WorksheetsFirst Quarter Test in ESP
Total questions: 50
Worksheet time: 13hrs 30mins
Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na misa. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang gagawin mo?
Makisabay ka sa pagsigaw
Sawayin sila at pagsabihang tumahimik
Aawayin ko sila
Pabayaan sila dahil “trip” nilang sumigaw
Ayon sa gintong kautusan, ano ang dapat mong gawin sa iba?
Mabuting gawa
Masamang gawa
Walang gagawin
Huwag isipin ang kautusan
Si Gng, Mendez ay isang mabuting Kristiyano at palaging nagsisimba tuwing Linggo. Nakasuot siya ng ____ bilang paggalang sa Panginoon.
short at sleeveless
pormal na damit
mini - skirt
backless
Gustong sumali sa inyong grupo si Marvin na isang Sabadista. Dahil dito inayawan siya ng iyong kagrupo. Ano ang dapat mong sabihin sa kaniya?
Opps” di ka pwede sa aming grupo
Halika, welcome ka sa grupo
Alis, ayaw namin sa Sabadista
Layas, di ka bagay dito
Ang mga Kristiyano ay nangingilin sa panahon ng Mahal na Araw, ang mga Muslim naman ay nagpupuasa tuwing .
Ramadan
Kuwaresma
Misa de Gallo
Araw ng mga Patay
Isang Muslim si Kareem na kaibigan ni Alex. Araw ng Biyernes , isinama ni Kareem si Alex sa loob ng Moske. Ano ang dapat gawin ni Alex?
Sasama siya ngunit magtext sa loob
Sasama at makinig sa sinasabi ng Imam
Matutulog sa loob ng moske
Pagtawanan ang paraan ng kanilang pagsamba
Pista sa Parokya. Inanyayahan ka ng iyong kapitbahay na sumali sa prusisyon ngunit hindi ka naman Katoliko. Ano ang dapat mong sabihin?
Ay, ayoko, di naman ako Katoliko
Sasali ako kahit na labag sa kalooban ko
Hindi ako sasali ngunit igagalang ko ang inyong pananampalataya
Kukutyain ko kayo sa inyong ginagawa
Nagkatay kayo ng baboy bilang pasasalamat ng ate mo na galing sa abroad. May inanyayahan siyang kaibigan na isang Muslim. Pagdating sa oras ng kainan, ano ang gagawin mo?
Pabayaan siya na kumain ng putaheng baboy
Ipagtabi siya ng putaheng pwede niyang makain
Paalisin na lang siya
Hindi na lang siya pakainin
Paano mo ipapakita ang paggalang sa pook dalanginan ng mga Iglesia ni Cristo, kahit hindi ka kaanib?
Umawit nang malakas sa harapan ng pook dalanginan
Maglaro ng basketol habang nagsisimba
Sulatan ang dingding at pinto ng bahay sambahan
Iwasan ang paglikha ng ingay malapit sa pinto
Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Manalig tayo sa Kanya. Ang taong may __________ay hindi natatakot.
matapang
pagtitiwala sa Diyos
pagbabalewala
pagdarasal sa buong araw
Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok na makakasira sa ating kapaligiran. Alin ang nararapat na gawin?
Ipaayos ang makina ng kotse
Ibenta dahil luma na
Ipadala sa junkshop
Ipagwalang bahala ito
May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga nito, nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang dapat mong gawin?
Balewalain ang masamang epekto
Tumangging sumali sa kilusan
Tumangging sumali agad
Masigasig na lumahok sa kilusang ito
Nagpasiya ang mag-anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
Hindi, dahil sa masamang epekto nito
Oo, sayang ang kikitain nito
Bahala na ang mga apektado nito
Balewalain ang pumupuna
May inilunsad na gawaing pansibiko na “Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang iyong gagawin?
Makilahok sa mga gawaing ito
Sasali dahil may malaking pera dito
Sasali dahil sa sariling interes
Hindi dahil nakakapagod
Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?
Pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito
Isumbong sa kapitan ng baragay
Awayin mo siya Pabayaan lang siya
Naglalakad ka papunta sa silid-aklatan nang makita mo ang isang batang nagtatapon ng balat ng saging sa daanan, Ano ang iyong gagawin?
