wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test 1 AP 5 Q3 M1-2 V-Arroyo

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Bakit may mga Pilipinong napilitang iwan ang kanilang tahanan noong panahon ng mga Espanyol? Dahil sa _______.

a)

pagpapaalis ng mga Espanyol

b)

pagdating ng ibang mga dayuhan   

c)

matagal nang paninirahan sa lugar

d)

sobrang pangungulekta ng buwis

2.

Ano ang isang dahilan ng paglaban ng mga katutubo sa mga Espanyol?

a)

Pagkamulat sa masamang pamamalakad ng mga Espanyol.

b)

Nakapag-asawa sila ng mga Espanyol

c)

Nagkasundo sa hatian ng lupain.

d)

Sapat ang pasahod nila.

3.

Kailan nagkaroon ng lakas ng loob ang mga katutubo na labanan ang mga Espanyol?

a)

Nang mamulat ang mga katutubo sa di magandang pagpapalakad ng mga Espanyol.

b)

Nang sapilitang idaos ang pagdiriwang ng piyesta.

c)

Nang dumating ang ibang mga dayuhan.

d)

Nang natuto silang nakipaglaban.

4.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpakita ng pagtakas ng mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol maliban sa isa.

a)

Pagtanggap ng mga Pilipino sa mga alituntuning ipinatutupad ng mga Espanyol.

b)

Namundok upang tumakas sa mga Espanyol na pilit silang maging Kristiyano

c)

Nagawang maipanatili ang tunay na kultura ng mga Pilipino.

d)

Sobrang pangungulekta ng buwis ng mga Espanyol.

5.

Naging epekto ng kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino ay____________.

a)

Lumawak ang kanilang lupain

b)

Napadali ang pananakop ng mga Espanyol

c)

Binigyan ng mga ari-arian ang mga katutubo.

d)

Nagkaroon ng sanduguan ang mga pinuno ng bawat pangkat.

6.

Ang mga sumusunod ay namuno sa pagtatanggol sa kanilang kalayaaan at relihiyong Islam laban sa mga mananakop na Espanyol maliban sa isa.

a)

Datu Dimansankay

b)

Raha Humabon

c)

Raha Sirongan  

d)

Sultan Kudarat

7.

Ang uri ng pamahalaang ipinatupad ng mga Espanyol ng masakop ang ating lupain ay tinatawag na ____________________________.

a)

Pamahalaang Kolonyal

b)

Pamahalaang Pambayan

c)

Pamahalaang Panlalawigan  

d)

Pamahalaang Panlungsod

8.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagtanggap ng ilang katutubong Pilipino sa pamamahala ng mga Espanyol?

a)

Sumunod sa lahat ng batas at alituntunin ng mga Kastila.

b)

Tahasang pagtutol ng mga Pilipino sa tangkang pagpapasailalim sa mga Kastila.

c)

Puspusang pagtatanggol sa kanilang kaharian laban sa pananakop sa mga Kastila.

d)

Nagpakalayo-layoat namundok upang tumakas sa pamamahala ng mga Espanyol.

9.

Tawag sa pwersahang pagseserbisyo ng mga Pilipino ginawa nila bilang pagtanggap sa mga Espanyol.

a)

Bandala

b)

Encomienda  

c)

Kalakalang galyon

d)

Polo y servicios

10.

Ang mga sumusunod ay tanda ng pagtanggap sa pamamalakad ng mga Espanyol maliban sa isa.

a)

Pumaloob sa prosesong reduccion.

b)

Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol.

c)

Pagtanggap ng kulturang ipinakilala ng mga Espanyol.

d)

Pagtutol sa mga patakarang ipinatutupad ng mga Espanyol.

11.

Ito ay pag-aalsa na hindi napagtagumpayan ng mga Espanyol na ipasailalim sa kanilang kapangyarihan.

a)

Pag-aalsa ni Bancao

b)

Pag-aalsa ni Igorot

c)

Pag-aalsa ni Maniago

d)

Pag-aalsa ng mga Magalat

12.

Siya ang gobernador- heneral na nag-utos sa pagbibinyag sa mga Igorot ng hilagang Luzon.

a)

Gobernador-Heneral Carlos Ma. Dela Torre

b)

Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman

c)

Gobernador-Heneral Guido Lavesarez

d)

Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo

13.

Ilang taon tumagal ang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Dagohoy mula 1744-1829?

a)

55

b)

65

c)

75

d)

85

14.

Ang pag-aalsa na tumutol sa di-makatuwirang paniningil ng buwis ng mga Espanyol ay ang _____________.

a)

Pag-aalsa ni Bancao

b)

Pag-aalsa ni Magalat

c)

Pag-aalsa ni Dagohoy    

d)

Pag-aalsa ni Sumuroy

15.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pag-aalsa ni Ladia noong 1643?

a)

Pag-aaklas laban sa polo y servicio.

b)

Pagtutol sa sapilitang paggawa sa mga galyon .

c)

Pagkumpiska ng mga Espanyol sa kanilang mga ari-arian.

d)

Hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng kaukulang sahod sa mga magsasaka.

16.

Bakit pinamumuan ni Sumuroy ang pag-aalsa sa Samar laban sa mga Espanyol?

a)

Ang mga Waray ay ipinagbawal sa mga pagawaan ng barko sa Cavite.

b)

Ang pagkakaroon ng sapat na sahod na natanggap.

c)

Ang mga batang kalalakihan ay pinagtrabaho.

d)

Ang pagpapahirap sa mga Waray.

17.

Alin sa mga sumusunod ang ginawang hakbang ng mga Espanyol sa mga Indio na nakilahok sa pag-aalsa ni Magalat?

a)

ipinapatay

b)

pinahirapan  

c)

pinakulong  

d)

pinarusahan

18.

Saang mga lugar sa bansa umabot ang pag-aalsa sa Cavite na pinamunuan ni Sumuroy?

a)

Mindanao, Bicol, Cebu, Masbate

b)

Camiguin, Zamboanga, Maynila, Bicol

c)

Cebu, Masbate, Iloilo, Sulu

d)

Maynila, Cebu, Mindanao, Camiguin

19.

Hinarangan ng mga kasama ni Maniago ang daraanan ng mga pagkain para sa mga Espanyol upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hiling. Anong katangian nila ang pinakita sa ganitong sitwasyon?

a)

katalinuhan

b)

katapatan

c)

katapangan

d)

kasipagan

20.

Siya ang nagpatuloy sa pag-aalsa nang masawi si Diego Silang.

a)

Sumuroy

b)

Tapar

c)

Tamblot

d)

Gabriela Silang