WorksheetsAP5 REVIEW TEST ( 2nd Quarter )
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
1. Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng pagsasailalim, pagsupil, at tuwirang pamamahala o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Kolonyalismo
Limasawa
Portugal
2. Siya ay isang Portuguese na manlalayag na naghangad na marating ang mga bansa sa Silangan gamit ang bagong ruta sa paglalayag.
Rajah Humabon
Lapulapu
Ferdinand Magellan
3. Dito pinaniniwalaang ginanap ang unang misa sa Pilipinas noong Marso 31, 1521.
Homonhon
Cebu
Limasawa
4. Ito ang tawag sa sapilitang paglilipat ng maliliit at watak-watak na tahanan ng mga katutubo mula sa orihinal nitong kinalalagyan papunta sa higit na organisadong pamayanan.
Reduccion
Animismo
Tulisanes
5. Ito ang kauna-unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas.
Homonhon
Cebu
Limasawa
6. Ito ay pinamumunuan ng obispo.
Doctrina Christiana
Diocese
Reduccion
7. Ito ang paraan ng pagsasamba ng mga sinaunang Pilipino.
Reduccion
Animismo
Tulisanes
8. Ang hinirang na kauna-unahang gobernador-heneral ng Pilipinas.
Landrones Monteses
Miguel Lopez de Legaspi
Gregorio Zaide
9. Ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong na itinuturing na mandarambong.
Reduccion
Animismo
Tulisanes
10. Ano ang tawag sa yunit ng pananalapi na ginamit ng Spain mula ika-14 na siglo hanggang kalagitnaan ng 1800s?
Dollar
Reales
Peso
11. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa lupa o teritoryo na ipinagkatiwala ng hari sa mga conquistador?
Hacienda
Encomienda
Kolonya
12. Tawag sa mga taong sapilitang pinaglilingkod sa pamahalaan.
Bandala
Kasama
Polista
13. Ito ay isang sistema ng pamamahala mula sa Portugal at Spain na tumutukoy sa matinding ugnayan o pagsanib ng kapangyarihan ng Simbahan at Estado sa pamamahala ng kolonya.
Patronato Real
Real Patron
Sistemang Hacienda
14. Siya ang may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya.
Patronato Real
Real Patron
Sistemang Hacienda
15. Ito ang institusyong itinatag ng mga prayle na tinawag na “gawaing pangkabanalan o kabanalan”.
Katolisismo
Obras Pias
Sistemang Hacienda
16. Sa sistemang ito, hinati ang mga lupa sa maliliit na bahagi na ipinaupa sa malaking halaga sa mga inquilino.
Katolisismo
Obras Pias
Sistemang Hacienda
17. Ito ang relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Katolisismo
Obras Pias
Sistemang Hacienda
18. Ang pagpapatayo ng simbahan at paaralan sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol ay tungkulin ng ______.
prayle
sundalo
gobernador-heneral
19. Siya ang unang obispo ng Maynila.
Consejos de las Indias
Domingo de Salazar
Miguel Lopez de Legazpi
20. Ito ang katuwang ng hari sa pamamahala sa mga kolonyang Spain mula Latin Amerika hanggang Pilipinas.
Residencia
Visita
Royal Audiencia
21. Nagsimula ang pagnanais ng mga taga-Europa na marating ang mga bansa sa Silangan nang mabalitaan nilang maganda ang mga tanawin dito.
TAMA
MALI
22. Ang Moluccas ang isa sa kilalang lugar sa Silangan na tanyag sa pagkakaroon ng maraming produktong pampalasa.
TAMA
MALI
23. Ginamit ng mga taga-Europa ang sistemang kolonyalismo sa pananakop ng mga lupain upang mapakinabangan ang lugar na kanilang masasakop.
TAMA
MALI
24. Bilang tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol ay kailangang kumuha ng cedula personal ang mga may edad 18 pataas.
TAMA
MALI
25. Ang mga pautang ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon ay nilagyan ng malaking patubo na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga lupain.
TAMA
MALI
26. Nakinabang at umunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino nang ipatupad ng mga Espanyol ang sistemang kasama sa bansa.
TAMA
MALI
27. Ang mga Espanyol ay nagtatag ng pamahalaang may ibat’t ibang antas upang higit na makontrol ang kanilang mga nasasakupan sa Pilipinas.
TAMA
MALI
28. Nahahati sa tatlo ang pamamahalang nagmumula sa hari ng Spain at ang pamamahala ng mga Espanyol sa loob ng bansa.
TAMA
MALI
29. Lahat ng mga batas, kautusan, at desisyon ng Hari at ng Consejo de las Indias ay ipatupad sa Pilipinas sa pamamagitan ng Pamahalaang Lokal.
TAMA
MALI
30. Ang pagtatag ng isang pamahalaang sentral ang pangunahing katangiang politikal ng kolonisasyong Espanyol.
TAMA
MALI