Isumbong sa punong guro
Pagsabihang pulutin dahil maging sanhi ito ng aksidente
Pagalitan siya
Murahin siya
Nakita mong gumagamit ng bawal na gamot ang anak na iyong kapitbahay. Ano kaya ang magagawa mo para matulungan siya?
Isusumbong sa guro
Sasabihin ang nakita sa kanyang magulang
Pagalitan siya
Isumbong sa pulis
Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang nanay na pumunta sa palengke. Alin dito ang iyong gagawin?
Manood muna ng telebisyon
Gagawa ng takdang- aralin
Magluluto muna bago manood
Matutulog muna bago magluto
Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maaari mong gawin?
Pabayaan silang di-magkasundo
Gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo
Awayin mo silang dalawa
Sigawan mo sila
Tanghali na at hindi pa dumating si nanay buhat sa palengke. Wala pang sinaing at nais mong makatulong. Alin sa mga ito ang dapat mong gawin?
Magpaturo kung paano magsaing sa kapitbahay
Hihintayin si nanay baka magkamali
Utusan ang kapatid na siyang gumawa
Walang gagawin
Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?
Magbigay agad ng pasya
Iisipin o isaalang-alang ang mga tao sa paggawa ng pasya
Magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
Pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya
Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris ay mahirap lamang. Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?
Si Kris dahil siya ay may higit na pangangailangan
Si Rose dahil gustong-gusto niya ang regalo
Si Rose dahil siya ay mayaman
Magbunutan sila kung sino ang bibigyan
Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng doctor. Nagpasya siyang manirahan sa Amerika. Tama ba ang desisyon niya?
Tama, dahil mataas ang sahod doon
Tama, dahil masarap manirahan sa abroad
Hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo
Hindi, dahil baka ma “KARMA” siya
Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit marami kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?
Ipagwalang bahala ito
Dadalo dahil nakapangako ka
Hahanap ng idadahilan
Ipagpapatuloy ang gagawin
Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
Kagalitan ang bata
Ipagtabuyan ang bata
Bigyan ng pagkain ang bata
Murahin ang bata
Igalang natin ang ____________ o pook sambahan ng mga Muslim.
Kapilya
Katedral
Ermita
Moske
Ang pagdalo sa ______________ ay isang tungkulin na kusang ginagampanan ng mga Katoliko sa madaling araw tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Ramadan
Mesa de Gallo
Araw ng mga Puso
A at C
Tuwing araw ng Linggo, sabay-sabay na nagsisimba ang mag-anak ni Mang Andoy? Bakit kaya sila nagsisimba?
Wala silang magawa sa bahay
Magpasalamat sa mga biyayang natanggap
Mag-usyoso sa simbahan
Ipakita ang magagarang damit
Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa Diyos?
Pagmamahal sa kapwa
Pagbibigay ng pagkain
Pagdarasal sa buong araw
Pagbabale-wala sa kapwa
Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketboll sa araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?
Tutulong muna sa paglilinis bago manglaro
Maglaro ng basketbol dahil naghihintay ang barkada
Tutulong na nakasimangot
Tutulong pero magdadabog
Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
Tumulong upang solusyonan ang problema
Ipagwalang-bahala ang problema
Tawanan ang problema
Gawin nang wasto at angkop na solusyon sa problema
Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang ang karapatang ito?
Kumain ng junk foods araw-araw
Uminom ng softdrinks araw-araw
Uminom ng gatas, kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw
Iwasan ang pagkain ng gulay at prutas
Gusto mong mapaunlad nang maayos ang ating bansa. Ano ang tungkulin ng mamamayan na dapat nating sundin?
Walang pakialam sa mga tungkulin ng gobyerno
Sumunod lamang kung sinasabi ng gobyerno
Pagbayad ng buwis sa takdang panahon
Pagbabawas ng halaga sa dapat bayaran
Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral?
Gawin ang mga gawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro
Gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin
Pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin
Pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera
Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa magulang?
Ang pagkawalang bahala sa kanyang gawain
Ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain
Ang pagkamainisin sa kanyang gawain
Ang pagkamatiyaga sa kanyang gawain
Ano ang dapat isaisip kapag kailangang gumawa ng isang desisyon o pagpasya?
