WorksheetsMahabang Pagsusulit sa Araling Asyano (Week 1 N 2)
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya?
A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan.
C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman.
D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.
2. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang subregions, ang Mainland Southeast Asia at Insular Southeast Asia. Kung ikaw ay nakatira sa Vietnam, sa anong subregion ka napapabilang?
A. Mainland Southeast Asia
B. Insular Southeast Asia
C. Inner Asia
D. Sentral Asia
3. Ang rehiyong ito ay kilala rin sa katawagang Inner Asia o Central Asia?
A. Timog Asya
B. Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Kanlurang Asya
4. Alin sa sumusunod na bansa ang bumubuo sa rehiyon ng Timog Asya?
A. Oman, Yemen at Israel
B. China, Japan at Taiwan
C. Tajikistan, Azerbaijan at Georgia
D. Nepal, Bhutan at Afghanistan
5. Alin sa sumusunod ang isinasaalang-alang sa paghahating heograpiko ng rehiyon sa Asya?
A. Isinaalang-alang sa paghahating heograpiko ang porma ng anyong lupa at anyong tubig sa lugar.
B. Isinasaalang-alang ang klima at panahon ng isang lugar.
C. Isinasaalang-alang ang aspektong historikal, kultural at heograpikal.
D. Isinasaalang-alang ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal
6. Ano ang Pagkakapareho ng ng mga katangiang pisikal na matatagpuan sa
Pilipinas ayon sa nabasang teksto?
A. Anyo
B. Lawak
C. Lugar
D. Sukat
7. Ano ang tawag sa uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at
kagubatan at karaniwang makikita sa bansang Myanmar at Thailand na
nasa Timog-Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?
A. Prairie
B. Savanna
C. Taiga
D. Tundra
8. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa
pamumuhay ng mga Asyano?
A. Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa ma pananim
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensang isang lugar.
D. Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao.
9. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho
B. Ilog ng Lena
C. Ilog ng Amu Darya
D. Yangtze
10. Ano ang tawag sa uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted
short grasses?
A. Steppe
B. Prairie
C. Taiga
D. Savanna
11. Kung ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra, alin sa sumusunod ang pangunahing produkto ng Malaysia?
A. Tanso
B. Liquefied petroleum gas
C. Telang silk o sutla
D. Sibuyas, ubas at mansanas
12. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?
A. Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.
B. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.
C. Ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.
D. Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan
13. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?
A. Langis ng niyog at kopraPalay at Trigo
B. Natural gas at Liquefied gas
C. Palay at Trigo
D. Tilapia at Bangus
14. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?
A. Yamang Lupa
B. Yamang Tubig
C. Yamang Gubat
D. Yamang Mineral
15. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa Hilagang Asya ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga naninirahan dito?
A. Pangingisda
B. Pagmimina
C. Pagsasaka
D. Pagpipinta
16. Ito ang tawag sa malalaking masa ng lupa na bumubuo sa mga bansa.?
A. KONTINENTE
B. BUNDOK
C. BULUBUNDUKIN
D. TALAMPAS
17. Ito ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.?
A. ASYA
B. ANTARCTICA
C. AMERICA
D.
AFRICA
18. Ito ay tawag rin sa rehiyon ng hilagang Asya.
A. MIDDLE-EAST
B. CENTRAL ASIA
C. EURASIA
D. TAN COUNTRIES
19 Ito ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig na matatagpuan sa Asya.
A. MT. APO
B.MT. EVEREST
C. MT. K2
D. MT. HINDU KUSH
20. Ito ang pinakamalawak na disyerto sa Asya na matatagpuan sa pagitan ng Mongolia at China.
A.SAHARA DESERT
B. SYRIA DESERT
C. GOBI DESERT
D. KARAKUM DESERT
21. Ito ang sinasabing kawangis ng daigdig makikita rin dito ang kinapaparoroonan ng mga bansa sa daigdig
A. Mapa
B. Astrolabe
C. Compass
D. Globo
22. Ito ang pinakamalalim na lawa sa daigdig
A.LAWA NG BAIKAL
B.
LAWA NG LAGUNA
C. LAWA NG TAAL
D. LAWA NG CASPIAN
23. Ito ang pinakamalaking lawa sa daigdig
A. DEAD SEA
B. PHILIPPINE SEA
C. CASPIAN SEA
D. SULU SEA
24. Ito ang pinakamalaking archipelago sa buong mundo.
A.
PILIPINAS
B. INDONESIA
C. MALAYSIA
D. THAILAND
25. Ang mga sumusunod ay ang mga karagatang na nakapaligid sa Asya, MALIBAN sa_______.
A. KARAGATANG PASIPIKO
B. KARAGATANG INDIAN
C. KARAGATANG ARKTIKO
D. KARAGATANG ATLANTIKO
26. Ano ang Kabisera ng Pilipinas?
A. Seoul
B. Beijing
C. Quezon City
D. Manila
27. Ito ang bansa na isa sa may pinakamaraming populasyon sa daigdig na matatagpuan sa timog asya.
A.
SRI LANKA
B.INDIA
C.
CHINA
D. PILIPINAS
28. Ito ang pinakamataas na talampas sa daigdig.
A. TALAMPAS NG BAGUIO
B. TALAMPAS NG BUKIDNON
C. TIBETAN PLATEAU
D. TALAMPAS NG HIMALAYAS
29. Ito ang Rehiyon sa Asya na kinabibilangan ng Pilipinas.
A. TIMOG SILANGANG ASYA
B. TIMOG KANLURANG ASYA
C. TIMOG ASYA
D. SILANGANG ASYA
30. Ang mga sumusunod na ilog ang pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya MALIBAN SA _________
A. HUANG HO
B. NILE RIVER
C. TIGRIS AT EUPHRATES
D. ILOG INDUS
