Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP REVIEWER

Total questions: 65

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Habang tumataas ang presyo ng produkto ay tumataas ang presyo ng produkto ay tumataas din ang bilang nito na binebenta ng negosyo at binibili ng mamimili.

(a)  

2.

Ano ang supply function?

(a)  

3.

Ano ang d sa supply function?

(a)  

4.

Ito ang ginagamit upang mabilang ang pagbabago ng dami ng produkto dahil sa pagtaas ng presyo nito.

(a)  

5.

Isang konsepto ng maykroekonomiks na nangangahulugan ng dami ng mga produktong nais at kayang bilhin ng mga mamimili batay sa presyo nito.

(a)  

6.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nadadagdagan o nababawasan ang dami nito.

(a)  

7.

Ito ay isang talahanayang nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo at ng dami ng nais at kayang bilhin ng mamimili.

(a)  

8.

Isang matematikang paraan ng nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity demand

(a)  

9.

Ano ang demand function equation?

(a)  

10.

Ito ang isang bagay na nadarama na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

(a)  

11.

Kagamitan upang matukoy ang eksaktong bilang ng mga produkto o serbisyo na kayang ibenta ng isang tauhan sa negosyo at kayang bilhin ng mamimili.

(a)  

12.

Ito ay ginagamit para sa paggawa ng line graph sa pag-aaral ng maykroekonomiks.

(a)  

13.

Ito ang benepisyong nakukuha ng negosyo at mamimili dulot ng kanilang pagkakasundo.

(a)  

14.

Ano sa salitang Latin ang “If all other things are the same”

(a)  

15.

Ito ang paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

(a)  

16.

Ito ay tumutukoy sa pisikal at mental na kakayahan o lakas ng tao upang makapaglingkod at makalikha ng produkto.

(a)  

17.

Ito ang tawag sa mga manggawa na sumasahod ng kinsenas at katapusan.

(a)  

18.

Sino ang “utak ng negosyo”?

(a)  

19.

Ito ay tumutukoy sa mga materyal na ginagawa ng tao upang magamit sa produksyon.

(a)  

20.

Ito ang paggamit ng mga produkto at serbisyo bilang pagtugon ng isang tao sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan para sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

(a)  

21.

Ito ang naatasang halaga ng isang produkto at serbisyo.

(a)  

22.

Isang estratehiyang ginagawa ng mga negosyo upang makaakit ng maraming mamimili para ikonsumo ang kanilang mga produkto o serbisyo kapalit ang kanilang kita.

(a)  

23.

Ito ang labis na pagbili ng produkto o serbisyo bunga ng pananakot sa sitwasyon na mauubusan ito sa pamilihan.

(a)  

24.

Siya ang nagbabayad ng isang takdang presyo para makamit ang ninanais niyang produkto o serbisyo gamit ang kaniyang salapi.

(a)  

25.

Nakabatay ang paggawa ng mga produkto o serbisyo mula sa nakasanayang mga gawain at tradisyon.

(a)  

26.

Isang sistema ng distribusyon o paglalaan at pagbabahagdan ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng isang pamayanan.

(a)  

27.

Sistema ng pamilihan kung saan ang prodyuser at konsyumer ay kumilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng pinakamalaking pakinabang.

(a)  

28.

Ito ay komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

(a)  

29.

Sistemang pang-ekonomiya kung saan maaaring umiral ang mga kaisipan ng higit sa isang sistemang pang-ekonomiya sa loob ng isang bansa.

(a)  

30.

Ang salitang Oikonomia ay nagmula sa salitang (a)   .

31.

Ano ang kahulugan ng salitang oikos?

(a)  

32.

Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang bagay.

(a)  

33.

Ito ang halaga ng iyong isinakripisyo o pinagpalit, kapalit ng isa pang bagay.

(a)  

34.

Ang bilang o dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga negosyo sa mamimili.

(a)  

35.

Ay koleksiyon o lipon ng mga pangangailangan ng tao at ng mga gawaing tumutugon sa mga walang katapusang pangangailangan nila.

(a)  

36.

Pagsusuri sa mga salik ng produksiyon, distribusyon, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo at ang ugnayan sa pagitan ng mga mamimili at ng mga negosyong nagbebenta ng mga produkto at serbisyo.

(a)  

37.

Tumatalakay sa produksiyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo ng mga mamimili at ng mga indibidwal o kolektibong negosyo.

(a)  

38.

