WorksheetsNAUNAWAAN BA?
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
1. Anong kultura o kaugalian ng mga Muslim ang masasalamin sa kuwentong bayang “Naging Sutan si Pilandok?
a. Ang pagkakaroon ng kapangyarihan
b. Ang paraan ng kanilang pamumuhay
c. Ang pagkakaroon ng sultan bilang pinuno ng kanilang lugar
d. Ang estado ng kanilang buhay na ang mayaman lamang ang pinapayagang manamit ng ginto at tumira sa malalaking bahay
2. Anong mensaheng mapupulot mula sa napakinggang akda?
a. Maging tuso sa lahat ng pagkakataon
b. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi
c. Matutong dumiskarte sa oras ng kagipitan at pangangailangan
d. Huwag maging gahaman sa kayamanan at matutong makuntento kung anong meron ka
3. Ano ang masasalamin mula sa tagpuang binanggit at inilarawan sa kuwentong bayan?
a. Masasalamin dito ang lawak ng kabundukan at kapatagan ng mga Pilipinong Muslim
b. Masasalamin dito ang mga Maranao na nakatira sa gilid ng lawa ng Lanao at napaliligiran ng mga anyong tubig
c. Masasalamin dito na pangingisda ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga Pilipinong Muslim
d. Masasalamin dito ang kayamanang taglay at kasaganahan sa buhay ng mga taong naninirahan sa Mindanao.
Anong katangian ng Sultan ang HINDI dapat tularan?
mahusay na pinuno
gahaman at sakim sa kayamanan
mapagmahal sa nasasakupan
matalinong sultan
Ayon sa kuwento, saan nakuha ni Pilandok ang mga alahas at magarbong kasuotan?
sa kaharian
sa yungib
sa kagubatan
sa dagat
