NEW
Font size
WorksheetsESP Q3 Pretest
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Naglalaro ka sa iyong silid. Tinatawag ka ng iyong nanay na nasa kusina. Ano ang iyong isasagot?
Naglalaro pa ako.
Sandali lang nanay.
Nandyan na po ako, nanay.
Paano ka sasagot kapag ikaw ay tinatawag ng iyong magulang?
Hindi sila papansinin.
Sumagot nang pasigaw.
Sumagot nang may katamtamang lakas ng boses.
Ang mga bata na kagaya mo ay dapat sumunod sa bilin ng magulang upang _____.
hindi mapahamak
hindi ka mapagalitan
katuwaan ng magulang
Naglalaro ka ng kompyuter. Nakiusap ang iyong ate na bumili ka ng pandesal. Paano mo susundin ang utos ng kapatid?
Sundin ang ate nang padabog.
Sundin ang ate nang maluwag sa kalooban.
Sundin ang ate pero hihingi ka ng dagdag na pera.
Iinom ng gamot ang iyong lola. Inutusan kang ikuha siya ng tubig. Kaya dali-dali kang kumuha ng tubig. Anong ugali ang ipinapakita mo?
magalang
matalino
masunurin
Laging sinasabi ng iyong guro na pumila nang maayos kapag bumibili sa kantina. Tumakbo ang isa mong kaklase. Ano ang iyong gagawin?
Tatakbo rin ako.
Magagalit sa kaklase.
Pagsasabihan ang kaklase.
Lahat ng bata ay may karapatang kumain ng masustansiyang pagkain. Ano ang dapat mong gawin kapag pinapakain ka ng iyong nanay ng gulay?
Itatapon ko ito ng palihim.
Hindi ko kakainin dahil ayaw ko ang lasa nito.
Kakainin ko po dahil kailangan ito ng aking katawan.
Si Jona ay laging kumakain ng sitsirya. Ano kaya ang mangyayari sa kanya?
Tataba siya.
Magkakasakit siya.
Lulusog ang katawan niya.
Maraming mga bata na nasa lansangan ang hindi nakapag-aral. Ngunit ikaw ay pinag-aaral ng iyong magulang. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa ginagawa ng iyong mga magulang?
Gawin lamang ang mga gawain na nais mo.
Iasa sa iba ang paggawa ng mga gawain sa modyul.
Sikaping gawin at matapos ang mga gawain sa takdang-oras.
Hindi ka marunong magbasa. Paano mo kaya matutulungan ang iyong sarili upang makabasa?
Magsasanay ako sa pagbasa araw-araw.
Hindi na lamang ako papasok sa paaralan.
Uunahin ang paglalaro kaysa pagbabasa.
Ang pamilya ni Yuni ay hirap sa buhay kaya pumapasok siya sa paaralan ng walang baon. Kung ikaw si Yuni, papasok ka rin ba sa paaralan kahit walang baon?
Opo, upang ako ay matuto.
Hindi po, magmumukha po akong kawawa.
Depende po, kung may mahihingan ako sa aking mga kaklase.
Tumaas ang katungkulan ng tatay mo sa trabaho. Umuwi siyang nakangiti. Ano ang mararamdaman mo?
malungkot
masaya
magyayabang
Si Florence ay may kapatid na sakitin. Ang kaniyang nanay ay laging nakabantay sa kaniyang kapatid. Ano ang dapat gawin ni Florence?
Maiinis sa nanay.
Maiinggit sa kapatid.
Magparaya sa kapatid.
Ginamit ni Rocky ang laruan ng kaniyang kuya nang hindi nagpaalam. Nasira niya ito at pinagalitan siya. Ano ang dapat gawin ni Rocky?
Awayin ang kapatid.
Magagalit sa kapatid.
Humingi ng paumanhin sa kapatid.
Umalis ang iyong nanay. Nakita mong maraming hugasang plato sa lababo ninyo. Paano ka makakatulong upang maging malinis ang bahay ninyo.
Pahuhugasan ko sa aking kapatid.
Huhugasan ko na agad ang mga plato.
Hihintayin kong si nanay ang maghuhugas.
Maaga kang dumating sa paaralan. Nakita mong nagwawalis ang iyong guro. Ano ang dapat mong gawin?
Magwawalis din ako.
Uupo na lang ako sa aking upuan.
Panonoorin ko lang ang aking guro.
Ang Marikina ay kilala sa kalinisan. Bilang isang bata na nakatira sa Marikina, paano mo maipakikita ang pagiging malinis sa kapaligiran?
Ang maliit na basura ay ibubulsa ko muna.
Ibibigay ko ang aking basura sa kaklase ko.
Iiwanan ko ang basura sa ilalim ng aking upuan.
Nasa loob kayo ng silid-aralan. Nakita mong may papel na nakakalat sa harapan mo. Sinabi ng guro mo na pulutin lahat ng kalat. Bakit kailangang laging malinis ang inyong silid-aralan?
Upang mainggit ang ibang baitang.
Upang mapuri ng inyong prinsipal ang inyong klase.
Upang magandang tingnan at hindi magkasakit ang mga bata.
Ang ating kapaligiran ay kailangan nating alagaan. Ano ang dapat nating gawin sa ating mga basura upang mabawasan ang basurang ating itatapon?
Ikalat ang mga basura kahit saan.
Pagsama-samahin lahat ng basura sa isang lalagyan.
Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.
Maraming malalaking lata ng gatas ang nakatambak sa inyong bakuran. Ano ang nararapat ninyong gawin sa mga ito?
Paglaruan ang mga ito.
Pagtaniman ang mga ito.
Itapon na lamang ang mga ito.
