WorksheetsLSCSC AP 6 1ST QTR 2021
Total questions: 90
Worksheet time: 1hrs 8mins
Siya ang Lakambini ng Katipunan.
Marina Dizon
Trinidad Pecson
Gabriela Silang
Gregoria de Jesus
Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan.
Antonio Luna
Marcelo H.del Pilar
Emilio Jacinto
Jose Maria Panganiban
Ano ang tawag sa mataas na katungkulan sa opisyal ng Katipunan?
Katipon
Bayani
Magdiwang
Supremo
Kailan pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos?
Setyembre 15, 1988
Setyembre 15, 1898
Setyembre 15, 1889
Setyembre 15, 1888
Sino ang nahalal na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas?
Emilio Aguinaldo
Emilio Jacinto
Andres Bonifacio
Miguel Malvar
Pinasinayaan ang Unang Republika at si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangalawang Pangulo nito.
Tama
Mali
Ang Kongreso na pinanguluhan ni Pedro Paterno ay may dalawang halal na kalihim.
Tama
Mali
Siya ang namuno sa mga Katipunero sa Cavite. Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno ay naging matagumpay ang lahat ng kanilang laban sa lalawigan.
A. Andres Bonifacio
B. Emilio Aguinaldo
C. Macario Sakay
D. Gregorio Del Pilar
Itinatag ni Aguinaldo ang ________________ upang agad na maisakatuparan ang
kanyang pamamahala sa pakikipaglaban sa mga Kastila.
A. Pamahalaang Daynastiya
B. Pamahalaang Demokrasya
C. Pamahalaang Diktatoryal
D. Pamahalaang Monarkiya
Bakit hindi kinilala ng mga Amerikano ang Unang Republikang itinatag ni Emilio Aguinaldo?
A. dahil wala siyang sapat na kakayahan upang mamahala
B. dahil kinikilala ng Estados Unidos ang naging kasunduan sa Paris
C. dahil mas magaling ang mga Amerikano sa pamamalakad ng isang bansa
D. dahil mas may higit na taong pwedeng mamahala sa Pilipinas bukod kay Emilio Aguinaldo
Kailan nakamit ng Pilipinas ang kasarinlan laban sa mga Espanyol?
A. Hunyo 6, 1898
B. Hunyo 12, 1898
C. Hunyo 12, 1998
D. Hunyo 12, 1989
Bakit kailangan ng isang bansa ang isang republika?
A. dahil ito ang nais ng mga tao
B. dahil ito ang kumikilala sa kalayaan ng bansa
C. dahil ito ang nagtatakda ng buwis
D. dahil ito ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao
Sa tingin mo, may naging maganda bang ambag si Emilio Aguinaldo sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas? Bakit?
A. Wala, dahil siya ay taksil sa ating bayan.
B. Wala, dahil inuna niya ang kanyang sariling kapakanan
C. Oo, dahil sa kanyang pamumuno ay nakamit natin ang kalayaan laban sa mga Espanyol.
D. Oo, dahil mabuti siyang namahala hanggang sa huli.
Ilang taon nang namatay si Emilio Aguinaldo?
A. 93
B. 94
C. 95
D. 84
Ano ang nais ipagawa ng mga Amerikano kay Aguinaldo nang siya ay nadakip?
A. Makipagtulungan at makipagkaibigan sa mga Amerikano.
B. Hindi siya nagsalita.
C. Sumuko at tanggapin ang pamahalaan ng Estados Unidos.
D. Makipagdigma ang mga Pilipino hanggang sa kamatayan.
Layunin ng samahang itinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong 1892 na ang sinumang mamamayang Pilipino na nagmamahal sa bansa ay maaaring umanib. Anong samahan ito?
Circulo Hispano Filipino
Katipunan
La Liga Filipina
La Solidaridad
Sa anong paraan ibig makamit ng mga propagandista ang pagbabago sa pamamahala sa Pilipinas?
sa pamamagitan ng himagsikan
sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga kalaban
sa pagbibigay ng pabuya
sa mapayapang paraan
Sino sa mga sumusunod na Propagandista ang nagkubli sa pangalang Plaridel, isang orator, naging patnugot ng La Solidaridad, manananggol at naglathala ng Diyaryong Tagalog?
