wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Total questions: 20

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang sinaunang sistema ng panulat ng mga Katutubo.

a)

Alibata

b)

Abakada

c)

Abecedario

d)

Baybayin

2.

Ilang titik mayroon ang alpabetong Filipino?

a)

25

b)

26

c)

27

d)

28

3.

Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na baybayin.

a)

Padre Pedro Chirino

b)

Otley Beyer

c)

Almirante Dewey

d)

Haring Felipe II

4.

Ito ang batas na nagtakda sa pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa.

a)

Batas Komonwelt Blg. 570

b)

Batas Komonwelt Blg. 333

c)

Batas Komonwelt Blg. 184

d)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

5.

Ang wikang Filipino ay galing sa pamilya ng wikang ___________.

a)

Austronesian

b)

Indo-European

c)

Afro-Asiatic

d)

Niger-Congo

6.

Mula sa wikang Awstronesya, ito ang partikular na angkan ng wika na pinagmulan ng mga wika sa Pilipinas.

a)

Paiwan

b)

Malayo-Polynesian

c)

East Formosan

d)

Northwest Formosan

7.

Ito ang naging pangunahing ideolohiya sa pananakop ng mga Kastila.

a)

Divide and conquer

b)

Educate the people

c)

God, Gold, Glory

d)

Envision, execute, explain

8.

Ang mga sumusunod ay mga dahilan upang hindi ituro ang wikang Kastila sa mga Indiyo, alin ang hindi kabilang?

a)

hindi maunawaan ang batas

b)

hindi makapagpahayag sa pamahalaan

c)

hindi mapantayan ang mga Kastila sa karunungan

d)

hindi lahat ay interesado sa wikang Kastila

9.

Kailan nagsimula ang kamalayan ng mga Pilipino upang maghimagsik?

a)

1850

b)

1869

c)

1872

d)

1875

10.

Sa panahon na ito unang nagkaroon ng konkretong pagkilos ang mga Pilipino sa pagtataguyod ng isang wikang panlahat.

a)

Panahon ng Propaganda

b)

Panahon ng Amerikano

c)

Panahon ng Hapones

d)

Panahon ng Pagsasarili

11.

Ito ang kaisipang sumibol sa mga Pilipino noong Panahon ng Rebolusyon laban sa mga Kastila.

a)

Para sa kalayaan!

b)

Sugod mga kapatid!

c)

Isang bansa, isang diwa

d)

Huwag matakot, makibaka

12.

Ang mga sundalo o grupong _______________ ang unang nagturo ng Ingles sa paaralan.

a)

Thom

b)

Thomas

c)

Thomasites

d)

Americans

13.

Sa pamamagitan ng batas na ito naitatag ang mga paaralang pambayan at naipahayag na wikang Ingles ang gagawing wikang panturo.

a)

Batas Blg. 72

b)

Batas Blg. 74

c)

Batas Blg. 88

d)

Batas Blg. 96

14.

Ang kahulugan ng 3R ay _____________.

a)

Reading, Resolve, Arithmetic

b)

Reading, Arithmetic, Resolve

c)

Reading, Writing, Resolve

d)

Reading, Writing, Arithmetic

15.

Sa panahong ito isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas

a)

Kastila

b)

Amerikano

c)

Hapones

d)

Pagsasarili

16.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit itinuring na Gintong Panahon ng Wikang Tagalog ang Panahon ng Hapones?

a)

Itinuro ang Nihonggo sa lahat ng antas

b)

Binigyang- diin ang pagtuturo ng Tagalog

c)

Maraming mga akdang Tagalog ang naisulat sa panahon na ito.

d)

Wala sa nabanggit.

17.

Ano ang isinasaad ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7?

a)

Filipino ang gagamiting wikang pambansa.

b)

Pinagtibay na wikang opisyal ang Tagalog at Ingles.

c)

Pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa at ginawang Pilipino

d)

Pagtatatag ng Buwan ng Wika

18.

Sa bisa ng Kautusan na ito nagkaroon ng panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.

a)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974

b)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 50

c)

Memorandum Sirkular Blg. 199

d)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60

19.

Sa kanyang panunungkulan naitatag ang programang English Only Policy.

a)

Corazon Aquino

b)

Joseph Estrada

c)

Gloria Macapagal Arroyo

d)

Benigno Aquino III

20.

Sa kasalukuyan, ito ang kinikilalang wikang pambansa ng Pilipinas.

a)

Taglish

b)

Tagalog

c)

Pilipino

d)

Filipino