wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EKONOMIKS Summative Test

Total questions: 36

Worksheet time: 48mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.

(a)  

2.

Ito ay isang uri ng pamamaraan na kinabibilangan ng produksyon, pamamahagi at paggamit ng mga serbisyo o produkto sa pagitan ng mga tao na sakop ng isang lipunan, ito ay ang mga pamamaraang ginagamit ng isang partikular na bansa upang makalikha at makapamahagi ng mga serbisyo at produktong makakatulong sa nakararami lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.

(a)  

3.

Ito ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

(a)  

4.

Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

(a)  

5.

Ang distribusyon at paglikha ng produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga.

(a)  

6.

Ito ay kinapapalooban ng magkakaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.

(a)  

7.

Uri ng pamamahala sa command economy kung saan ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay nasa kamay ng pamahalaan lamang, sapagkat ang Estado ang nagmamay-ari sa pangunahing salik ng produksyon tulad ng lupa at kapital, gayundin ang pangunahing industriya.

(a)  

8.

Itinatakda ng pamahalaan ang (a)   ng mga manggagawa upang maging pantay ayon sa kanilang pangangailangan .

9.

Sa sistemang ito, sinasabing walang mayaman at mahirap, lahat ay pantay-pantay.

(a)  

10.

Ito ang nagsisilbing pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at prodyuser sa pamilihan sa market economy.

(a)  

11.

Sa market economy, ito ang nagbibigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na nangangalaga sa karapatan, ari-arian at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.

(a)  

12.

Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik (input) upang makabuo ng bagong produkto o output.

(a)  

13.

Tawag sa mga salik ng produksyon na ginagamit sa pagbuo ng produkto o mga bagay na kinakailangan upang mabuo ang produkto.

(a)  

14.

Ito ay tawag sa nabuong bagong produkto.

(a)  

15.

Ito ay tumutukoy sa taga-paglikha ng produkto at serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

(a)  

16.

Siya ang nagsabi sa kanyang aklat na hndi lamang paggawa, lupa nakabatay ang pagsulong ng ekonomiya bagkus kasama ang kapital.

(a)  

17.

Uri ng paggawa na gumamait ng lakas o enerhiya ng katawan.

(a)  

18.

Ang mas mataas ang antas na paggamit kaisipan kaysa sa lakas ng katawan.

(a)  

19.

Ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.

(a)  

20.

Ito ay salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na magdesisyon na magsimula ng isang negosyo.

(a)  

21.

Ito ay ginagamit upang makalikha ng mga produkto at makapaglikha ng panibagong produkto.

(a)  

22.

Ito ay mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto.

(a)  

23.

Naiibang katangiang taglay ng lupa.

(a)  

24.

Ang katawagang ito sa paggawang mental ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.

(a)  

25.

Tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.

(a)  

26.

Sila ay dapat na nagtataglay ng malikhaing pag - iisip, puno ng inobasyon at handa sa pgbabago,ayon kay Joseph Schumpeter na isang ekonomista.

(a)  

27.

Tawag sa kita ng isang Entreprenyur.

(a)  

28.

Ang bahagi ng pamahalaan na may kakayahang gumawa ng polisiya sa pagsasaayos ng salik ng produksyon.

(a)  

29.

Ang mahalagang salik ng produksyon na nakatuon sa mga lugar na kinatitirikan ng isang negosyo.

(a)  

30.

Tawag sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon.

(a)  

31.

Apat na Sistemang Pang - ekonomiya

4 lines
32.

Apat na Salik ng Produksyon

4 lines
33.

Dalawang uri ng Paggawa

4 lines
34.

Apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya

4 lines
35.

31 - 34 Mga sistemang kabilang sa market economy

4 lines
36.

Dalawang halimbawa ng bansang nagpapatupad ng COmmand Economy

4 lines