Antonio Luna
Felix Hidalgo
Gregorio Sanciangco
Marcelo H. Del Pilar
Ang Kilusang Propaganda ay gumagamit ng lapis, papel at karunungan upang maipaabot ang kanilang karaingan sa mga may kinauukulan sa mapayapang paraan.
Tama
Mali
Ang GOMBURZA ay kilala bilang tatlong negosyanteng martir.
Tama
Mali
Dito naganap ang Digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol.
Look ng Maynila
Tirad Pass
Biak-na-Bato
Ito ay dokumentong nagsasaad ng pagsuko ng Espanya sa Estados Unidos ng Pilipinas.
Bates Treaty
Kasunduan sa Paris
Ito ay ang pahayag ni Pang. Mckinley na sasakupin ang bansang Pilipinas nang may kabaitan.
Benevolent Assimilation
Manifest Destiny
White Man's Burden Theory
TAMA O MALI
Tinupad ng mga Amerikano ang kanilang pangako na hindi sasakupin ang bansang Pilipinas.
TAMA
MALI
Napagpasiyahan ni Andres Bonifacio na unang lusubin ang _____ dahil ito ang sentro ng kapangyarihan ng mga Espanyol.
Cavite
Pasay
Manila
Makati
Hinatulan siyang mabaril noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan.
(a)
Ito ang tawag sa pangyayari kung saan sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang cedula at sumigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunero!"
Kilusang Propaganda
La Liga Filipina
Sigaw sa Pugadlawin
Sigaw sa Makati
Tinagurian siyang Dakilang Lumpo at Utak ng Himagsikan.
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini
Emilio Aguinaldo
Andres Bonifacio
Tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa at sila ang bumuo sa kilusan na nanguna sa paghingi ng pagbabago sa pamamalakad ng mga Espanyol.
Insulares
Principalia
Ilustrado
Mestizo
Sabay- sabay na pinunit ng mga Katipunero ang kanilang ______ bilang tanda ng paghihimagsik laban sa Espanyol.
notebook
sedula/cedula
papel
opisyal na selyo
Dito naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol.
Look ng Maynila
Tirad Pass
Biak-na-Bato
Ano ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano?
kawalan ng mahuhusay na pinuno
kawalan ng pagkakaisa at mga armas
maling estratehiya sa pakikipaglaban
kaguluhan sa pamumuno sa mga labanan.
Siya ang huling Heneral na sumuko at nahatulan sa salang Bandolerismo o pagiging isang bandido at binitay sa Plaza ng Bilibid noong Setyembre 13,1907.
Macario Sakay
Vicente Lukban
Antonio Luna
Miguel Malvar
Siya ang Heneral na gumamit ng taktikang “gerilya” sa pakikipaglaban sa Batangas at humalili kay Emilio Aguinaldo bilang Ikalawang Pangulo (hindi opisyal).
Antonio Luna
Gregorio del Pilar
Vicente Lukban
Miguel Malvar
Siya ang maybahay ni Supremo at nakilala bilang “Lakambini ng Katipunan”.
Mariana Dizon
Gregoria Alvarez de Jesus
Gabriella Silang
Melchora Aquino
Siya ay tinaguriang “Joan of Arc ng Ilocos” dahil sa kanyang tapang sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
Marina Dizon
Gregoria Alvarez de Jesus
Gabriela Silang
Melchora Aquino
Nang binuksan ang Suez Canal, napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europe patungo sa ______.
Tsina
Japan
Mecca
Maynila
Sila ang tatlong paring martir na binitay noon Pebrero 17, 1872
Gomez, Burgos, Zamora
Goma, Borja, Zamboa
Gomez, Burgos, Zamboa
Borja, Zamboa, Gomez
SIno ang nanalong pangulo sa Kombensyon sa Tejeros?
