WorksheetsQ2 1st Summative Test LE
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng wastong sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang dapat gawin habang ginagamit ang mga kagamitan at mga kasangkapan sa paggawa ng proyekto?
A. Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa.
B. Mag-ingay habang gumagawa.
C. Makipaglaro habang gumagawa.
D. Makipag-usap habang gumagawa.
2. Alin ang tumutukoy sa pagpipintura o pagbabarnis ng proyektong ginawa?
A. paglililok
B. pagmumuwebles
C. pagpapanapos o finishing
D. pagtuturno
3. Ginagamit itong pang-ukit at sa paggawa ng mga butas at hugpungan.
A. disturnilyador o screw driver
B. katam
C. kikil
D. paet
4. Kapag gagamit ng mga kasangkapan tulad ng welding machine, lathe machine, mga kemikal at iba pang makapipinsala sa katawan, ano ang dapat gawin?
A. Gamitin ang mga ito kahit wala ang gurong tagapatnubay.
B. Gamitin ang mga ito kahit walang panakip sa katawan.
C. Gamitin ang mga ito ng walang paalam sa guro.
D. Maglagay ng panakip sa mata, ilong, o bibig.
5. Ito ay pampatag ng maninipis na metal at pambaon ng paet.
A. disturnilyador o screw driver
C. rip saw
B. malyete
D. zigzag rule
6. Tumutukoy ito sa paggawa ng mga upuan, kama, aparador o cabinet.
A. pagkakarpinterya
B. paglililok
C. pagmumuwebles
D. pagpapanapos o finishing
7. Ang gamit na ito ay de-kuryente na mainam na pambutas sa matitigas na bagay
A. barena o electric drill
B. disturnilyador o screw d
C. martilyo de-kabra
C. martilyo de-kabra
8. Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga balustre.
A. pag-aapholsterya
B. paglililok
C. pagmumuwebles
D. pagtuturno
9. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng taas, lapad at kapal ng materyales
A. barena o electric drill
B. disturnilyador o screw driver
C. martilyo de-kabra
D. pull-push rule
10. Ang pag-uukit sa kahoy ng iba’t ibang disenyo ay tinatawag na _____ .
A. pag-aapholsterya
B. paglililok
C. pagmumuwebles
D. pagtuturno
11. Ginagamit ito na panghigpit o panluwag sa turnilyo.
A. barena o electric drill
B. disturnilyador o screw driver
C. rip saw
D. pull-push rule
12. Alin ang tumutukoy sa paggawa ng mga bahay at gusali?
A. pag-aapholsterya
B. pagkakarpinterya
C. pagmumuwebles
D. pagtuturno
13. Ano ang dapat gawin sa mga kagamitan at kasangkapan pagkatapos gamitin?
A. Ibalik ang mga kagamitan at kasangkapan sa isang lalagyan.
B. ikalat sa ibabaw ng mesang gawaan
C. Itapon ang mga kagamitan at kasangkapang ginamit sa paggawa.
D. iwanan ang mga ito sa sahig
14. Ginagamit itong pamutol nang paayon sa hilatsa ng kahoy.
A. coping saw
B. keyhole saw
C. lagaring bakal
D. rip saw
15. Bago gumawa ng proyekto, ano ang unang bagay na dapat isipin?
A. kung anong pakinabang nito
B. kung paano ito gagamitin
C. kung papaano ito maibebenta
D. lahat ng nabanggit
Panuto: Piliin ang titik A kung nararapat sundin at titik B kung hindi nararapat.
16. _______ 1. Bago gumawa ng proyekto, isipin muna kung anong pakinabang ang makukuha dito.
A
B
________ 17. Hayaang nagkalat ang mga kagamitan at kasangkapan sa gawaan.
A
B
________ 18. Iayos ang mga kagamitan at kasangkapan sa isang lalagyan pagkatapos gamitin.
A
B
________ 19. Itapon ang mga kagamitan at kasangkapang ginamit sa paggawa.
A
B
_______ 20. Bigyang halaga ang anumang proyektong ginawa.
A
B
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
21. Anong uri ng kasangkapan ang ginagamit lamang kung sadyang kailangan at hindi dapat pinaglalaruan? _____
A. kondisyon
B. kasangkapan
C. de-kuryente
D. kondisyon kasangkapan de-kuryente atensyon
E. personal protective equipment
22. Ituon ang buong _______ sa ginagawa.
A. kondisyon
B. kasangkapan
C. de-kuryente
D. atensyon
E. personal protective equipment
23. Maglaan ng ligtas na lugar o lalagyan ng mga _________.
A. kondisyon
B. kasangkapan
C. de-kuryente
D. atensyon
E. personal protective equipment
24. Tiyakin na ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na _______.
A. kondisyon
B. kasangkapan
C. de-kuryente
D. atensyon
E. personal protective equipment
25. Ugaliing gumamit ng mga__________.
A. kondisyon
B. kasangkapan
C. de-kuryente
D. atensyon
E. personal protective equipment
