NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
___ 1. Ang magkamag-aral ay may pagsusulit bukas.
A. susunod na araw
B. hindi nakasara
Naiwan niyang bukas ang pinto.
A. susunod na araw
B. hindi nakasara
Magtulungan tayo sa lahat ng oras.
A. kasalungat ng upo
B. ikaw, ako at iba pa
“ Tayo!” malakas na sigaw ng nagagalit na pulis
A. kasalungat ng upo
B. ikaw, ako at iba pa
Huwag na kayong lalabas dahil gabi na.
A. isang uri ng halamang-ugat
B. madilim na paligid bunga ng paglubog ng araw
Lalong masarap ang sinigang kung may gabi.
A. isang uri ng halamang-ugat
B. madilim na paligid bunga ng paglubog ng araw
7. Malaki ang kita ng tatay kaya masaganang namumuno ang mag-anak.
A. pera mula sa hanapbuhay
B. ikaw
8. Sasamahan kita sa palengke bukas.
A. pera mula sa hanapbuhay
B. ikaw
9. Huli na naman sa klase si Alona.
A. di-nakarating sa takdang-oras
B. dakip; arestado
___ 10. “Huli ka!” sigaw ng pulis sa lalaking naabutang nagbubukas ng bahay ng may bahay.
A. di-nakarating sa takdang-oras
B. dakip; arestado
11. Nagulat ang lahat nang kumalat ang balita na may sakit si Kalapati. Mabigat ang sakit niya; hindi siya makakain at hindi makagalaw. Kaagad siyang pinuntahan ni Aso. Dinalhan siya nito ng pagkain na maaari niyang kainin habang hindi pa siya malakas.
Tukuyin ang Paksang Diwa ng Kuwento.
A. Pagkakasakit ni Kalapati
B. Pagkakasakit ni Kabayo
C. Pagkakasakit ni Aso
D. Ang pagkagulat ng lahat
12. Pauwi na siya nang masalubong niya si Kabayo. Mabigat ang dala-dala ni Kabayo. Halos hindi na siya makabuhat. Kaagad siyang tinulungan ni Aso. Binawasan ni Aso ang dalahin ni Kabayo at pinasan ito hanggang makarating sila sa tahanan nito.
Tukuyin ang Paksang Diwa ng Kuwento.
A. Problema ni Kabayo
B. Ang Pagtulong ni Aso kay Kabayo
13. Isang umaga habang naglalakad si Aso. Narinig niya ang sigaw ni Kalabaw. Kaagad niyang tinungo ang kinaroroonan ni Kalabaw. Nahulog pala ito sa malaking hukay.
Tukuyin ang Paksang Diwa ng Kuwento.
A. Ang pagkahulog ni Kalabaw
B. Ang Kamalasan ni Kalabaw
14. Nagtungo si Aso sa kinaroroonan ng iba pang hayop. Kinausap niya ang mga ito at pinakiusapan na tulungan si Kalabaw. Hindi naman siya nabigo. Sama-sama silang nagtungo sa kinaroroonan ni Kalabaw. Humigit sila ng baging upang gamitin ito sa pag-ahon kay Kalabaw mula sa kinahulugan nito.
Tukuyin ang Paksang Diwa ng Kuwento.
A. Pagtutulungan ng mga hayop
B. Nabigo si kalabaw
15. Nagpulong-pulong ang mga hayop kung paano nila matutulungan si Aso. Bumalik sa kanilang alaala ang mga panahon na ipinakita sa kanila ni Aso ang pagiging matulungin nito sa kapwa hayop.Ang isa’t isa ay nagkaisa na gagawa sila ng paraan upang matulungan si Aso sapagkat para sa kanila maituturing na isang bayani si Aso sa dami ng kanyang mga natulungang hayop.
Tukuyin ang Paksang Diwa ng Kuwento.
A. Ang pagtulong ng mga hayop kay Aso
B. Ang pagbabalik ni Aso
16. Sa sandaling tumaas ang presyo ng langis, tataas din ang pamasahe. Tataas din ang halaga ng iba’t ibang produkto. Sadyang malaki ang epekto ng halaga ng langis sa ating kabuhayan.
Ano ang paksa ng talata?
A. Ang halaga ng iba’t ibang produkto
B. Pagtaas ng presyo ng langis
17. Laoag ang pangunahing lungsod sa Hilagang Luzon. Liwanag ang ibig sabihin ng salitang Laoag. Ito ang sentro ng pangangalakal sa lalawigan ng Ilokos. Labindalawang oras lamang itong takbuhin ng sasakyan mula sa Maynila.
Ano ang paksa ng talata?
A. Sentro ng pangangalakal ang Laoag.
B. Layo ng Laoag sa Maynila
18. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matututunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
Ano ang paksa ng talata?
A. Mga kahalagahan ng aklat
B. Lahat ng bagay ay matututunan natin
19. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba’t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.
Ano ang paksa ng talata?
A. Kilalang kilala ang lungsod.
B. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.
20. Ang araw ng mga puso ng mga puso ay masayang ipinagdiriwang, tuwing ika-14 ng Pebrero. Lahat tayo ay hindi nalilimutan ang araw ng mga puso dahil isa ito sa pinakamahalagang okasyon. Karamihan ang mga ibinibigay natin sa mga kaibigan, pamilya at sa ating mga iniibig ay ang mga rosas, tsokolate, kard at marami pang iba.
Ano ang paksa ng talata?
A. pinakamahalagang okasyon
B. Araw ng mga puso
