NEW
Font size
WorksheetsReview sa Ekonomiks
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ___________________.
pamamahala ng negosyo
pakikipagkalakalan
pamamahala ng tahanan
pagtitipid
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng kakapusan.
Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal na pagdedesisyon.
Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanyang kinahaharap.
Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
Ito ay tumutukoy sa isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito.
Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang pagpili ng mga bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng desisyon sa buhay.
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang kagustuhan mo sa buhay
Nakatutulong ang ekonomiks upang mas piliin ang kagustuhan kaysa pangangailangan
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa lipunan.
Tumutukoy sa isinasakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang higit na makabuluhang paggagamitan nito
Kakulangan
Kakapusan
Opportunity Cost
Trade-off
Ang mga sumusunod ay mga katanungang pang-ekonomiya maliban sa isa.
Ano ang gagawin?
Sino ang gagawa?
Paano ito gagawin?
Gaano karami ang gagawin?
Ano ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng kakapusan?
Patuloy na inobasyon ng teknolohiya
Patuloy na paglago ng sector ng industriya
Walang katapusang pangangailagan na tao
Kawalang importansiya ng pamahalaan sa ekonomiya
Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
Isaalang-alang ang trade-off at opportunity cost
Isaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon
Sa command na ekonomiya, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng:
Prodyuser
Konsyumer
Pamilihan
Pamahalaan
Ito ang tawag sa mga taong nagkakaloob ng serbisyo at nagbibigay ng proteksiyon sa mga feudal lord.
Hari
Vassals
Fief
Serf
Ang ilustrasyon sa ibaba ay tungkol sa produkyon. Ano ang tawag dito sa Ekonomiks?
Production Function
Law of Diminishing Returns
Total Product
Fixed Input
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng produksyon?
Pagkonsumo ng produkto
Pamimili ng produkto
Paglikha ng produkto at serbisyo
Paggamit ng likas na yaman
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang tao na nag-aaral ukol sa pagpili at pagdedesisyon ng mga tao at Lipunan at ang epekto nito sa buong ekonomiya.
Pilosopo
Ekonomista
Kapilista
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang tao na nag-aaral ukol sa pagpili at pagdedesisyon ng mga tao at Lipunan at ang epekto nito sa buong ekonomiya?
Pilosopo
Ekonomista
Kapitalista
Entrepreneur
Anong salik ng produksyon ang gumagamit ng mental at pisikal na lakas?
Kapital
Lupa
Paggawa
Entrepreneur
Sino ang nag-oorganisa at nagkokontrol sa mga salik ng produksyon?
Kapitalista
Entrepreneur
Manggagawa
Konsyumer
Ano ang tinatanggap ng entrepreneur matapos bawasan ang gastos?
Kita
Sahod
Tubo
Upa
Ano ang proseso ng pagpapalit-anyo ng input para maging output?
Konsumo
Produksyon
Pamumuhunan
Pagkonsumo
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng white-collar job?
Manggagawa sa pabrika
Mekaniko
Sekretarya
Magsasaka
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng blue-collar job?
Accountant
Construction worker
Abogado
Guro
Ano ang tawag sa produksyon na nakadepende sa manggagawa?
Capital-intensive
Mechanization
Labor-intensive
Automation
Alin sa mga sumusunod ang tawag sa produksyon na nakadepende sa kapital?
Division of labor
Capital-intensive
Labor-intensive
Manual labor
Ito ang isa uri sa pagkonsumo kung saan ang mamimili ay kaagad na natatamo ang kasiyahan ng tao sa paggamit ng produkto.
Maaksaya
Produktibo
Mapanganib
Tuwiran
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng konsyumer ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang kanilang kagustuhan.
Alokasyon
Pagkosumo
Kakapusan
Produksiyon
Bumili si Am-am ng iba't ibang laruan ngunit itinambak lang sa kaniyang silid. Anong uri ng pagkonsumo ang inilalarawan nito?
Maaksaya
Produktibo
Tuwiran
Mapanganib
Pumunta si Lola Lisadora sa Divisoria upang bumili ng tela para sa gown ng kanyang apo sa darating nitong kaarawan. Anong uri ng pagkonsumo ang ipinahihiwatig nito?
Maaksaya
Produktibo
Tuwiran
Mapanganib
Ano ang tawag sa law na nagpapakita na habang dinadagdagan ang input, dumarating ang punto na bumababa ang output?
Law of Supply
Law of Demand
Law of Diminishing Marginal Return
Law of Production
Alin sa mga sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay ang pakikipagsapalaran ng negosyo?
Interes
Subsidy
Sahod
Tubo o profit
Ang paggawa ay mahalaga sa produksiyon dahil:
Sila ang gumagamit ng produkto
Sila ang lumilikha ng produkto at serbisyo
Sila ang nagbabayad ng buwis
Sila ang namumuhunan
Paano nakatutulong ang paggamit ng makinarya sa produksiyon?
maraming hilaw na sangkap ang magagamit
maraming output ang mabubuo
mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangiang taglay ng isang entrepreneur?
puno ng inobasyon
maging malikhain
may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng capital sa proseso ng produksiyon?
Interes
Kita
Pera
Regalo
Tumataas ang konsumo ng ice cream at halo-halo tuwing tag-init dahil sa mainit na panahon.
Pag-aanunsyo
Panahon
Okasyon
Presyo
Kita
Si Ana ay bumili ng sapatos na katulad ng sapatos ng kanyang kaibigan dahil gusto niyang maging pareho sila.
Panggagaya
Pag-aanunsyo
Presyo
Kita
Okasyon
Si Mang Juan ay nagplano ng handaan para sa ika-60 kaarawan ng kanyang asawa.
Presyo
Kita
Okasyon
Pag-aanunsyo
Pagpapahalaga ng Tao
Bumili si Liza ng sabon matapos mapanood ang paborito niyang artista na iniendorso ito sa telebisyon.
Okasyon
Kita
Presyo
Pagpapahalaga ng Tao
Pag-aanunsyo
Mas pinipili ni Carlo na bumili muna ng bigas at de lata kaysa sa sapatos dahil inuuna niya ang pangunahing pangangailangan.
Pag-aanunsyo
Presyo
Pagpapahalaga ng Tao
Okasyon
Kita
Bumababa ang porsyento ng kita na ginagastos sa pagkain kapag lumalaki ang kinikita ng tao, ayon sa Engel's Law.
Pagpapahalaga ng Tao
Okasyon
Kita
Presyo
Pag-aanunsyo
Si Rosa ay hindi bumili ng bagong bag dahil masyado itong mahal para sa kanyang budget.
Okasyon
Presyo
Pag-aanunsyo
Pagpapahalaga ng Tao
Kita
Bumili si Marco ng jacket at mainit na kape dahil malamig ang panahon.
Pag-aanunsyo
Panahon
Kita
Presyo
Okasyon
