wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test 3 AP 5 Q1 M5&6

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang relihiyong dala ng mga Arabe sa Pilipinas sa pananhon ng pakikipagkalakalan?

a)

Iglesia ni Kristo

b)

Islam

c)

Kristiyanismo

d)

Protestantismo

2.

Ang mangangalakal sa Pilipinas ay may mahalagang ambag ng sistema ng pagsulat.

a)

Arabe

b)

India

c)

Kastila

d)

Tsino

3.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng impluwensya na dala ng mangangalakal na Tsino maliban sa isa.

a)

Sutlang tela

b)

Salamin

c)

Jade

d)

Alpombra

4.

Sila ay mahuhusay na mandaragat na nagtatag ng pook – kalakalan sa Sulu.

a)

Tsino

b)

Orang Dampuan

c)

Indian

d)

Arabe

5.

Saan nagmula pangkat ni Orang Dampuan?

a)

Vietnam

b)

Saudi

c)

India

d)

China

6.

Alin sa mga sumusunod na pangkat ng yamang dagat ang nakukuha sa pamamagitan ng pangingisda.

a)

molusko, tahong, ahas

b)

pugita, palaka, butiki

c)

isda, palaka, hipon

d)

molusko, tahong , pugita

7.

Uri ng kabuhayan ng mga unang Pilipino na kung saan sinasala ang mga grupo ng mga sinulid mula sa mga kulay na nakapahalang at pababa upang makabuo ng tela.

a)

Paghahabi

b)

Pagpapanday

c)

Pangangaso

d)

Pangingisda

8.

Tumutukoy sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino sa pamamagitan sa paghuli o pagpatay ng mga hayop upang makakuha sila ng kanilang pagkain.

a)

Paghahabi

b)

Pagpapanday

c)

Pangangaso

d)

Pangingisda

9.

Ang tawag sa sinaunang kaugalian ng mga Pilipino maging sa kalapit na bansa tulad ng Indonesia sa pagkuha ng ulo ay tinatawag na _______.

a)

Paghahabi

b)

Pagpapanday

c)

Pangangaso

d)

Pangangayaw

10.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan tungkol sa pagsasaka maliban sa isa.

a)

Ang trabaho nito ay mag-alaga ng tanim at anihin.

b)

Depende sa klima at lugar kung ano ang nararapat itanim.

c)

Paninisid ng perlas at kabibe.

d)

Kailangan ng matabang lupa sa pagtatanim.

11.

Ano ang tawag sa pinuno ng barangay noong panahong pre-kolonyal?

a)

Datu

b)

Lakan

c)

Raja

d)

Sultan

12.

Ito ang tawag sa paraan ng pagbabalot ng espesyal na tapis o tela sa bangkay sa paglilibing.

a)

pagbabalot

b)

pagbabaon

c)

pagsusunog

d)

mummification

13.

Ayon sa nakasulat na batas ang sinumang tatamad-tamad ay maaaring_______.

a)

parusahan

b)

magiging pinuno

c)

bigyan ng gantimpala

d)

magkaroon ng kayamanan

14.

Sino ang namumuno sa higit na malaking bilang ng pamilya sa barangay?

a)

Sultan

b)

Raja

c)

Kapitan

d)

Datu

15.

Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng maraming mga marka o guhit sa katawan.

a)

Pintados

b)

Pintor

c)

Bayani

d)

Bagani

16.

Hanapbuhay na maaaring gamitin sa pangingisda upang makarating sa malalayong bahagi ng karagatan.

a)

Paggawa ng bangka

b)

Paghahabi

c)

Pagmimina

d)

Pananahi

17.

Ito ang nagsisilbing inspirasyon ng mga mambabatok sa pagmamarka sa katawan.

a)

Sa kalikasan

b)

Sa hayop at halaman

c)

Sa magagandang tanawin

d)

Lahat ng nabanggit

18.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa ating mga ninuno noong panahong pre-kolonyal?

a)

Magulo ang pamumuhay nila.

b)

Nakakahiya sila sa ibang bansa.

c)

Mababa ang kalidad at uri ng kanilang kultura.

d)

Katangi-tangi ang kanilang kultura at pamumuhay.

19.

Sino ang katulong ng datu sa paggawa ng batas?

a)

mamamayan

b)

matatanda

c)

mga kawal

d)

asawa

20.

Ano ang katangiang sinisimbolo sa tatoo o pinatakasi sa katawan ng mga sinaunang Filipino.

a)

kasipagan at kayamanan

b)

katapangan at katanyagan

c)

karangyaan at kadakilaan

d)

tagumpay at katapangan