Font size
WorksheetsEdukasyon sa Pagpapahalaga
Total questions: 26
Worksheet time: 26mins
Nakita mong pagod na ang inyong kasambahay sa paggawa ng mga gawaing-bahay. Ano ang gagawin mo?
Sabihan siyang magpahinga muna at magmeryenda.
Hayaan siya. Trabaho niya iyon.
Sabihan siya na igawa ka muna ng meryenda.
Rises na ngunit napansin mong malungkot at walang kinakain ang iyong kamag-aral.
Inggitin siya ng baon mong pagkain.
Itanong kung bakit siya malungkot habang patuloy ka lang sa pagkain ng iyong baon.
Hatian siya ng baon mong pagkain at sabihan na huwag na siyang malungkot.
Pagod galing trabaho si Nanay.
Sabihin sa kaniya na magluto na dahil nagugutom ka na.
Salubungin ito ng akap at halik sa pisngi.
Itanong kung may pasalubong ba siya sa iyo.
Nakita mong malungkot si Tatay.
Lapitan siya at yakapin.
Huwag na lang pansinin dahil baka makagalitan ka pa.
Itanong sa kaniya kung kailan kayo pupunta sa mall para manood ng sine.
Nawawala raw ang lapis ng iyong kamag-aral kaya nanghihiram siya sa iyo.
Pahiramin ito.
Sabihan na, burara ka kasi. Bahala ka sa buhay mo.
Huwag itong pansinin na parang walang narinig.
Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong pamilya? Ipaliwanag ito.
Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong kaklase? Ipaliwanag ito.
Binati mo ng "Magandang umaga" ang iyong kamag-aral pagpasok mo sa silid aralan. Ano kaya ang isasagot ng iyong kamag-aral?
Magandang umaga rin.
Bakit nandito ka?
Binilhan ka ng tatay mo ng ice cream. Ano ang dapat mong sabihin?
Salamat po Tatay.
Ayoko naman ng flavor na iyan.
Aksidenteng natapakan mo ang krayola ng iyong kamag-aral at nabali ito. Ano ang sasabihin mo?
Paumanhin. Hindi ko sinasadya.
Iligpit mo kasi ang gamit mo.
Humingi ng paumanhin ang iyong kamag-aral dahil aksidente nyang natapakan ang krayola mo. Ano ang dapat mong isagot?
Ayoko. Palitan mo ito.
Walang anuman iyon. Huwag mo nang alalahanin.
Hindi mo maabot ang aklat dahil mataas ang kinalalagyan nito kaya humingi ka ng tulong sa taga-bantay sa silid-aklatan. Ano ang dapat mong sabihin?
Iabot mo nga sa akin ang aklat.
Ma'am, maaari po bang pakiabot ninyo ang aklat?
Nakita mong napaidlip ang inyong kasambahay dahil sa pagod sa paglalaba. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang?
Hindi ka mag-iingay para makapagpahinga siya nang maayos.
Gagawa ka ng ingay para magising siya. Sayang ang ibinabayad sa kaniya kung matutulog lang siya.
Isusumbong mo siya sa nanay mo.
May kailangan ka sa kapatid mo ngunit nagpapahinga na siya sa kanyang silid. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang?
Kakatok muna sa pinto bago pumasok.
Basta na lamang papasok sa silid.
Kakalampagin ang pinto ng silid nito.
May kausap si Nanay sa cellphone. May kailangan kang sabihin sa kanya. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang?
Mag-iingay para mapansin ng iyong nanay.
Hihintaying matapos ang pag-uusap.
Kukulitin ang iyong nanay para ikaw na ang kausapin nya.
Ano ang ginagawa mo para maipakita ang iyong paggalang sa kapwa?
Nagkukuwento ang iyong kaibigan tungkol sa napanood nilang pelikua. Napanood mo na ang palabas na iyon. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang?
Pahihintuin mo sa pagsasalita ang iyong kaibigan para sabihin na alam mo na ang palabas na ikinukuwento nya.
Tatalikuran ang iyong kaibigan.
Makikinig ka nang maayos sa pagkukuwento ng iyong kaibigan kahit alam mo na ang palabas na ikinukwento niya.
Nakasalubong ninyo ng nanaym o sa mall ang tito mo. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang paggalang?
Magmamano sa tito mo.
Magha-"hi" lang sa tito mo.
Hindi papansinin ang tito mo.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Kumuha si Jim ng pera sa pitaka ng kanyang nanay nang walang paalam.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Ibinalik ni Michelle sa kaniyang kamag-aral ang naiwan nitong pencil case kahapon.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Nakita ni Andy na nalaglag ang perang baon ng kaniyang kamag-aral. Ibinalik niya ito.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Sinabi ni Jemah na hindi siya ang nakabasag ng baso kahit siya naman talaga ang may kasalanan.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Nagpaalam si Jhon sa kanilang guro na pupunta siya ng CR pero ang totoo ay nagpunta siya sa palaruan.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Sinabi ni Michael na kaya siya napuyat ay dahil gumawa siya ng proyekto, pero ang totoo ay naglaro lang siya sa kompyuter.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Inamin ni Grace sa kanilang guro na kaya nadapa ang isa nyang kamag-aral ay dahil naitulak niya ito.
Piliin ang (thumbs up) kung ang tauhan sa pangyayari ay matapat at (thumbs down) naman kung hindi.
Sinabi ni George na nasa kuwarto lang siya kanina pero ang totoo ay tumakas siya at nagpunta sa kanilang kapitbahay para makapaglaro ng kompyuter.
