wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST FILIPINO 10

Total questions: 20

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

1. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?

a)

A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.

b)

B. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.

c)

C. May taglay na talinghaga.

d)

D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.

2.

_____ 3. Alin sa sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?

a)

A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.

b)

B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.

c)

C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.

d)

D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa

3.

_____ 4. Mabuti bang taglayin ng tao ang katangian ng Diyos?

a)

A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.

b)

B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kaninaan ng tao.

c)

C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.

d)

D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.

4.

_____ 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”

a)

A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.

 

b)

B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.

c)

C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.

d)

D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

5.

  6. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang taong nag-uusap. Ang marunong na si __________ at si ____________.

a)

A. Socrates at Plato

b)

B. Plato at Glaucon

c)

C. Socrates at Glaucon

d)

D. Glaucon at Pluto

6.

7. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag?

 

a)

A. elemento ng kalikasan

b)

B. edukasyon at katotohanan

c)

C. kabutihan ng puso

d)

D. kamangmangan at kahangalan

7.

. 8.“Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.” Paano binigyan-kahulugan ang salitang kadena sa loob ng pangungusap?

 

a)

A. nagtataglay ng talinghaga

b)

B. maraming taglay na kahulugan

c)

C. taglay ang literal na kahulugan

d)

D. wala sa nabanggit

8.

9. Ang pinakamatandang epiko sa buong mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.

a)

A. Beuwulf

b)

B. Ibalon

c)

C. Gilgamesh

d)

D. Iliad at Odyssey

9.

10. Si Julian ay naging manhid sa asawa at parang walang pakialam. Ang nasalungguhitan ay nagsasaad ng ______________.

a)

A. Kinalabasan

b)

B. Pagbubukod

c)

C. Pagdaragdag

d)

D. Pasubali

10.

11. Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang pagdugtungin o pag-ugnayin ang mga pangungusap?

_____

a)

A. Kohesyong Gramatikal

b)

B. Mga Kohesyong Pahayag

c)

C. Kohesyong Reperens

d)

D. Gramatikal na Pahayag

11.

12. Ito ay reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.

a)

A. Anapora

b)

B. Anapora at Katapora

c)

C. Katapora

d)

D. Kohesyon

12.

_____ 13. Ito ay reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.

a)

A. Anapora

b)

B. Anapora at Katapora

c)

C. Katapora

d)

D. Kohesyon

13.

14. Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan?

a)

A. kuwentong makabanghay

b)

B. kuwento ng katutubong-kulay

c)

C. kuwento ng tauhan

d)

D. kuwento ng kababalaghan

14.

15. Sa pangungusap na “Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasiyahan.” Aling salita ang tumutukoy sa panghalip na sila?

a)

A. Sopistikado

b)

B. France

c)

C. kasayahan

d)

D. Taga-France

15.

16. Ang kuba ng Notre Dame ay tinanghal bilang ____________________. A.

a)

A. Hari ng Roma

b)

B. Hari ng Notre Dame

c)

C. Papa ng Notre Dame

d)

D. Papa ng Kahangalan

16.

“Nagmakaawa siya na bigyang siya ng tubig subalit bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya.” Sinong tauhan ang tinutukoy ng panghalip na siya?

a)

A. Esmeralda

b)

B. Frollo

c)

C. Gringoire

d)

D. Quasimodo

17.

18. “Si Mathilde ay nagtagumpay sa gabing iyon. Siya ay nagningning sa piging.” Anong kohesiyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?

a)

A. Anapora

b)

B. Katapora

c)

C. Panghalip

d)

D. Pangngalan

18.

19. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang epiko?

a)

A. Nababasa sa isang upuan lamang

b)

B. Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan

c)

C. Nagpapakita ng kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.

d)

D. Nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa tao.

19.

20. Alin sa sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?

a)

A. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan

b)

B. may mga talinghaga o nakatagong mensahe

c)

C. nagpapahayag ng damdamin

d)

D. nagpapahayag ng kabayanihan

20.

_____ 2. Ang sumusunod ay katangian ng mitolohiya ng mga Roman MALIBAN SA ISA.

a)

A. Kadalasang pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad.

b)

B. Hinalaw nila ang kanilang mitolohiya sa mga Greek.

c)

C. Naging pambansang epiko ng mga Roman ang Iliad at Odyssey.

d)

D. Kabayanihan ang kadalasang tema ng kuwento.