Font size
WorksheetsModule 1: Quarter 2
Total questions: 26
Worksheet time: 9mins
Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa iyong natutuhan.
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang (a) ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa iyong natutuhan.
Itinuturing na isyu ang globalisasyon dahil tuwirang binago, at binabago nito ang pamumuhay at maging ang (a) na matagal nang naitatag.
Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa iyong natutuhan.
Napabibilis ang ugnayan ng bawa’t isa sa pamamagitan ng (a) at interaksyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o ng samahang pandaigdigan.
Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa iyong natutuhan.
Mauugat ang hitik na kasaysayan ng globalisasyon sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng (a) noong sinaunang panahon kaya’t hindi na ito bago.
Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng globalisasyon?
Mabilis na pagkilos ng mga tao tungo sa pagbabago ng personalidad, politikal, kultural ng mga bansa sa mundo
Malawakang pagbabago sa lahat ng aspekto ng lipunan sa buong mundo.
Pagbabago sa ekomomiya at sistemang politikal na may malaking epekto sa buhay ng mga mamamayan.
Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Paano nabago ng globalisasyon ang buhay ng mamamayan ng bansa?
Pagbabago sa kaisipan
Pagbabago sa pakikipag-uganayan
Pagbabago sa pang-araw-araw na pamumuhay
Pagbabago sa personal
Ito ay isang konsepto na nagpapabago sa ikot ng buhay ng tao sa arawaraw.
Ekonomiya
Globalisasyon
Migrasyon
Paggawa
Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng migrasyon?
Ang migrasyon ay ang paglipat at pag-alis sa tirahan ng isang tao.
Pag-alis o paglipat mula sa ibang lugar patungo sa ibang bansa pansamantala man o permanente
Proseso ng pag-alis o paglipat ng mamamayan dahil sa kaguluhan
Proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa bansa o lugar na pinagmulan
Aling pangyayari ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan?
kalakalan
entertainment
media
terorismo
Tatlo sa mga bansa ay nabibilang at maituturing na pinagmulan ng mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig na nakilala noong ika-18 siglo hanggang ika-19 na siglo. Aling bansa ang hindi nabibilang dito?
Great Britain
Germany
China
United States
Anong sistemang pang-ekonomiya ang nanaig at nagdulot ng mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya at teknolohiya sa panahon ng Cold War?
kapitalismo
komunismo
liberalismo
merkantilismo
Saan madalas nagmumula at saan patungo ang daloy ng kalakalan?
mahirap na bansa patungo sa mahihirap na bansa
mahirap na bansa patungo sa mayayamang bansa
maunlad na bansa patungo sa mauunlad na bansa
maunlad na bansa patungo sa mahihirap na bansa
Maaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo nang unang ginamit ang _______noong 1956.
kompyuter
power loom
telepono
teleskopyo
Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring mabilis na pagkabura ng marking naghahati at naghihiwalay sa mga bansang komunista at kapitalista?
Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold war
Paglitaw ng mga MNC’s at TNC’s
Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika12 siglo
Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang higit na nagpabilis ng pag-unlad ng palitan ng kalakal at serbisyo, pamumuhunan at maging ng migrasyon, anong konsepto ito?
kalakalang panlabas
pangangailangan ng tao
samahang pandaigdig
teknolohiya at polisiya
Saang bahagi ng perspektibo matatagpuan ang simula ng pagbabangko sa mga siyudad- estado sa Italya noong ika -12 siglo?
ikalawa
ikatlo
ikaapat
ikalima
Siya ang nagbigay ng kahulugan na “ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig”.
Ritzer
Scholte
Therborn
Thomas Friedman
Ito ang perspektibo na nagsasabing ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.
ikalawa
ikatlo
ikaapat
ikalima
Si Yela ay nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo at ang isa pa niyang kapatid ay mag-aaral na sa kolehiyo sa susunod na taon, kung kaya’t ang kanyang ina ay nagpasyang mangibang bansa. Alin sa mga ito ang nagtulak sa kanilang ina upang umalis?
ang magkaroon ng maalwan at maayos na pamumuhay
ang kagustuhang makihalubilo sa ibang tao
ang kagustuhang makihalubilo sa ibang tao
ang paghahangad na maglakbay sa ibang bansa
Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ito ay pananaw tungkol sa globalisasyon. Kaninong pananaw ito?
Scholte
Therborn
Gibbon
Chanda
Kaninong pananaw ang nagsabing ang globalisasyon ay mahabang siklo ng pagbabago?
Scholte
Therborn
Gibbon
Chanda
Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng globalisasyon. Piliin ang salitang GLOBAL kung nagpapakita ng globalisasyon at NASYON kung hindi. Pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa.
Global
Nasyon
Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng globalisasyon. Piliin ang salitang GLOBAL kung nagpapakita ng globalisasyon at NASYON kung hindi. Pakikipag-usap sa kapamilya mula sa ibang bansa sapamamagitan ng video call.
Global
Nasyon
Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng globalisasyon. Piliin ang salitang GLOBAL kung nagpapakita ng globalisasyon at NASYON kung hindi. Pagbebenta ng mga gulay at prutas sa kapatagan mula sa kabundukan.
Global
Nasyon
Ayon sa kanya, may anim na wave ang globalisasyon. Kaninong pananaw ito?
Scholte
Therborn
Gibbon
Chanda
Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag ayon sa iyong natutuhan.
Pinabibilis ng pag-unlad ang kalakalan at serbisyo, pamumuhunan at maging ang migrasyon sa tulong ng (a) at mga patakaran na nililikha sa pagitan ng mga bansa.
