NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa ESP- Q2
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Nagpaalam si Ana na maglalaro. Pinayagan siya ng kanyang nanay ngunit may itinakda itong oras. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Umuwi sa takdang oras.
B. Hindi papansinin ang bilin ng nanay.
C. Maglaro hanggang sa oras na gustuhin at hihingi na lamang ng paumanhin sa nanay.
2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa pamilya?
A. Si Migz na hindi sinasagot ang tanong ng kanyang ate.
B. Si Neo na galit at pasigaw na nagtatanong sa kanyang ama.
A. Si Marie na mahinahon at gumagamit ng “po” sa pakikipag-usap sa mas nakatatanda sa kaniya.
3. Bilang anak, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong pamilya?
A. Susunod ako nang maayos sa mga nakatatanda.
B. Magdadabog ako kapag ako ay inuutusan ng aking
mga magulang.
C. Hahayaan ko ang aking mga kapatid na gawin ang
mga itinakdang gawaing bahay sa akin.
4. Wala kayong kasambahay kaya ang lola at lolo mo ang kasama mo sa bahay. Ano ang dapat mong gawin upang hindi sila mahirapan sa mga gawaing bahay habang wala ang iyong magulang?
A. Babantayan ko sila.
B. Tutulungan ko sila sa mga gawain.
C. Pababayaan ko silang gumawa ng mga gawain.
5. Alin sa mga sumusunod ang tamang pakikitungo natin sa mga kasambahay?
A. Dapat natin silang utusan nang utusan.
B. Dapat nating ipaubaya sa kanila ang lahat ng mga gawaing bahay.
C. Dapat natin silang igalang, mahalin at tulungan sa mga gawaing bahay.
6. Papasok na sa trabaho ang iyong nanay. Pinagbilinan ang inyong ate na turuan kang magbasa. Susunod ka ba sa inyong kapatid?
A. Hindi po, dahil kapatid ko lang siya.
B. Opo, upang matuto akong magbasa.
C. Siguro, dahil pinagbilinan siya ng aking ina.
7. Nakita mo ang isang bata na nadapa at nasaktan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pagsasabihan ang bata.
B. Huwag pansinin ang bata.
C. Tutulungang tumayo ang bata.
8. Sa panahon ng COVID 19 lockdown, marami ang nawalan ng trabaho at nagutom. Paano ka makakatulong sa kapitbahay mong walang makain?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Sasabihin ko sa kanila na wala rin kaming pagkain.
C. Sasabihin ko ito sa aking magulang upang mabigyan sila sa abot ng aming makakaya.
9. Umiiyak ang nakababata mong kapatid dahil nagugutom na. Nakita mong may ginagawa pa ang iyong ina. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ipaghahanda ng pagkain ang kapatid.
B. Hihintaying na lamang na matapos ang nanay sa mga gawain.
C. Patitigilin sa pag-iyak at tatakutin na hindi bibigyan ng pagkain.
10. Nasunugan ang kaklase mo. Bilang isang bata, paano mo siya matutulungan?
A. Bibigyan ko sila ng pera.
B. Magbibigay ako ng mga luma kong gamit tulad ng damit na maaari pang magamit.
C. Hihingi ako sa kapitbahay namin ng mga pagkain para may maibigay ako sa kanila.
11. Dumating ang lolo at lola ni John sa kanilang bahay. Ano ang unang dapat gawin ni John?
A. Pauupuin sila.
B. Pagkukuwentuhin sila.
C. Magmamano sa kanila.
12. Kagigising mo lang isang umaga at nakita mong kumakain ang iyong nanay at tatay. Ano ang dapat mong sabihin sa kanila?
A. Kamusta na kayo?
B. Magandang umaga sa inyo.
C. Magandang umaga po sa inyo.
13. Sumasagot pa sa tanong ng guro ang iyong kaklase. Ano ang dapat mong gawin habang siya ay nagsasalita?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Makikinig ako sa aking kaklase.
C. Tatayo at sasagot din ako dahil alam ko ang sagot.
14. Gusto mong maglaro kasama ang mga kaibigan mo sa palaruan. Paano ka magpapaalam sa iyong nanay?
A. Nanay, sasama ako sa mga kaibigan ko?
B. Nanay, aalis na ‘ko. Pupunta ako sa palaruan.
C. Nanay, maaari po ba akong sumama sa mga kaibigan ko?
15. Sina Tintin at Joemari ay nakatanggap ng regalo mula sa kanilang ninang. Ano ang dapat nilang sabihin?
A. Salamat Ninang.
B. Salamat, sa susunod po ulit.
C. Maraming salamat po, Ninang.
16. Bakit kailangang maging magalang ang mga bata na katulad mo sa nakatatanda?
A. Upang ako ay kainggitan ng mga kaklase ko.
B. Upang ako ay laging pupurihin ng mga magulang ko.
C. Upang ako ay kalugdan ng Diyos at kagiliwan ng mga tao.
17. Aksidenteng nasira mo ang paboritong gitara ng iyong kuya. Ano ang gagawin mo?
A. Itatago ko ang nasirang gitara.
B. Sasabihin ko ang totoong nangyari.
C. Hindi ko aaminin ang totoo kapag nagtanong si Kuya.
18. Gabi na nang umuwi ng bahay ang magkapatid na Jun at Ben dahil nakipaglaro sa mga kaibigan. Ano ang dapat nilang gawin pagdating sa bahay?
A. Sasabihin ang totoong dahilan sa nanay.
B. Iisip ng ibang dahilan upang hindi mapagalitan.
C. Hindi nila aaminin ang totoo dahil pagagalitan sila.
19. Nabangga ni Lito ang kanyang kaklase. Nadapa ito at nasugatan kaya sinabihan siya ng kaniyang guro na papuntahin sa paaralan ang kaniyang magulang. Ano ang dapat gawin ni Lito pagdating sa bahay?
A. Dapat niyang sabihin ang totoong nangyari.
B. Sasabihin niya sa magulang na hindi siya ang nakabangga
C. Wala siyang sasabihin sa magulang dahil sasabihin naman ng guro.
20. Nagpaalam si Rea sa kanyang nanay na gagamit ng laptop para gumawa ng mga gawain na pinapagawa ng guro ngunit naglalaro lang siya. Tama ba ang ginawa ni Rea?
A. Tama lang naman ang ginawa ni Rea.
B. Hindi tama ang ginawa ni Rea dahil iba ang kaniyang paalam.
C. Hindi naman makikita ng kaniyang magulang kaya okey lamang ito.