Jose Rizal
Andres Bonifacio
Emilio AGuinaldo
Rodrigo Duterte
Alin sa sumusunod ang ginampanan ng mga kababaihan sa Katipunan?
nang- akit sa mga Kastila
nagkantahan
nagsagawa ng pagsasaya nang walang dahilan
nagtago ng mahahalagang dokumento ng Katipunan
Isa siyang Ilongga na nanguna sa labanan sa Barrio Yating, Capiz sa Visayas.
Teresa Magbanua
Trinidad Tecson
Gregoria de Jesus
Agueda Kahabagan
Siya ang Ina ng Katipunan
at Dakilang Babae ng
Rebolusyon.
Agueda Kahabagan
Trinidad Tecson
Melchora Aquino
Gregoria de Jesus
TAMA O MALI
Pinaigting ng kamatayan ni Rizal ang pagnanais ng mga PIlipino na makalaya sa kamay ng mga Espanyol.
TAMA
MALI
TAMA O MALI
Naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
TAMA
MALI
Bakit nakialam ang US sa digmaang ginawa ng bansang Cuba laban sa Espanya?
Sinuportahan ng US ang paglaban ng Cuba sa Espanya dahil sa ekonomikong interes nito sa nasabing bansa.
Makadadagdag ito sa kapangyarihan ng US sa buong mundo.
May interes ang US sa Pilipinas sa pakikipagkalakalan dito.
Matagal nang pinag-aagawan ng US at Espanya ang Cuba.
Bakit pumayag ang Espanya na makipagkasundo sa US upang maganap ang Pekeng Labanan sa Maynila (Mock Battle of Manila)?
Kasama ito sa nakasulat sa Kasunduan ng Paris.
Upang ipakita sa mga Pilipino na sila ay hindi natatakot sa US
Gustong ipakita ng Espanya na natalo sila nang lumalaban pa din.
Upang maiwasan ng Espanya ang kahihiyan sa pagsuko nila sa US
Anong kasunduan ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang mapasuko at mapatahimik ang Mindanao?
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Kasunduan sa Malolos
Kasunduan sa Paris
Kasunduang Bates
Alin ang HINDI kasama sa Kasunduan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipinong Muslim sa Mindanao?
Paggalang sa relihiyon at tradisyong Muslim
Pagbibigay ng buwanang sahod sa mga sultan at mga datu
Paggalang sa mga karapatan ng sultan at kanyang mga datu
Pagsasailalim ng Sulu sa pamamahala ng US bilang isang estado nito
Kung ang titik ng Marcha Nacional Filipina ay nilikha ni Jose Palma mula sa tulang Filipinas, sino naman ang gumawa ng himig (o musika) nito?
Julian Felipe
Felipe Calderon
Apolinario Mabini
Ambrosio Rianzares Bautista
Nagwagi ang US laban sa Espanya sa naganap na “Battle of Manila Bay” noong Mayo 1, 1898.
Tama
Mali
Dahil sa pagkakaroon ng Saligang Batas ng Malolos, naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas.
Tama
Mali
Naunang nagpaputok ang mga sundalong Pilipino nang pahintuin sila ng pangkat ng mga Amerikanong sundalo sa pamumuno ni Private William Walter Grayson. Ito ang naging simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Tama
Mali
Itinayo ni Macario Sakay ang Republika ng Katagalugan bilang paglaban sa pamahalaang Kolonyal na Amerikano.
Tama
Mali
Binasa ang Deklarasyon ng Kalayaan ng mga Pilipino mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Tama
Mali
2. Ano ang motibo ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Palawakin ang kanilang “political empire” sa Pilipinas at patayuan ng mga
base militar
B. Palaganapin ang relihiyong Protestantismo
C. Ipatupad ang pang-ekonomiyang interes ng America sa bansa bilang
mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap
D. Lahat ng nabanggit.
4. Siya ay tinaguriang “Bayani ng Tirad Pass” dahil sa kaniyang ginawang pagharang sa mga Amerikano upang makalayo at makatakas si Emilio Aguinaldo.
A. Marcelo H. Del Pilar
B. Gregorio Del Pilar
C. Miguel Malvar
D. Macario Sakay
9. Sang-ayon ka ba sa pakikipagkasundo ng mga Muslim sa mga Amerikano?
A. Oo, dahil pangkapayapaan naman ang kasunduang ito.
B. Oo, dahil sa kasunduang ito hindi napasama ang mga Muslim sa mga
labanan.
