wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ekonomiks 9 ( Reviewer)

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

1.    Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

a)

a.    Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.

b)

    Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.

2.

1.    Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?

a)

a.  Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo

b)

b. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo

c)

c.    Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer

d)

d.    Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer

3.

1.    Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula sa itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng_________________________________.

a)

a.    Walang kaugnayan ang demand sa presyo

b)

b.    Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand

c)

c.    Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

d)

d.    Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

4.

4.    Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon and quantity demanded kahit pa tumataas ang presyo, ano ang ipinahiwatig nito?

a)

a.    May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito makbibili parin tayo ng alternatibo para ditto.

b)

b.    Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan maaari ng ipagpaliban muna ang pagbili nito.

c)

c.    May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit.

d)

d.    May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.

5.

5.    Si Juanito ay nakagawian na bumili ng bananacue tuwing recess. Nang  minsang tumaas ng tatlong piso ang paborito niyang bananacue, hindi na muna siya bumuli sahalip ay naghanap na lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang ipinahiwatig ng quantity demanded ni Juanito para sa bananacue?

a)

a.    Ang quantity demanded sa bananacue ay hindi-elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng Malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananaque.

b)

b.    Ang quantity demanded sa bananaque ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng Malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananaque.

c)

c.    Ang quantity demanded sa bananaque ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na quantity demanded sa bananaque ay kasing dami ng quantity demanded sa pamalit na bananaque ni Juanito.

d)

d.    Ang quantity demanded sa bananaque ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makatagal si Juanito na hindi kumain ng bananaque sa loob ng isang linggo.

6.

8.    Anong pamamaraan sa konsepto ng demand na nagpapakita ng talaan sa dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo?

a)

a. Demand Curve

b)

b. Demand Schedule

c)

c. Demand at Supply

d)

   d. Demand Function

7.

6.    Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung papaano matutugunan ang walng katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin sa prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?

a)

a. Demand

b)

b. Ekwilibriyo       

c)

c. produksiyon

d)

d. supply

8.

7.    Ano ang tawag sa batas ng ekonomiya na isinasaad na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ng presyo sa quantity demanded ng isang produkto?

a)

a. Batas ng Supply

b)

b. Batas ng demand

c)

    c.  batas ng Supply at Demand

d)

d. batas ng Ekonomiya

9.
  1. 9.  Ano ang tawag sa grapikong naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded?

a)

a. Demand Schedule

b)

b. Demand Curve

c)

   c. Demand Function

d)

d. Demand at Supply

10.

10.    Ano ang tawag sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Na may Formula Qd= F(p)

a)
Demand Function
b)
Market Equilibrium
c)
Supply Function
d)
Price Elasticity
11.

11.    May iba pang salik na nakaapekto sa demand maliban sa presyo. Anong salik na nakakaapekto na tumutukoy na tumataas ang kanyang kakayahang bumili kapag tumaas ang kanyang sweldo?

a)
Price elasticity
b)
Substitution effect
c)
Market demand shift
d)

kita

12.

12.    Anong sangay ng ekonomiks na nag-aaral sa maliit nay unit ng ekonomiya?

a)
Makroekonomiks
b)
Microekonomiks
c)
Ekonomiks ng Kalikasan
d)
Ekonomiks ng Paggawa
13.

13.    Anong uri ng elastisidad ang inilalarawan kung mas maliit ang nagging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo?

a)
Elastic demand
b)
Perfectly elastic demand
c)
Inelastic demand
d)
Unitary elastic demand
14.

14.    Upang matugunan ang pangangailangananng tao, binibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na lumikha ng produkto upang kumita. Anong konsepto tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo?

a)
Supply
b)
Market Price
c)
Consumer Behavior
d)
Demand
15.

15.    Ang konsepto ng supply ay naipaliwanag sa tatlong pamamaraan. Alin sa sumusunod aang hindi kabilang sa tatlong pamamaraan na nagpapakita ng konsepto ng supply?

a)

Supply Schedule

b)

Supply Curve

c)

Supply Function

d)

Supply Assumption

16.

16.    Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa batas ng demand?

a)
Ang batas ng demand ay hindi nakakaapekto sa presyo.
b)
Ang batas ng demand ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng kita at quantity supplied.
c)
Ang batas ng demand ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.
d)
Ang batas ng demand ay naglalarawan ng pagtaas ng presyo kapag bumababa ang quantity demanded.
17.

17.    Naitatakda ang presyo at dami ng produkto o serbisyo sa isang pamilihan dulot ng ekwilibriyo. Ano ang posibleng mangyari kapag magkakaroon ng paglaki ng supply samantalang hindi nagbabago ang demand?

a)
Bumababa ang demand ng produkto.
b)
Mananatiling pareho ang presyo ng produkto.
c)
Bumababa ang presyo ng produkto.
d)
Tataas ang presyo ng produkto.
18.

18.    Ano ang tawag sa sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbili ng produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.

a)
Market Equilibrium
b)
Market Price
c)
Market Supply
d)
Market Demand
19.

19.    Anong uri ng pamilihan na mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng serbisyo at serbisyo?

a)
Monopsony
b)
Monopoly
c)
Perfect Competition
d)
Oligopoly
20.

20.    Anong uri ng estruktura ng pamilihan na maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer?

a)
Pamilihang may kompetisyon
b)
Pamilihan ng mga Serbisyo
c)
Oligopolyo
d)
Monopolyo
21.

21.    Ano ang tawag sa paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito?

a)

Tatak o Brand/Property Rights

b)
Trademark
c)
Label
d)
Logo
22.

