wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW TEST 2

Total questions: 25

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Humanga ang lahat nang magtagumpay sa buhay ang batang dating palaboy.

a)

Tama, dapat lamang na hangaan ang sinumang nagtatagumpay sa buhay.

b)

Mali, dahil hindi hinahangaan ang dating palaboy.

c)

Mali, dahil hindi nagtatagumpay ang isang palaboy.

d)

Tama, dahil kailangang hangaan ang dating palaboy kung hindi siya palaboy dapat hindi hangaan.

2.

Naging maingat sa pagbibisikleta si Jan-Jan kaya’t siya ay nagalusan.

a)

Tama, dahil kailangang mag-ingat upang hindi magalusan.

b)

Tama, dahil ang maingat na tao ay nagagalusan.

c)

Mali, dahil ang nagagalusan ay ang maingat na tao.

d)

Mali, dahil hindi magagalusan si Jan-Jan kung nag-ingat siya.

3.

Naging mabagsik si Melody nang siya ay nagwagi sa paligsahan.

a)

Mali, dahil hindi kailangang maging mabagsik kung ikaw ay nagwagi sa paligsahan.

b)

Mali, dahil kailangang maging masunurin kapag nagwagi.

c)

Tama, dahil ang mabagsik ay nangahulugang maamo.

d)

Tama, dahil ang pagwawagi ay kasingkahulugan ng mabagsik.

4.

Pahalagahan ang bawat sandali ng buhay.

a)

Mali, dahil kailangan din nating maging masaya.

b)

Mali, dahil ang sandali ay napakatagal.

c)

Tama, dahil ang bawat sandali ng buhay ay kaloob ng Diyos.

d)

Tama, dahil kailangan din nating maging masaya.

5.

Mahalaga ang pakikisama sa kapwa.

a)

Tama, dahil kailangan natin ng kasama sa bahay.

b)

Tama, dahil ito ay magandang gawain ng isang tao na makatutulong sa kanyang buhay.

c)

Mali, dahil ang pakikisama ay hindi kailangan ng isang tao, maaari tayong mabuhay mag-isa.

d)

Mali, dahil ang pakikisama ay kailangan lang kapag may asawa na.

6.

Isang biyaya ang mabigyan ng Financial Assistance mula sa ating pamahalaan.

a)

Tama, dahil ito ay galing sa ating Panginoon na makatutulong sa ating pang-araw-araw.

b)

Tama, dahil ito ay sa atin.

c)

Mali, dahil ito ay hindi galing sa langit at wala itong maitutulong sa atin.

d)

Mali, dahil hindi natin kailangan ang Financial Assistance.

7.

Nagdiwang ang buong klase nang malamang hindi na matutuloy ang pagpunta sa Enchanted Kingdom.

a)

Mali, dahil masaya sa Enchanted Kingdom kaya’t hindi sila maututwa kapag hindi natuloy ang pagpunta rito.

b)

Mali, dahil matutuloy ang pagpunta sa Enchanted Kingdom.

c)

Tama, dahil saya ang mararamdaman kapag hindi natutuloy ang masasayang lakad.

d)

Tama, dahil umiyak ang buong klase nang malamang hindi na matutuloy ang pagpunta sa Enchanted Kingdom.

8.

Madalas mapahamak ang tao dahil sa hindi pagsunod.

a)

Tama, dahil magandang katangian ang hindi marunong sumunod.

b)

Tama, dahil marami ang hindi marunong sumunod at ito ay nagdudulot ng kapahamakan.

c)

Mali, dahil masama ang epekto ng pagsunod.

d)

Mali, dahil walang mangyayaring masama sa isang tao kung hindi sumunod.

9.

Kailangan ng ating katawan ang masustansiyang pagkain.

a)

Mali, dahil masasarap na pagkain ang kailangan ng ating katawan.

b)

Mali, dahil hindi ito gusto ng mga bata.

c)

Tama, dahil nakapagpapalakas ito ng ating katawan.

d)

Tama, dahil ito ay nakapagpapasaya sa buhay ng tao.

10.

Delikado sa buhay ng tao ang COVID 19.

a)

Tama, dahil ito ay nakamamatay.

b)

Tama, dahil ito ay nakapagpapaganda.

c)

Mali, dahil ito ay nakapagpapatamlay ng katawan.

d)

Mali, dahil ito ay nakapagpapabigat sa kalooban.

11.

Ang lahat ng hirap ng isang guro ay _____ estudyante.

a)

bukod

b)

hinggil sa

c)

para sa

d)

ukol sa

12.

Mapagmahal _____ magulang ang mga magulang ni Patricia.

a)

kung

b)

na

c)

sapagkat

d)

subalit

13.

Madalas siyang lumiban sa klase _____ wala siyang interes sa pag-aaral.

a)

kung

b)

na

c)

sapagkat

d)

subalit

14.

Ang sakit _____ COVID 19 ang nakapagpabago sa takbo ng buhay ng mga tao.

a)

kung

b)

na

c)

sapagkat

d)

subalit

15.

Nalungkot ang kanyang ama _____ bumaba ang kanyang mga marka.

a)

kung

b)

kapag

c)

sapagkat

d)

subalit

16.

Hindi gaanong marangya ang buhay ng pamilya ni Lotie _____ sila ay masaya.

a)

kung

b)

na

c)

sapagkat

d)

subalit

17.

Ang ligtas _____ buhay ang hangad ng lahat.

a)

at

b)

kapag

c)

na

d)

-ng

18.

Matiyaga ang batang iyon, _____ umasenso ang buhay.

a)

bagaman

b)

kaya naman

c)

kung

d)

subalit

19.

Maipapasa mo ang Grade 7 _____ sasagutan mo ang iyong mga module.

a)

kung

b)

na

c)

sapagkat

d)

subalit

20.

Dahil sa sipag _____ tiyaga ay umunlad siya sa buhay.

a)

at

b)

bagaman

c)

maliban

d)

ngunit

21.

Naging masunurin ang karamihan sa mga ipinapatupad ng IATF. Suriin kung makatotohanan o di-makatotohanan ang mga pangyayari batay sa sariling karanasan.

a)

di- makatotohanan

b)

makatotohanan

22.

Marami ang namatay dahil sa COVID 19. Suriin kung makatotohanan o di-makatotohanan ang mga pangyayari batay sa sariling karanasan.

a)

di-makatotohanan

b)

makatotohanan

23.

Nakararanas ng diskriminasyon ang mga nagkasakit ng

COVID 19. Suriin kung makatotohanan o di-makatotohanan ang mga pangyayari batay sa sariling karanasan.

a)

di-makatotohanan

b)

makatotohanan

24.

Gumawa ng paraan ang Kagawaran ng Edukasyon upang matuloy ang pagbubukas ng klase sa kabila ng pandemya. Suriin kung makatotohanan o di-makatotohanan ang mga pangyayari batay sa sariling karanasan.

a)

di-makatotohanan

b)

makatotohanan

25.

Malaking tulong ang pagsusuot ng facemask at face shield upang makaiwas sa sakit. Suriin kung makatotohanan o di-makatotohanan ang mga pangyayari batay sa sariling karanasan.

a)

di-makatotohanan

b)

makatotohanan