NEW
Font size
WorksheetsEsP 5-Week 2-Isumbong Mo!
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Pagsapit ng recess, nakita mong sinasaktan at pinagbabantaan ang iyong kaibigan ng inyong kaklase upang makuha ang kaniyang baon. Ano ang dapat mong gawin?
Tutulungan ang kaibigan upang awayin ang nananakit at nananakot sa kaniya.
Ipagbibigay-alam ito sa guro upang mapagsabihan ang kaklaseng nambubulas.
Hayaan na lamang sila dahil maaari kang madamay sa gulo nila.
Bibigyan ng baon ang nambubulas upang ito ay tumigil na sa pananakit at pananakot.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang kinauukulan maliban sa:
Guro
Pulis
Bumbero
Barangay Tanod
Sa pagmamalasakit sa iyong kapwang sinasaktan, kinukutya, o binubulas, ano dapat ang una mong kailangan isaalang-alang?
Ang nagkasala sapagkat dapat maparusahan siya sa maling ginawa.
Ang sariling kaligtasan sapagkat maaaring ikaw ay malagay sa alanganing sitwasyon.
Ang kapakanan ng biktima dahil siya ang higit na nangangailanagn sa sitwasyon.
Ang kapakanan ng iyong magulang sapagkat sila ang maaapektuhan kapag may nangyari sa iyong hindi kanais-nais.
Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa kalye. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito?
Ipagbigay alam ito sa pulis upang mahuli ang snatcher.
Hayaan na lamang ito upang hindi na madamay sa insidente.
Hahabulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag.
Ipaabot na lamang ang pakikiramay sa nanakawan sa insidente.
Nakita mong umiiyak ang iyong bagong kamag-aral. Binubulas ito ng iyong mga kaklase dahil sa kakaiba nitong itsura. Ano ang una mong dapat gawin sa sitwasyon?
Hayaan na lamang sila upang hindi madamay.
Isumbong ito sa guro o guidance counselor at hayaan silang humarap dito.
Magsumbong sa magulang ng biktima upang pumunta ito sa paaralan.
Kausapin ang mga kaklase at pagsabihan na hindi magandang katangian ang pambubulas ng kamag-aral.
Nais mong isumbong ang nangyaring nakawan sa inyong lugar. Kanino ka pupunta?
Alkalde
Pulis
Kaibigan
Dentista
Nakilala ng tatay mo ang magnanakaw na nanloob sa inyong bahay. Ano ang dapat niyang gawin?
Habulin ang magnanakaw
Piliting makatulong sa tatay.
Magsumbong sa Barangay Tanod
Hayaan na lang baka nangangailangan talaga sa buhay
Upang hindi magkamali sa pagpapahuli ng taong gumawa ng krimen, ano ang dapat mong gawin?
Ilarawan ng mabuti ang anyo nito.
Sabihing siya ang kamukha ng nakita mo.
Hindi ka sigurado na siya nga 'yung nakita mo.
Ipahuli kaagad para maparusahan ang may sala.
Ang pagsumbong tungkol sa mga maling gawain ng mga taong na paligid ay malaking tulong upang:
maiwasan ng kapitbahay
makapagwalang-bahala
malutas kaagad ang mga hindi magandang pangyayari
madaling makilala ang tunay na may sala
Ano ang nararapat gawin sa nahuling magnanakaw?
kausapin at hingan ng bahagi sa ninakaw ng mga bagay
imbestigahan at patawan ng kaukulang parusa
bugbugin ang magnanakaw dahil delikado ang buhay mo
ikulong habang-buhay dahil sa pagnanakaw