C. Hindi, dahil ginamit lamang ang kasunduan bilang estratehiya ng
pananakop ng mga Amerikano.
D. Hindi, dahil mga Muslim lang ang nakipagkasundo.
Saan naganap ang Balangiga Massacre?
Maynila
Samar
Cavite
Batangas
Sino ang Amerikanong lumusob at nagtagumpay laban sa kampo ng mga Espanyol sa Look ng Maynila?
George Dewey
Arthur Macarthur
Felipe Agoncillo
Gregorio del Pilar
Ito ang kunwaring labanan sa Look ng Maynila noong Agosrto 18, 1898 na hudyat ng pagwawakas ng mahigit 300 taong pananakop ng Espanya sa Pilipinas?
Labanan sa San Juan Del Monte
Labanan sa Tirad Pass
Mock Battle of Manila
Anong kasunduan ang naganap sa pagitan ng España at Estados Unidos kung saan binenta nila ang Pilipinas sa halagang $20, 000, 000?
Kasunduan sa Biak na Bato
Kumbensyon sa Tejeros
Kasunduan sa Paris
Anong pangyayari ang naging “ganti” ng mga Amerikano sa matagumpay na pag-atake ng mga Pilipino sa Samar na ikinamatay ng maraming sundalong Amerikano?
Labanan sa Pasong Tirad
Benevolent Assimilation
Pagbagsak ng Malolos
Balangiga Massacre
Saang labanan nagtagumpay si Emilio Aguinaldo at pinabagsak ang hukbo ng mga espanyol mula sa kanyang pagbabalik galing Hongkong?
Labanan sa Alapan
Labanan sa Biak na Bato
Labanan sa Tejeros
Labanan sa Manila Bay
Sino ang naghanda, nagsulat at nagbasa ng Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ayon sa utos ni Hen. Emilio Aguinaldo?
Julian Felipe
Ambrocio Rianzares Bautista
Pedro Paterno
Anong lahi ang sumunod na nagkaroon ng interes sa Pilipinas pagkatapos ng kolonyalismo ng mga Espanyol?
Amerikano
Hapones
Koreano
Saang lugar nabuo ang Kongreso ng Malolos kung saan nahalal bilang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas si Emilio Aguinaldo?
Cavite Del Viejo, tahanan ni Aguinaldo
Tejeros, Cavite
Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan
Sino ang Pilipinong lumahok sa Kasunduan sa Paris bagama't hindi nabigyan ng pagkakataong makapagsalita?
Miguel Malvar
Felipe Agoncillo
Valeriano Abanador
Emilio Aguinaldo
Siya ang pinakabatang heneral at tinaguriang "Bayani ng Pasong Tirad".
Gregorio del Pilar
Miguel Malvar
Januario Galut
Andres Bonifacio
Sa anong lugar naganap ang kasunduan ng Amerika at Espanya na kung saan ipinagbili ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika sa halagang dalawampung milliong dolyar?
Kailan sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas?
Pebrero 4, 1899
Pebrero 5, 1899
Pebrero 6, 1899
Pebrero 7, 1899
Anong pangyayari ang nagpasiklab sa digmaang Pilipino- Amerikano?
Sumuko si Aguinaldo
Sumuko si Hen. Miguel Malvar sa mga Amerikano
Pinaputukan ni William Greyson ang dalawang Pilipino
Pinapatay ang mga batang lalaki mula sampung taong gulang pataas.
Ano ang naging bunga ng pagkamatay ng maraming Amerikano?
Pagpapatay ng mga batang lalaki mula sampung taong gulang pataas
Pagpalipat-lipat ng punong himpilan ni Emilio Aguinaldo
Pagsuko ng Espanya sa Estados Unidos
Pagpapatibay ng Kasunduang Bates
Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Heneral Gregorio del Pilar upang tulungan sa pagtakas si Aguinaldo?
