WorksheetsLAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1
Total questions: 16
Worksheet time: 48mins
Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Paggawa
Ekonomiya
Migrasyon
Globalisasyon
Ang mga sumusunod ay mga mabuting epekto ng globalisasyon maliban sa isa:
Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na nagiging dahilan ang pag-unlang ng ekonomiya ng ibat-ibang mga bansa.
Dahil sa malawak na sakop ng sektor ng kalakalan, nagkakaroon ng problema sa ekonomiya sa ibat-ibang bansa lalo na ang mga nasa mahihirap na bansa.
Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon nag pagkakasundo ang mga bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan.
Mabilis ang paglago ng teknolohiya na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng lipunan sa ibat-ibang bansa.
Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
DUGTUNGAN:
Napadali ang paghahatid ng mga kaganapan sa iiba’t ibang bansa
dahil dumalang na ang mga pambansa o rehiyonal na kasuotan
dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa kalakalan
dahil sa pag-unlad ng telekomunikasyon at information technology
dahil higit na nagkaroon ng kompetisyon para sa mga pagpipiliang produkto
DUGTUNGAN:
Naging mas mataas ang kalidad ng mga produkto
dahil sa suliranin tungkol sa territoyo at lupang sakop ng bansa
dahil higit na nagkaroon ng kompetisyon para sa mga pagpipiliang produkto
Dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa Kalakalan
dahil sa pag-unlad ng transportansyon at komunikasyon.
DUGTUNGAN:
Naging madali ang pagluluwas
dahil sa pag-unlad ng transportasyon at teknolohiya
dahil sa suliranin tungkol sa territoyo at lupang sakop ng bansa
dahil mababa na ang buwis
dahil sa mga magagandang produkto.
DUGTUNGAN:
Nagbago ang mga estilo ng pananamit
dahil sa mga nagbago na ang mga raw materials sa mga produkto
dahil dumalang na ang mga pambansa o rehiyonal na kasuotan
dahil naiingit ang ibang lahi
dahil sa pagpapalitan ng produkto
DUGTUNGAN:
Napabilis ang takbo ng mga kalakalan
dahil tumaas na ang taripa sa mga produkto
dahil nagkaroon ng pag-unlad ng transportasyon
dahil sa agawan ng teritoryo
dahil sa pagkakaroon ng maayos na pakikipag-usap politikal.
Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag ang iyong sagot. (2 pts each)
KOMUNIKASYON
Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag ang iyong sagot. (2 pts each)
PAGLALAKBAY
Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag ang iyong sagot. (2 pts each)
KULTURA
Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag ang iyong sagot. (2 pts each)
EKONOMIYA
Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag ang iyong sagot. (2 pts each)
POLITIKA
Paano naaapektuhan ng globalisasyon ang iyong pang-araw-araw na pamumuhay? (5pts)
