wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahan: Week 7&8 Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?

a)

Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at maging aktibo sa mga programa na isinasagawa ng pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.

b)

Makikipagtulungan sa mga ilegal na gawain

c)

Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.

d)

Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.

2.

Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punongkahoy at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagutaban, ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ganito gawain?

a)

Dahil sa sariling interes

b)

Dahil sa mataas na halaga ang kapalit

c)

Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.

d)

Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at malaki ang kita.

3.

Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang pangkapaligiran. Alin sa sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?

I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan.

II. Maraming mga species ng mga halaman at hayop ang manganganib

III. Masamang dulot sa natural ecosystem

IV. Marami ang maaapektuhang hayop

a)

I, II & III

b)

I, II & IV

c)

I, II & IV

d)

I, II, III & IV

4.

Ano-anong problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa kagubatan?

I. Pagbaha

II. Pagguho ng Lupa

III. Erosyon sa Lupa

IV.Siltasyon

a)

I, II & III

b)

II, III & IV

c)

I, III & IV

d)

I, II, III & IV

5.

Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?

I. Ang pagkatuyo ng mga lupa

II. Pagguho ng lupa

III. Pagrami ng punong kahoy

IV. Pagtaba ng lupa

a)

I, II

b)

II, III

c)

III, IV

d)

I, IV

6.

Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?

a)

Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan

b)

Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan

c)

Maaaring magdulot ng kawalan ng hanapbuhay sa mga mamamayan

d)

Lahat ng nabanggit

7.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?

a)

Pagkasira ng lupa

b)

Pagkawala ng biodiversity

c)

Urbanisasyon

d)

Pangangalaga sa likas na yaman

8.

Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?

a)

Dahil ang mga produktong galing sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

b)

Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin.

c)

Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan

d)

Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay

9.

Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?

a)

Pagpapaalis sa mga tao sa mga lunsod

b)

Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang mabigyan ng kabuhayan upang malutas ang kahirap.

c)

Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga lunsod.

d)

Pagtuloy na pagtaas ng populasyon.

10.

Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?

a)

Patuloy na pagtaas ng populasyon

b)

Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman

c)

Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami, at iba pang katangian ng tao na magagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo?

a)

yamang dagat

b)

yamang lupa

c)

yamang mineral

d)

yamang tao

12.

Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?

a)

Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.

b)

Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.

c)

Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.

d)

Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.

13.

Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw ay yaman ng bansa?

a)

Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.

b)

Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.

c)

Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.

d)

Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.

14.

Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa daigdig. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamalaking

populasyon sa daigdig?

a)

India

b)

Indonesia

c)

China

d)

Pakistan

15.

Ayon sa Population Commission o PopCom, patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas. Ano sa palagay ninyo ang kahihinantnan ng tao at ng ating bansa kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon?

a)

Mas magiging produktibo ang mga tao at tataas ang produksiyon ng bansa.

b)

Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahil sa pangingibang bansa ng mga OFW.

c)

Mas tataas ang bilang ng populasyon at kakambal nito ang pagkukulang sa pinagkukunang yaman ng pangangailangan ng tao.

d)

Magkakaroon ng mas maraming oportunidad at hindi na maghihirap ang tao.