WorksheetsUN Quiz BEE
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang United Nations ay isang organisasyong pandaigdigan na itinuturing na pinakamalaki, at pinakakilala sa buong mundo. Ang organisasyong ito ay itinatag noong ______ __ ______?
Oktubre 23, 1945
Oktubre 24, 1946
c. Oktubre 24, 1945
d. Oktubre 23, 1946
Matapos maisilang ang United Nations, taun-taon ay pinagdiriwang ito bilang “Araw ng Nagkakaisang Mga Bansa”. Saan ito isinilang?
a. Sistine Chapel
b. Hundred Islands
c. Roman Colosseum
d. San Francisco Opera House
Ang United Nations ay isang organisasyong naglalayon ng malawakang pangkapayapaan. Alin sa mga sumusunod ang Hindi kabilang sa kanilang hangarin
a. Upang muling pagtibayin ang karapatang pantao
b. Upang magtatag ng pinuno na kumakatawan para sa lahat ng mga bansa
c.Upang maresolba ang problemang kinakaharap ng lipunan sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong
d.Upang iligtas ang mga susunod na henerasyon mula sa digmaan.
Ang estruktura ng United Nations ay nakabatay sa Charter nito na mayroong 111 artikulo. Ang mga artikulo ito ang naghahayag sa mga gawain ng organisasyon. Ang gawain ng United Nations ay ipinapatupad sa buong mundo ng anim na organo nito: Alin sa mga sumusnod ang hindi kabilang sa anim na organo?
a. Economic and Social Council
b. International Court of Justice (ICJ)
c. The International Court of Economic Justice
d. General Assembly
Ang United Nations ay binubuo ng 193 mga bansa na naglalayon ng pandaigdigang kapayapaan. Ilang mga bansa ang orihinal na myembro ng organisasyong ito?
a. 51
b.55
c. 54
d. 50
Ang puno ng oliba sa watawat ng United Nations ay hindi lamang inilalarawan, ngunit may isang tiyak na kahulugan. Sa partikular, sa kultura ng Kanluran, ang sangay ng oliba ay sumisimbolo sa ___________ at kabutihan.
a. Karunungan
b. Kapayapaan
c.Kahuwaran
d. Kalinisan
Ang bandila ng United Nations ay pinagtibay noong ____________, at binubuo ng opisyal na sagisag ng United Nations na puti sa isang asul na background.
a. Disyembre 7, 1946
b. Disyembre 7, 1941
c. Disyembre 8, 1946
d. Disyembre 8, 1941
Ang watawat ng UN ay isang asul na rektanggulo na canvas, na bilang karagdagan sa opisyal na kulay, ay may karagdagang imahe na matatagpuan sa gitnang bahagi. Sa partikular, gumuhit ng mapa ng mundo na nakasentro sa _________ sa gitna ng isang mapusyaw na asul na lupain.
a. South pole
b. North Pole
c. Russia
d. Germany
Pagkatapos ng pagtatatag ng United Nations, natanto ng mga tagapag-ayos ng pangangailangan na magkaroon ng kanilang sariling mga simbolo at watawat. Gayunpaman, dinisenyo niya ang sagisag sa kahilingan ng General Assembly. Sino ang nagdisenyo ng watawat?
a. Adolf Hitler
b. Hideki Tojo
c. Edward Stettinius
d. Donal McLaughlin
Isang komite ang nilikha na pinangunahan ng isang Amerikanong designer at arkitekto, na kilala sa pangunguna sa pangkat na nagdisenyo ng prototype na emblem na naging logo ng United Nations. Sino ang nanguna sa binuong komite?
a. Franklin Roosevelt
b. Emperor Hirohito
c. Oliver Landquist.
d. Benito Mussolini
Ayon sa United Nations Population Funds, lumobo ang populasyon ng daigdig. Mula sa 2.5 bilyon noong dekada 1950 ay tumaas sa anim na bilyon matapos lamang ang 50 na taon. Kapag nagpatuloy, inaasahan ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa 9.3 bilyon sa taong 2050. Ano ang tawag sa maka-agham na pagaaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon.
a. Demograpiya
b. Sosyolohikal
c. Heograpiya
d. Primatolohiya
Isa sa anim na organo ng United Nations na nag-uusap ukol sa mga isyu o problemang pang-ekonomiya, tulad ng ukol sa kalakalan, transportasyon, pag-unlad, at mga usaping panlipunan.
a. Secretariat
b. International Court of Economic Justice
c. Security Council
d. Economic and Social Council
Ang Migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng paninirahan ng isang tao sa lugar malimit para sa mas mainam na pamumuhay. Ang sistemang ito ay maaring magdulot ng kakapusan ng mga professional o skilled na manggagawa na tinatawag din na
a. Brain Drain
b. Brawn Drain
c. Professional Lacking
d. Professional Scarce
Kung sa General Assembly ay maaring pag-usapan ang halos kahit anong usapin o problema, sa ______________ ay limitado ang paksa sa mga usaping kapayapaan sa internasyonal na lebel na siya nitong pangunahing responsibilidad. Ito ay binubuo ng 15 miyembro. Lima sa mga ito ay permanenteng miyembro – ang China, France, Russian Federation, United Kingdom, at United States. Ano ang konsehong ito sa anim na organo ng United Nations?
a. Secretariat
b. Security Council
c. Trusteeship Council
d. Peace Monitoring Council
Mayroon tayong karapatang mabuhay, mapaunlad ang sarili, makilahok sa mga usapin at gawaing mahalaga sa atin, at maproteksyunan. Sa loob ng United Nations Convention on the Rights of the Child, makikita ang iba’t ibang karapatan na tumutugon sa mga sumusunod maliban sa isa
a. Karapatang Mabuhay at Mapaunlad ang sarili (Survival and Developmental Rights)
b. Karapatang Mapahalagahan (Right to be Valued)
c. Karapatang Makilahok (Participation Rights)
d. Karapatang Maproteksyunan (Protection Rights)