1.    Ano ang tawag sa karapatang tumutukoy sa pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan o akdang pansining?

a)
Karapatang-pagpapahayag (Expression Rights)
b)
Karapatang-ari (Copyright)
c)
Karapatang-umangkop (Adaptation Rights)
d)
Karapatang-paglikha (Creation Rights)
23.

23.    Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Ano ang tawag sa patakarang ipinapasunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtaas ng presyo ng mga produkto s pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad?

a)
Price control o price freeze
b)
Inflation adjustment
c)
Market deregulation
d)
Price hike
24.

24.    Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa batas ng supply?

a)
Ang batas ng supply ay nagsasaad na ang supply ay palaging pareho anuman ang presyo.
b)
Ang batas ng supply ay nagsasaad na habang bumababa ang presyo, bumababa ang supply.
c)
Ang batas ng supply ay hindi nakakaapekto sa presyo ng mga produkto.
d)

Ang batas ng supply ay nagsasaad na habang tumataas ang presyo, tumataas ang supply/produkto.

25.

25.    Gamit ang supply function, kompyutin ang quantity supply kapag ang Qs=0 + 10P. kapag ang P=25 Qs=?

a)
300
b)
200
c)
250
d)
150
26.

26.    Maliban sa presyo bilang salik na nakaapekto sa supply, anong salik ang nakaapekto sa supply kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon?

a)
Pagbabago sa teknolohiya
b)
Kakulangan ng materyales
c)
Inaasahang presyo
d)
Mataas na demand
27.

27.    Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon ang quantity demanded kahit tumaas ang presyo. Ano ang ipinahiwatig nito?

a)
Ipinapahiwatig nito na ang mga mamimili ay labis na sensitibo sa pagbabago ng presyo.
b)
Ipinapahiwatig nito na ang quantity demanded ay tumataas kahit bumaba ang presyo.
c)
Ipinapahiwatig nito na ang mga mamimili ay nagiging mas interesado sa ibang produkto.
d)
Ipinapahiwatig nito na ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbabago ng presyo.
28.

28.    May dalawang konsepto nagpapaliwanag sa ugnayan at quantity demanded. Anong konsepto ang nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang  mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura?

a)
Substitution effect
b)
Price elasticity
c)
Market equilibrium
d)
Income effect
29.

29.   Ano ang tawag sa uri ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan na kilala rin bilang price support?

a)

Price control/ Price Freeze

b)
Price inflation
c)
Market regulation
d)
Supply chain management
30.

30.    Anong konsepto ang tumutukoy sa hinuha na walang pagbabago sa ibang salik maliban sa salik pinag-aralan o other things being equal?

a)
Ceteris variabilis
b)
Ceteris paribus
c)
Ceteris mutabilis
d)
Ceteris non paribus
31.

31.    Ano ang tawag sa sitwasyon kung  saan mas Malaki ang dami ng produkto na isinusuplay kaysa sa dami ng demand?

a)
Balance
b)
Deficit
c)
Surplus
d)
Equilibrium
32.

32.    Ito ang nagsilbing tagapag-ugnay upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser. Anong salita ang tumutukoy sa nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod?

a)
halaga
b)
konsumo
c)
kalakal
d)
presyo
33.

33.    Anong uri ng elastisidad ng supply kapag pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity supply?

a)
Perfectly inelastic supply
b)
Unitary elasticity of supply
c)
Elastic supply
d)
Inelastic supply
34.

34.    Natatamo ang kasiyahan ng prodyuser at konsyumer kung ang nais bilhin at ipagbili ay nakukuha sa takdang oras. Ano ang tawag sa kalagayan  sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang napagkasunduan?

a)
Surplus
b)
Equilibrium
c)
Scarcity
d)
Deficit
35.

35.    Isa sa mga salik na nakaapekto sa dami ng demand ay ang kita ng isang indibidwal. Kapag dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produkto ay maituturing na normal goods. Ano naman ang tawag sa produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita?

a)
Luxury goods
b)
Substitute goods
c)
Inferior goods
d)
Complementary goods
36.

36.    Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?

a)

Paglingkuran at pangalagaan ang sambahayan

b)
Pagpapalaganap ng mga tradisyon at kultura.
c)
Pagsuporta sa mga negosyo at industriya.
d)
Magbigay ng mga benepisyo sa mga mamamayan.
37.

37.    Alin sa sumusunod na mga pamamaraan ang hindi kabilang sa pagpapakita ng konsepto ng demand?

a)

Demand Curve

b)

Demand Function

c)

Demand Reading

d)

Demand Schedule

38.

38.  Alin sa mga sumusunod na uri ng elastisidad ang may coefficient na “0”

a)
Perfectly inelastic
b)
Unitary elastic
c)
Perfectly elastic
d)
Relatively elastic
39.

39.    Sa panahong tumaas ang kita, ano ang nararapat gawin sa paggasta?

a)
Dapat itaas ang paggasta sa mga makabuluhang bagay at magtabi para sa ipon.
b)
Dapat bawasan ang paggasta sa mga hindi mahalagang bagay.
c)
Dapat ipunin ang lahat ng kita at huwag gumastos.
d)
Dapat itigil ang lahat ng uri ng paggasta.
40.

40.    Mahalagang matugunan ang pagbabago ng mga salik na nakaapekto sa supply. Alin sa mga sumusunod ang tuwirang nagbibigay kahulugan sa salitang efficient sa konsepto ng supply?

a)
Pagsasara ng mga pabrika sa bansa.
b)
Kakulangan ng mga produkto sa merkado.
c)
Wastong paggamit ng yaman sa produksyon.
d)
Mabilis na pagtaas ng presyo.