NEW
Font size
WorksheetsKOMUNIKASYON PRE-TEST 2ND QUARTER
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Ito ang paggamit ng wika ayon kay M.A.K. Halliday upang maipahayag ang iba't ibang layon, pakay, pangangailangan o tunguhin ng tao.
Instrumental
Personal
Interaksyunal
Regulatoryo
Ayon kay M.A.K. Halliday ito ang paggamit ng wika upang maipahayag ang sariling nararamdaman, opinyon,
at indibidwal na pagkakakilanlan.
Instrumental
Personal
Interaksyunal
Regulatoryo
Paniniwala ni M.A.K. Halliday na ito ang paggamit ng wika upang lumikha at mapanatili ang relasyon sa kapwa.
Instrumental
Representatibo
Interaksyunal
Heuristiko
Mula kay M.A.K. Halliday, layunin ng gamit ng wikang nito na malaman o matamo ang tiyak na kaalaman tungkol sa mundo sa pamamagitan ng paghingi ng kaalaman o impormasyon
Instrumental
Representatibo
Interaksyunal
Heuristiko
Ayon kay M.A.K Halliday, ang wika ay ginagamit sa pagkontrol o pag-impluwensya ng ugali o asal ng tao at maging ng isang sitwasyon o kaanapan.
Instrumental
Regulatoryo
Interaksyunal
Imahinatibo
Ito ay tumutukoy sa kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Kakayahang Lingguwistiko
Kakayahang Pragmatik
Kakayahang Komunikatibo
Ito tumutukoy sa wika/dayalek na ginagamit ng bawat tiyak na grupo ng tao sa lipunan.
dayalek
sosyolek
idyolek
jargon
Ito tumutukoy sa kaalaman kung paano gagamitin ang wika nang naayon sa sitwasyon.
Kakayahang Komunikatibo
Kakayahang Pragmatik
Kakayahang Sosyilingguwistiko
Kakayahang Lingguwistiko
Ito tumutukoy sa gamit ng wika ayon kay Roman Jacobson na ang wika ay ginagamit upang maglarawan
sa context o konteksto.
Referential
Emotive
Phatic
Conative
Ayon kay Roman Jacobson, ito ang gamit ng wika na nakatuon sa damdamin o sa emosyong ipinahahayag ng
sender o tagapagsalita.
Referential
Emotive
Phatic
Conative
Mula kay Roman Jacobson, ito ay gamit ng wika para sa pagpanatili at pagpatigil ng komunikasyon.
Referential
Emotive
Phatic
Conative
Batay sa Gamit ng Wika ni Roman Jacobson, ito ay tumutukoy sa gamit ng wika upang mag-utos sa receiver o tagatanggap ng mensahe.
Referential
Emotive
Phatic
Conative
Ito ay sistematikong pag-alam o pagsusuri sa pamamagitan ng imbestigasyon o pagsasagawa ng eksperimento sa pagtuklas at pagbibigay ng interpretasyon sa katotohanan ng isang teorya.
Aralin
Imbestigasyon
Pananaliksik
Pahayag
Hakbang sa pagbuo ng pananaliksik na nauukol sa pamamaraang angkop gamitin para sa paksa at layon ng pananaliksik.
Konseptuwal na Balangkas
Pangangalap ng Datos
Metodo ng Pananaliksik
Layunin ng Paksa
Ito ay ang hakbang sa pananaliksik na tumutukoy sa paghahanap at pag-iipon ng mga impormasyon, datos, pag-aaral, at dokumentong may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.
Konseptuwal na Balangkas
Pangangalap ng Datos
Metodo ng Pananaliksik
Layunin ng Paksa
Bahagi ng pananaliksik na naglalaman ng talaan ng mga ginamit na sanggunian sa isang pag-aaral.
Pamagat
Bibliyograpiya
Talatanungan
Burador
Nakalahad sa bahaging ito ng pananaliksik ang paglalarawang muli sa metodo ng pananaliksik at paglalahad kung paano ito naisagawa at kung ano ang mga isyung kinaharap at ang presentasyon ng mga nasuring datos sa paraang patalata, tabular, o grapikal.
Presentasyon at Interpretasyon ng Datos
Kaugnay na Literatura
Kongklusyon
Bibliyograpiya
Bahagi ng pananaliksik na tumutukoy sa paglalagom sa mga nasuring datos, pagtalakay sa kung paano nakamit ang mga layunin ng pananaliksik, at pagbibigay ng rekomendasyon para sa ibayong pagpapabuti ng pag-aaral ng paksa.
Presentasyon at Interpretasyon ng Datos
Kongklusyon
Disenyo at Metodo ng Pananaliksik
Bibliyograpiya
Isa sa bahagi ng pananaliksik na naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral sa paksang ginagawan ng pananaliksik.
Presentasyon at Interpretasyon ng Datos
Kaugnay na Literatura
Disenyo at Metodo ng Pananaliksik
Disenyo at Metodo ng Pananaliksik
Ito ay tumutukoy sa mga nakalap na patunay mula sa mga isinagawang pag-aaral sa isang pananaliksik.
dokumentasyon
datos
burador
respondente
