NEW
Font size
WorksheetsESP WW#4
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1.Nakita mo ang iyong nanay na naghahanda ng almusal. Ano ang maari mong maitulong upang mapadali ang paghahanda ng inyong almusal?
A. Tutulong ka sa paghahanda ng mesa .
B. Tutulong ka pagdadala ng pinggan.
C. Tutulong ka sa pagpupunas ng mesa.
D. Aantayin matapos ang nanay para kumain ka nalang
2.Habang kayo ay nagdarasal nang kausapin ka ng kaibigan mo sa online upang magkumustahan. Ano ang gagawin mo?
A.Kakausapin ko agad ang aking kaibigan.
B. Sasabihin ko sa kaibigan ko na mamaya nalang kami mag-usap.
C. Sasabihin ko sa aking kaibigan na tumawag nalang uli mamaya dahil nagdadasal pa kami.
D. Sasabihin ko sa aking kaibigan na huwag tumawag dahil nagdadasal pa kami.
3.Paggising mo umiiyak ang kapatid mo habang nagluluto ang iyong nanay. Ano ang gagawin mo para tumigil sa kaiiyak ang kapatid mo?
A. Bibigyan ko sya ng laruan.
B. Bibigyan ko ng makakain para tumigil na.
C. kakausapin ko ng malumanay para tumahan.
D. Sasabihin ko na nandiyan lang naman ang nanay kaya tumahan ka na.
4.May sakit ang iyong ate. Ikaw lang ang kasama sa bahay. Ano ang gagawin mo kung humihingi sya ng pagkain?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Gagawa ako ng paraan ayon sa abot ng aking makakaya.
C.Sasabihin ko sa kanya na saglit lang po may ginagawa pa ako.
D. Sasabihin ko sa kanya ng mahinahon. Ito na ang iyong pagkain
5.Nasa inyo nakatira ang lola mo na mahina na ang pandinig at medyo malabo na rin ang mata, kinakausap ka. Paano mo siya kakausapin?
A. Lalapitan ko sya at kakausapin nang may katamtamang lakas na boses.
B. Hindi ko na lamang siya papansinin dahil hindi naman niya ako maririnig.
C. Lalapitan ko siya at kausapin nang malakas upang marinig niya ang aking sinasabi.
D. Sasabihin ko sa lola ko na hindi ako ang tinatawag nya.
6.Maagang natulog ang iyong tatay dahil pagod siya sa trabaho .May gagawin pa kayo ng ate mo na Proyekto. Mababaw lang kung sya ay matulog. Ano ang gagawin nyo upang hindi magising ang tatay niyo?
A. Dahan-dahanin namin ang paggawa.
B. Hindi kami mag-usap ni ate hanggang matapos ang gawain.
C.Malumanay ang pagsasalita kahit gumagawa para hindi makaistorbo kay Itay.
D. Gumawa ng gumawa malayo sa kinaroroonan ng aming tatay para matapos agad .
7.May pilay ang kuya mo.Ano ang gagawin mo ngayong may inuutos sya sa iyo?
A. Magbingi-bingihan lamang ako.
B. Pakikinggan ko lamang kung ano ang iniuutos niya.
C. Sasabihin ko sa kanya mamaya nalang po at may tinatapos pa ako.
D. Susundin ko sya kung ano ang inuutos nya sa akin dahil kuya ko sya.
8.Kaarawan ng iyong kuya sa isang Linggo.Paano mo maipakikita sa kanya ang iyong pagbati?
A. Babatiin ko siya kaagad ngayon palang.
B. Lilinisin ko ang paborito nyang sapatos.
C. Bibigyan ko sya ng paborito niyang prutas.
D. Sosorpresahin ko sya ng awiting maligayang kaarawan.
9.May sakit ang nanay mo kaya hindi sya nakakapaglinis.Ano ang gagawin mo?
A. Ako na muna ang maglilinis habang may sakit pa siya.
B. Liligpitin ko lamang ang mga kalat sa aking silid.
C. Hintayin kong gumaling si nanay para siya na ang maglinis.
D. Sasabihin ko kay ate na maglinis siya.
10.May bagong dating kayong kamag-anak. Paano mo sya pakikitunguhan?
A. Hindi ko na muna sila papansinin .
B. Babatiin ko siya at magkukwentuhan kami.
C. Tatanungin ko siya agad ng mga bagay bagay.
D. Tatanungin ko siya tungkol sa pamilya niya sa probinsiya.
