wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUBUKIN (2ND QTR_MODULE1)

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng nilikhang na may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:

a)

A. Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.

b)

B. Tama, dahil ang tao lamang ang nilikhang may isip at kilos-loob, kaya kawangis siya ng Diyos.

c)

C. Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.

d)

D. Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin.

2.

Alin ang may kapangyarihang maghusga, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay?

a)

A. Isip

b)

B. Kilos-Loob

c)

C. Kalayaan

d)

D. Dignidad

3.

Ano ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya, at isakatuparan ang napili?

a)

A. Isip

b)

B. Kalayaan

c)

C. Kilos-Loob

d)

D. Dignidad

4.

Bakit patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan?

a)

A. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman

ang katotohanan.

b)

B. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.

c)

C. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.

d)

D. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.

5.

Bilang 5, 6, at 7. Ang mga sagot sa Bilang 5 hanggang 7 ay makukuha sa talata.

Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman at nauunawaang impormasyon na binibigay ng isip. Pipiliin lamang nito ang isang bagay o kilos kung ito ay naunawaan ng isip bilang mabuti o makabubuti para sa kaniya. Pinipili lamang nito ang mabuti at hindi naaakit sa masama.

Ano ang ibig sabihin ng talata?

a)

A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.

b)

B. Kung mali ang impormasyong binigay ng isip, hindi pipili ng kilos ang kilos-

loob.

c)

C. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang

kilos-loob.

d)

D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.

6.

Alin ang hindi ipinahahayag ng talata?

a)

A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.

b)

B. Mahalaga ang pag-unawa ng isip sa kabutihan ng isang bagay o kilos upang piliin ito ng kilos-loob.

c)

C. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.

d)

D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.

7.

Aling situwasiyon ang hindi nagpapahayag ng mensahe ng talata?

a)

A. Kahit sobrang lakas na ng ulan at hanging dala ng bagyo, hindi pa rin inalis ni Efren ang mga dahon sa lagusan ng tubig, kaya pinasok ng baha ang kanilang bahay.

b)

B. Sinigurado ni Joseph kung tama ang impormasyon sa website para sa kanyang sagot sa modyul bago niya isinama ang website sa kanyang sanggunian.

c)

C. Hindi sinunod ni Arla ang payo ng kaibigan na uminom ng pampabawas ng timbang; bagkus, nag-ehersisyo siya at binawasan ang kanin sa kanyang diet.

d)

D. Hindi sinagot ni Liza and text message ng taong hindi niya kilala.

8.

Tungkulin ng bawat isa sa atin ang sanayin, linangin at gawing ganap ang ating isip at kilos-loob. Mahalagang gamitin natin ang mga ito nang mapanagutan. Sa gayon, magiging mabuti ang kilos-loob at magiging isang mabuting nilalang ang tao. Hindi sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan ang tunay na sukatan ng kabutihan, kundi kung paano ginagamit ang mga kaalamang ito sa pagpapaunlad ng sariling pagkatao, sa paglilingkod sa kapuwa at sa paglilingkod o pakikibahagi sa pamayanan.

Ano ang hindi buod ng talata?

a)

A. Mababawasan ang pagkatao natin kung hindi natin gagamitin ang isip para sa katotohanan at kilos-loob para sa kabutihan.

b)

B. Kailangan nating gamitin ang isip para sa pagkalap at pagtuklas ng mga kaalaman na ayon sa katotohanan upang makapili ang kilos-loob ng mga kilos na may kabutihan.

c)

C. Hindi mapanagutan ang hindi paggamit ng isip at kilos-loob.

d)

D. Mas mabuti ang tao kung ginagamit niya ang kanyang isip at kilos-loob ayon sa mga tunguhin nito.

9.

Aling situwasiyon ang hindi nagpapahayag ng mensahe ng talata?

a)

A. Binati pa rin ni Sonya ang kanyang kaibigan kahit nagpahayag ito ng sama ng loob sa Messenger.

b)

B. Hindi inintindi ni Thelma ang deskripsyon ng gamot na pinabinili sa kanya ng kanyang nanay sa botika, kaya pinapalitan ito sa kanya.

c)

C. Tinulungan ni Eden ang kaniyang mga kaklase sa research project, kahit hindi siya sinali sa pangkat para rito.

d)

D. Hindi sinagot ni Liza and text message ng taong hindi niya kilala.

10.

Alin sa mga paraan ng paggamit ng kilos-loob ang pinahahayag ng tanong na: “Ano ang mararamdaman ko bukas o sa isang linggo o sa darating pang panahon kapag binalikan ko ang gagawin kong ito?”

a)

A. Pagkontrol ng mga emosyon

b)

B. Pagsanay sa disiplina sa sarili.

c)

C. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya

d)

D. Pagtanggal ng lahat ng tukso at nakagugulo mula sa iyong paligid