Pansariling kapakanan lamang
Makabubuti para sa iyo at sa lahat
Sasabihin ng iba
Kapakanan lamang ng iba
Kung gagawa ng pagpapasya sa isang bagay o sitwasyon na kinakaharap dapat na _______.
Suriin ang mga impormasyon na kailangan bago magpasya
Madaliin ang pagpapasya
Ipaubaya ang pagpapasya sa iba
Huwag nang makialam sa pagbibigay ng pasya
Bakit kinakailangan na suriin muna ang mga bagay- bagay at pangyayari bago magdesisyon?
Upang hangaan ng iba
Upang makapagbigay ng tamang pasya
Upang maging mananaliksik
Upang maging sikat sa lahat
Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon ay tanda ng pagiging ___.
Matapat
Magalang
Masipag
Matulungin
Makakamit mo ang iyong pangarap kung ikaw ay magiging ____.
Matapat
Magalang
Masipag
Matulungin
Ang pagharap sa problema ng buong tapang at may pananalig sa Diyos ay tanda ng pagkakaroon ng ____.
Katatagan ng loob
Kayabangan
Kahinaan ng loob
Kawalan ng pakialam
Ang pagiging kalmado at pag -iwas sa anumang uri ng gulo ay tanda ng _______.
Pagkamatiyaga
Pagmamahal ng katotohanan
Pagkakaroon ng bukas na kaisipan
Pagkamahinaon
Ang pagtanggap ng anumang uri ng pagbabago sa buhay nang maluwag sa kalooban ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng ______.
Bukas na isipan
Tiyaga
Mapanuring pag–iisip
Kahinahunan
Ang bakuran ni Mang Rolly ay katabi ng isang eskinita na patungo sa marami pang mga kabahayan sa looban. Dahi sa dalas ng sunog na nangyayari sa kanilang lugar, pinakiusapan siya ng mga opisyal ng barangay na bawasan ng kaunti ang kanyang bakuran upang makadaan ang trak ng bumbero kapag nagkasunog. Noong una ay atubili pa siyang pumayag dahil liliit ang kanyang espasyo ngunit sa kanyang pagsusuri ay napagtanto niyang marami ang masasalanta kapag hindi siya pumayag. Agad na tumalima si Mang Rolly at binawasan ang kanyang bakuran upang lumaki ang dating masikip na eskinita.
Tanong: Ano ang hiniling ng mga opisyal ng barangay kay Mang Rolly?
Ipasara ang eskinita
Magsilbing bilang bumbero
Lisanin ang kanilang barangay
Bawasan ng espasyo ng kanyang bakuran
Ang bakuran ni Mang Rolly ay katabi ng isang eskinita na patungo sa marami pang mga kabahayan sa looban. Dahi sa dalas ng sunog na nangyayari sa kanilang lugar, pinakiusapan siya ng mga opisyal ng barangay na bawasan ng kaunti ang kanyang bakuran upang makadaan ang trak ng bumbero kapag nagkasunog. Noong una ay atubili pa siyang pumayag dahil liliit ang kanyang espasyo ngunit sa kanyang pagsusuri ay napagtanto niyang marami ang masasalanta kapag hindi siya pumayag. Agad na tumalima si Mang Rolly at binawasan ang kanyang bakuran upang lumaki ang dating masikip na eskinita.
Tanong: Bakit kinakailangan niyang isakripisyo ang kaunting bahagi ng kanyang espasyo?
Malaki ang ibabayad sa kanya
Marami ang maaapektuhan kapag nagkasunog sa kanila
Takot siya sa mga sa mga nakatira sa kanilang lugar
Malaki ang kanyang utang na loob sa opisyal ng barangay
Lahat tayo ay anak Diyos. Sa mata ng Diyos, ang mahirap at _______________ ay pantay-pantay
Bibliya
gawa
paroroonan
totoo
mayaman
Ang pagbabasa ng ______________ o salita ng Diyos ay nakapagpapalakas ng loob.
Bibliya
gawa
paroroonan
totoo
mayaman
Ang taong di-marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa____.
Bibliya
gawa
paroroonan
totoo
mayaman
Nasa Dios ang awa, nasa tao ang______.
Bibliya
gawa
paroroonan
totoo
mayaman
Ang batang matapat ay nagsasabi ng __.
Bibliya
gawa
paroroonan
totoo
mayaman
