Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Summative Test

Total questions: 8

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Nadaanan mo ang grupo ng mga lalaking nagkukuwentuhan sa kalye. Narinig mong pinag-uusapan ang anak ng inyong kapitbahay. Ito raw ay dalawang araw ng nawawala. Nais mong makatulong sa paghahanap ngunit hindi mo pa alam ang totoong nangyari. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Itatanong ko sa aking nanay kung totoo ang aking

narinig.

b)

Pupunta ako sa bahay ng nawawalang bata upang

tanungin ang kanyang magulang.

c)

Ite-text ko siya upang tanungin kung totoong nawawala

siya

d)

Ipamamalita ko rin sa iba na siya ay nawawala.

2.

Sinabi sa patalastas na iyong narinig na masarap ang juice na binibenta sa isang grocery sa inyong lugar. Dahil dito, nahikayat ka at nais mo ring bumili nito. Paano ka nakasisiguro na masarap at ligtas ang produkto?

a)

Itanong sa mga kaklase kung masarap ito.

b)

Bumili kaagad upang matikman.

c)

Kumbinsihin ang nanay na ito ang ipabaon sa iyo.

d)

Ikonsulta sa magulang kung maaaring bumili nito

3.

May paboritong programang pantelebisyon si Mar na sinusubaybayan araw-araw. Hangang-hanga siya sa pangunahing tauhan dahil magaling ito sa kaniyang pakikipaglaban sa kaaway. Hindi siya natatalo, nais niya itong tularan. Bilang isang kaibigan, ano ang sasabihin mo kay Mar?

a)

Itatanong kung anong oras ipinalalabas ang programa.

b)

Magiging astig siya kapag tinularan ang pangunahing

tauhan.

c)

Hindi lahat ng ipinakikita sa palabas ay totoo at

maaaring

mangyari sa totoong buhay.

d)

Ihinto na ang panonood ng palabas na ito sa telebisyon.

4.

Oras ng recess. Aksidente mong nabuhos ang juice sa bag ng iyong kaklase. Paano mo sasabihin sa kanya ang nangyari?

a)

“Pasensiya ka na. Hindi ko sinasasadyang mabuhusan

ang bag mo. Hayaan mo at ito ay pupunasan ko ng aking

panyo.”

b)

“Bakit ba kasi diyan mo lang nilalagay iyang bag mo?

Hayan tuloy, nabuhusan ko.”

c)

“Sana hindi mo nilagay dito sa tabi ko ang bag mo para

hindi ko ito nabasa.”

d)

Ilipat mo na lang sa ibang upuan itong bag mo kasi

nabasa na.”

5.

Nakita mong nagpapasahan ng bola sina Edgar at Roy sa labas ng inyong silid aralan. Natamaan ng bola ang salaming bintana kaya ito ay nabasag. Ano ang sasabihin mo sa inyong guro na alam mong magagalit sa inyong klase kapag nalaman ito?

a)

“Ma’am, hindi ko po alam kung sino ang nakabasag

niyan kasi dito lang naman ako sa loob ng silid-aralan.”

b)

“Ma’am, sina Edgar at Roy po ang nakatama niyan

kanina habang sila ay nagpapasahan ng bola.”

c)

“Ma’am, mga taga-ibang seksyon po siguro ang nakabasag niyan kanina sa kanilang pagdaan dito.

d)

“Ma’am, siguro po sina Ana at Lisa ang nakabasag kasi

sila po ang nagtatakbuhan kanina.”

6.

Naabutan mong pinapagalitan ng iyong tatay ang kapatid mo dahil nakita niyang sira ang gripo sa inyong lababo. Alam mong ikaw ang nakasira nito. Paano mo sasabihin sa iyong tatay?

a)

“Sila po, Tatay ang nag iwan niyan kaya dapat lang na

sila ay pagalitan.”

b)

“Hindi ko po alam na babahain tayo dito kapag iniwan ko

lamang ang gripong sira.”

c)

“Ako po, Tatay ang may kasalanan kaya huwag mo na po

silang pagalitan.”

d)

“Pasensiya na po, Tatay at hindi ko agad nasabi sa inyo

na nasira ko ang gripo kanina habang ako ay naliligo.”

7.

Ano ang dapat mong gawin upang masabi ang katotohanan

anuman ang maging bunga nito?

a)

Magsasabi ng katotohanan lamang.

b)

Gumawa ng sariling kuwento upang pagtakpan ang

katotohanan.

c)

Sasabihin ang ibang alam na katotohanan.

d)

Hayaang sa iba manggaling ang katotohanan.

8.

Saan karaniwang nagmumula ang impormasyong nakakalap sa ating paligid?

a)

Mula sa usap-usapan ng mga kapitbahay

b)

Sa mga pang-araw-araw na nangyayari sa ating paligid

c)

Sa balita, patalastas na nabasa o narinig, at sa telebisyon

d)

Mula sa sinasabi ng matalik na kaibigan