wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW TEST I

Total questions: 25

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Isang baboy ramo ang kanilang nadale. Ano ang kasingkahulugan ng salita?

a)

nadaanan

b)

nahuli

c)

naisama

d)

nakita

2.

Yumuko siya at nakita niya ang marumi niyang paa? Ano ang kasalungat ng salita?

a)

patpatin

b)

mabuti

c)

natutuwa

d)

tumingala

3.

Gumagamit sila ng bitag upang mahuli ang baboy ramo. Ano ang kasingkahulugan ng salita?

a)

kampilan

b)

pagkain

c)

pana

d)

patibong

4.

Sa halip na kumibo ay nanahimik na lamang siya upang hindi na mapagalitan ng kaniyang ina? Ano ang kasingkahulugan ng salita?

a)

humuni

b)

kumilos

c)

magsalita

d)

umawit

5.

Patpating baboy ramo ang nahuli ng bitag. Ano ang kasalungat ng salita?

a)

mataba

b)

mabuti

c)

natutuwa

d)

yumuko

6.

Kitang-kita sa kanya ang pagiging tuso. Ano ang kasalungat ng salita?

a)

patpatin

b)

mabuti

c)

natutuwa

d)

yumuko

7.

Naghinay-hinay ang lalaki pauwi sa kanilang tahanan nang malamang nanganak na ang kanyang maybahay.

a)

tama, dahil kailangang mabagal lang ang pagkilos.

b)

tama, dahil kailangang samahan ng lalaki ang kanyang asawa.

c)

mali, dahil wala namang magagawa ang lalaki kahit magmadali siya.

d)

mali, dahil dapat lamang na magmadali sapagkat buhay ang pinag-uusapan.

8.

Ipinagkaloob ng mag-asawa ang buhay ng kanilang anak sa Diyos.

a)

mali, dahil hindi dapat itong ipagkaloob.

b)

mali, dahil ang anak ang dapat gumawa nito.

c)

tama, dahil ito ay kagustuhan ng anak.

d)

tama, dahil sa Diyos lamang dapat ipagkaloob ang buhay.

9.

Labis ang ginawang paghahanda ng mag-asawa sa binyag ng kanilang anak.

a)

tama, dahil minsan lang ito ipagdiwang.

b)

mali, dahil karaniwan lang ito at hindi dapat paghandaan.

c)

mali, dahil aksaya lamang sa pera at oras kung ito'y paghahandaan.

d)

tama, dahil mahalagang bahagi ito ng pagiging Kristiyano kaya dapat paghandaan.

10.

Ipinangako ng mga magulang na bibigyan nila ng magandang bukas ang kanilang anak.

a)

mali, dahil imposible na ang magandang bukas.

b)

tama, dahil magandang bukas ang nais ng kanilang mga anak.

c)

mali, dahil hindi magandang bukas ang kailangan ng kanilang anak.

d)

tama, dahil magandang bukas lamang ang tanging maipamamana ng magulang.

11.

Marahas na inalalayan ng lalaki ang kanyang asawa pabalik sa kama matapos itong manganak.

a)

tama, dahil ito ang tamang pagtrato sa asawa.

b)

mali, dahil ang pagiging marahas ay hindi maganda.

c)

mali, dahil kailangang maging marahan ang lalaki sa pag-aalaga.

d)

tama, dahil sa pagiging marahas niya maipakikita na siya ay tunay na lalaki.

12.

Labis ang lungkot ng mag-asawa nang magsilang ng sanggol na lalaki ang babae.

a)

tama, dahil iyon talaga dapat ang maramdaman.

b)

mali, dahil ang lungkot ay hindi isang uri ng damdamin.

c)

mali, dahil biyaya ang sanggol kaya dapat lamang na magsaya.

d)

tama, dahil sa hirap ng buhay ngayon dapat lamang na maging malungkot.

13.

Sa ibang panig ng bansa ay may mga lalake na hindi maganda ang pagtrato sa kanilang mga asawang babae na taliwas sa tradisyon ng mga Muslim na _____.

a)

dapat ang lalaki ang laging masusunod

b)

dapat ang lalaki lamang ang magtatrabaho para sa babae

c)

dapat ang lalaki lamang ang magtatrabaho para sa babae

d)

dapat tratuhin ng lalaki nang maayos at may paggalang ang kanyang asawa.

14.

Sa mga Katoliko tayo ay _____ samantalang sa mga Muslim ay may tinatawag na Salaah.

a)

Binyag

b)

Nagsisimba

c)

Pagislam

d)

Santakrusan

15.

Ang Penggunting sa Muslim ay katumbas ng _____ sa mga Kristiyano.

a)

Binyag

b)

Nagsisimba

c)

Pagislam

d)

Santakrusan

16.

Pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao sa panahong naisulat ang kuwentong-bayan. Ngayon ipinagbawal na ito at isa sa mga pumalit dito ay ang _____ na naging hanapbuhay na rin sa mga probinsya.

a)

pagmimina

b)

pagsasabong

c)

pagsasaka

d)

pagtotroso

17.

Ang ikatlong seremonya ng mga Muslim na _____ ay katumbas ng pagtutuli sa mga Kristiyano.

a)

Binyag

b)

Nagsisimba

c)

Pagislam

d)

Santakrusan

18.

Kahit hindi kumain si Aling Luisa ay masaya siya sapagkat busog naman ang kanyang mga anak.

a)

masaya si Aling Luisa kahit hindi siya kumain

b)

hindi nakararamdam ng gutom si Aling Luisa

c)

kayang magtiis ng ina para sa kanyang mga anak

d)

tungkulin ng ina na unahin ang pangangailangan ng mga anak

19.

Nagtiis sa pagtatrabaho si Marco upang makapagtapos sa pag-aaral.

a)

Kailangang muna ng hirap bago guminhawa.

b)

Lahat ay kayang gawin ng taong may pangarap sa buhay.

c)

Ang pagtatrabaho ay daan upang makatapos sa pag-aaral.

d)

Kung hindi magtatrabaho ay walang makakamit na kinabukasan.

20.

Ang pagdating ng kanilang pinuno ay __________ na tapat siya sa kanyang sinabi.

a)

kapani-paniwala

b)

katunayan

c)

nagpapakita

d)

pinatutunayan ng mga detalye

21.

Agad sinimulan ang pagpupulong at ang mga sinasabi niya ay __________ para sa lahat.

a)

kapani-paniwala

b)

katunayan

c)

nagpapakita

d)

pinatutunayan ng mga detalye

22.

Sa __________ pinakikinggan niya ang mungkahi ng bawat miyembro upang maging patas sa lahat.

a)

kapani-paniwala

b)

katunayan

c)

nagpapakita

d)

pinatutunayan ng mga detalye

23.

Alam ng bawat isa na tapat ang kanilang pinuno dahil ito ay __________ na hawak nila.

a)

kapani-paniwala

b)

katunayan

c)

nagpapakita

d)

pinatutunayan ng mga detalye

24.

Napakabuti ng kanilang pinuno sapagkat ang kanyang mga ginagawa ay __________ rin ng kanyang malasakit sa mga tao.

a)

kapani-paniwala

b)

katunayan

c)

nagpapakita

d)

pinatutunayan ng mga detalye

25.

Ang pagkakaroon ng pinunong tulad niya ay hindi matatawaran dahil lahat ng kanyang mga ginagawa ay __________.

a)

kapani-paniwala

b)

katunayan

c)

nagpapakita

d)

pinatutunayan ng mga detalye