakapatid at siya ring nakaisip na iligaw ang sariling ama sa akdang Nang Minsang Naligaw Si Adrian.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Ang transitional devices ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Sinonim ang tawag sa mga salita o preys na magkasalungat ang kahulugan.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Ang isang pahayag ay opinyon kung ito’y may suportang datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Ang sanaysay ay nasusulat sa anyong tuluyan na tumatalakay sa napapanahong paksa.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Ang nobela ay nahahati sa mga yugto, at ang bawat yugto ay nahahati sa ilang tanghal, at ang tanghal ay sa maraming tagpo, na siya namang paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan habang ito ay nagsisiganap.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Naging malaki ang impak ng manika sa buhay ni Boy dahil muling nanumbalik ang kanyang pananampalataya.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Si Lea ang prinsesa na nakaranas na ikahon o ikulong sa edad na 12 at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay.

a)

TAMA

b)

MALI