Binuwis ang buhay huwag lang madakip si Aguinaldo
Itinuro ang maling daan sa mga Amerikano
Ginawang katawa-tawa ang sarili
Nagtago sa mga bahay na bato upang hindi mahuli
Bakit itinuturing na bayani si Miguel Malvar sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa?
Dahil lumaban siya sa himagsikan laban sa mga Kastila
Dahil lumaban siya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Dahil ayaw niyang kilalanin ang pamahalaan ng Amerika
Dahil naging pinunong heneral siya sa Batangas at patuloy na nakipaglaban kahit na nahuli si Emilio Aguinaldo
Kinilala ng mga Amerikano si ___________________ bilang Ina ng Red Cross sa Pilipinas pagkatapos ng digmaan at naitatag ang Philippine Red Cross.
Agueda Kahabagan
Trinidad Tecson
Teresa Magbanua
Melchora Aquino
Sino ang bayaning Pilipino ang inilalarawan bilang:
Tagapayo ni Emilio Aguinaldo, Utak ng Rebolusyon at Dakilang Lumpo o paralitiko?
Apolinario Mabini
Gregorio del Pilar
Emilio Jacinto
Jose Rizal
Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Kinatatakutan siya ng mga Amerikano. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.
Heneral Gregorio del Pilar
Heneral Macario Sakay
Heneral Antonio Luna
Heneral Miguel Malvar
Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.
Emilio Aguinaldo
Miguel Malvar
Andres Bonifacio
Jose Rizal
Siya ay 84 taong gulang ng buksan nya ang tahanan sa mga Katipunero. Binigyan niya ng pagkain, gamot at pinamalagi sa tahanan niya ang mga miyembro ng samahan lalo na ang mga sugatan sa pakikipaglaban.
Trinidad Tecson
Melchora Aquino
Marcela Agoncillo
Gregoria De Jesus
Sino siya na tinaguriang "Joan of Arc ng Tagalog" at nag-iisang Henerala sa Himagsikang Pilipino. Isa din siya sa mga nanguna kasama si Heneral Artemio Ricarte sa pagsalakay ng Garrison ng mga Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897?
Agueda Esteban
Agueda Kahabagan
Hilaria Aguinaldo
Sino ang tinawag na "Joan of Arc ng Visayas" at unang babae sa Panay na lumaban noong digmaan laban sa Amerikano?
Nazaria Lagos
Trinidad Tecson
Teresa Magbanua
Agueda Kahabagan
SIno ang kinilalang "Florence Nightingale of Panay" sa panahon ng Himagsikang Pilipino? Pinangunahan niya ang Red Cross sa Visayas na siyang gumamot at tumulong sa mga maysakit at sugatang manghihimagsik.
Nazaria Lagos
Matea Rodriguez
Gabriela Silang
Gliceria Villavicencio
Sino ang tinaguriang "Heroine of Jaro", isa siya sa mga unang kababaihang lumahok sa rebolusyon sa Visayas. Inorganisa niya ang "Central Revolutionary Committee of the Visayas".
Nazaria Lagos
Trinidad Tecson
Teresa Magbanua
Patrocinia Gamboa
Siya ay isang babaeng katipunero sa Maynila. Bumibili siya ng mga pulbura ng baril at mga bala na kanyang dinadala sa kanyang asawa na nasa Kabite. Nang mabyuda napangasawa niya si Hen. Artemio Ricarte.
Agueda Esteban
Agueda Kahabagan
Gregoria Montoya
Gregoria De Jesus
Isang mahalagang ambag ng mga kababaihan ang pagsisilbing mga espiya upang makakuha ng impormasyon mula sa mga Espanyol at maging sa pagpupuslit ng mga armas. Sila rin ay nagsilbing mga mensaherong nagdadala ng mahahalagang impormasyon sa mga rebolusyonaryo.
Tama
Mali
Sino ang nagsilbing tagapaglikom at tagapag-ingat ng mga mahahalagang dokumento ng Katipunan?
Josefa Rizal
Trinidad Tecson
Marina Dizon
Josephine Bracken
Siya ay tinaguriang "Unang Babaeng Heneral at unang babaeng martir".
Gregoria De Jesus
Melchora Aquino
Gabriela Silang
Teresa Magbanua
