wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Pinagtawanan nina Mira at Lizette ang mga nagtatanghal ng katutubong sayaw dahil sa kanilang kakaibang galaw at kasuotan.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Sa pagdiriwang ng pista ng kanilang bayan nagkaroon ng mga palarong Pinoy.  Masayang sumali sina Angelo at Gino sa mga ito.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Ibinibigay ni Lito ang kanyang mga sirang tsinelas na goma sa kapitbahay niya na mahusay gumawa ng mga laruan mula sa mga bagay na ito.  Naibebenta ng kanyang kapitbahay ang mga ginawa niyang laruan.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Maraming balikbayan ang naniniwalang may mataas na uri ang mga saya at iba pang damit na yari sa pinya at sinamay.  Dapat itong isuot nang may pagmamalaki.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Sa tingin nina Glenda at Roxanne, luma at wala na sa uso ang mga larong Pilipino.  Hindi na dapat isama sa mga selebrasyon ng barangay.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Nakasuot ng eleganteng baro't saya ang babaeng mambabatas tuwing dumadalo sa mga sesyon ng Senado.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Si Norman ay hindi dumadalo ng virtual flag ceremony dahil tanghali na siya gumigising.  

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ang pagtayo ng tuwid habang umaawit ng Lupang Hinirang ay tanda ng pagmamalaki sa pagiging isang Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Sinusunog ni Mang Alberto ang mga plastik na bote kasama ang iba pang basura.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Kapag mga awiting Pilipino ang pinatutugtog sa radyo, inililipat agad ito ni Karen sa ibang istasyon.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ibinabahagi ni Cherry sa kanyang nakababatang kamag-anak ang koleksyon ng mga alamat at kwentong isinulat ng mga Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Magaling tumugtog ng katutubong instrumento si Tim.  Masaya niyang tinatanggap ang mga imbitasyon upang magtanghal.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Ang mga tansan ay iniipon ni Jeremy upang gawing instrumentong pangmusika na ipapasa niya su guro bilang proyekto sa kanilang Music subject.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Ang mga malalaking lata ng gatas ay itinatambak ni Lorna sa likod ng kanilang bahay kung saan ang mga ito ay pinamamahayan ng mga lamok.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Nabutas ang timba na matagal nang ginagamit ni Mang Ernesto.  sa halip na itapon, nilagyan niya ito ng lupa at itinanim ang isang uri ng halaman na namumulaklak.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Ang mga luma pero maayos pang damit ng mga anak ni Aling Mina ay ginagawa niyang basahan samantalang marami silang kapitbahay na sira-sira ang mga kasuotan.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Nilinis ni Natoy ang mga plastic cups at disposable na kutsara na ginamit sa handaan sa kanilang tahanan.  Gagawa siya ng parol para sa pasko.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Makulay at maganda ang basyong lata ng ice cream, ginawang taguan ito ni Ate ng kanyang mga ipit at laso.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Nakasuot si Tita Valerie ng makukulay na kwintas at pulseras na gawa ng mga grupong etniko sa Mindanao.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Piliin ang wastong sagot.

Pinahahalagahan ni Albert ang mga salawikain na itinuro ng kanyang lolo dahil ang mga ito ay nagbibigay-aral.

a)

Tama

b)

Mali