Tumatalakay sa pangkalahatang opersayon ng isang ekonomiya at ang interaksiyon ng mga pangunahing pangkat sa lipunan pagdating sa pagbabahagi ng mga pinagkukunang yaman ng mga mamamayan.

(a)  

39.

Naniniwala na ang kaunlaran ay nakasalalay sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangangasiwa sa mga lupain.

(a)  

40.

Naniniwala na ang isang malayang sistema ng pamilihan na hindi pinakikialaman ng isang pamahalaan ay makakapagpaunlad sa isang ekonomiya.

(a)  

41.

Naniniwala na hindi lang sa pagpapalawak ng kita nakakamit ang pag-unlad sa ekonomiya, kundi rin ang malaman ang tungkulin ng kita sa araw-araw na pangangailangan ng isang tao at ang tamang pagbabahagi ng kita.

(a)  

42.

May aklat na An Inquiry Into The Nature And Causes Of The Wealth Of Nations na inilimbag noong 1776.

(a)  

43.

May akda na pinamagatang Tableu Economique na inilathala noong 1758 at katatagpuan ng mga naunang kaispiang physiocracy.

(a)  

44.

May akdang An Essay on the Principle of Population as It Affects the Future Improvement of Society noong 1798 at naniniwala na umiiral ang kakapusan dahil sa pagtaas ng populasyon.

(a)  

45.

May akdang Principles of Political Economy with Some of Their Applications to Social Philosophy noong 1848 at nainiwalang likas ang kakapusan.

(a)  

46.

Ay ang kalagayan kung saan hindi nauubos ang pangangailangan ng tao habang limitado naman ang mga pinagkukunang yamang pinangtutustos sa paggawa nito.

(a)  

47.

Ay mga bagay na lubhang kailangan ng tao upang mabuhay sa araw-araw.

(a)  

48.

Ay mga bagay na nais makamit ng tao ngunit hindi kasinghalaga ng mga pangangailangan at nakatutulong ito upang mabigyan ng ginahawa ang tao.

(a)  

49.

Ito ang agarang paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at makamit ang kasiyahan.

(a)  

50.

Ito ang pagbili ng isang produkto o serbisyo upang muling lumikha ng isang panibagong produkto o serbisyo.

(a)  

51.

Ito ang pagbili o pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo na hindi gaanong ginagamit.

(a)  

52.

Ito ay ang pamimili ng mga produkto o serbisyo na mapanganib sa kalusugan ng tao o pagkonsumo ng mga produkto sa mapanganib na paraan.

(a)  

53.

Ay salaping natatanggap ng tao mula sa kanyang paghahanapbuhay o negosyo.

(a)  

54.

Nanghihikayat ang taong bumili ng isang produkto kung makikita niyang maraming tao ang tumatangkilik at bumibili nito.

(a)  

55.

Nahihikayat bumili kung patototohanan ng isang sikat o pinagkakatiwalaang personalidad ang bisa at husay ng produkto o serbisyong kaniyang ineendorso o kinakatawan.

(a)  

56.

Isang brand o tatak ay ang pangalan ng produktong kumakatawan sa isang negosyo.

(a)  

57.

Ay tumutukoy sa mga likas na yaman tulad ng yamang lupa, gubat, mineral, at hayop.

(a)  

58.

Kabilang dito ang mga negosyo tulad ng prabika o plantang nagbibigay ng mga hilaw ba sangkap, enerhiya, salapi o pondo para sa gastusin ng mga negosyo tulad ng mga bangko at mga serbisyo.

(a)  

59.

Kabilang dito ang mga empleyadong nagmamay-ari ng lupa at ang mga pamayanang pinagkukunan ng ilang hilaw na sangkap.

(a)  

60.

Kabilang dito ang mga sambahayan, mga pamayanan, at yaong distributor.

(a)  

61.

Negosyo na isa lamang ang nagmamay-ari

(a)  

62.

Negosyo kung saan dadalawa o higit pa ang mga namumuhunan sa negosyo o ng isang industriya.

(a)  

63.

Isang kinathang institusyon na kinikilala ng batas at binuo upang maging isang pangunahing tauhan sa pagpapatakbo ng negosyona binubuo ng stockholder.

(a)  

64.

Isang organisasyong negosyo na karaniwang itinatag ng mga mamimili o isang partikular na sektor ng lipunanupang maisulong ang karapatan at tungkuling ng kanilang kapwa.

(a)  

65.

Ay isang bagay na hindi gumagamit ng mga pandama at nakatuon lamang sa pagsisilbi ng tao sa ibang tao.

(a)